Saturday, November 2, 2019

Saan ba nanggaling ang ugali ng maraming Pilipino na nagtatapon ng basura kung saan-saan lang?


Kung oobserbahan natin ang maraming Pilipino—napakabuting kaibigan, napakabuting kamag-anak, pero questionable ang marami kung mabuting mamamayan! Kasi tayong mga Pilipino, kailangan pa natin ma-develop ang concept of belonging to a nation. Maraming mga Pilipino think in terms only of our barangay or region. Kaya, Ako ay Kapampangan. Ako ay Ilokano. Ako ay ganito. Ako ay ganon. Pero bihira yung, Ako ay Pilipino. Kaya kailangan, mas makita pa natin that we are a nation. Para mas magkaroon pa tayo ng good citizenship.
May isa akong iniisip na dahilan kung bakit ang Pilipino ay kalat nang kalat, hulog nang hulog ng basura sa ilog, nag-uuwi ng mga wire ng kuryente at ng mga bakal na takip ng kanal, pati nga mga bakod ng kalsada nilalagari at inuuwi. Kasi hangagang ngayon, maraming Pilipino ang hindi pa nakikita ang gobyernong kanila. For almost 400 years, the government of Spain was an oppressive tool against our people. And then for another 50 years of American rule, the government was also used against the people. Di ba, ang mga bayani nating sina Macario Sakay, tinawag pang mga tulisan dahil lumalaban sa mga Amerikano? Tulisan ang tawag sa iyo dahil makabayan ka. Ang tawag sa iyo ay masamang tao. Hanggang ngayon, kapag kayo ay nationalist, akala nila anti-American kayo. Ganun ka-damaged ang ating kultura.
In other words, for so long, ang tingin ng Pilipino sa pamahalaan ay kalaban. Dahil ang pamahalaan at ang hukbo ng pamahalaan ay napakatagal na ginagamit lang ng mga foreign powers and then later on, by a few elite people. So and tingin ng maraming mamamayan sa gobyerno, lalung-lalo na sa ating hukbo, ay kalaban. Kaya wala silang malasakit sa gobyerno.
There is, I think, a second reason kung bakit maraming nagkakalat. Siguro, lack of education. Kasi nakikita naman natin, the more educated ones ay mas malinis. Although hindi lahat. Minsan, ang gaganda ng kotse, biglang iro-roll down ang bintana, maghahagis ng balat ng mais. Walan g malasakit sa bayan. Pero ang kakulangan sa edukasyon at ang kaakibat nitong kakulangan sa economic development ay isang malaking dahilan talaga.

No comments:

Post a Comment