Una, huwag pilitin. Huwag yung, Hoy, gumising na kayo,
magsisimba na tayo. Pag araw-araw ganun ang ginawa nyo, araw-araw lagi kayong
tutulungan. Pag nagpapaiwan, iwanan nyo. Kesa naman sasama pero nakasimangot,
walang kibo at lagi ninyong ini-entertain, dahil napilit nyo lang. Ipag-pray
nyo sila na magkaroon talaga ng conviction to go to church.
Second, tiyakin nyo naman na attractive yung program ng
church para sa youth. Kasi pupunta nga doon tapos nabaduyan sila at nakornihan.
Talagang hindi na babalik yon.
Even though you are the parens or elders, earn your right to
be heard. Hindi lang laging authority mo ang iyong gagamitin para madiktahan mo
ang anak mo. Nandoon nga, pero nasaan yung puso? Dapat maganda ang testimony ng
mga elders mismo sa bahay nila at nang hindi napa-plastikan sa nanay, sa tatay
o sa kuya. Kaya kailangan damang-dama ang testimony. Dahil tayo mismo ang
advertisement ng churc, wala nang iba. Huwagkayong mamilit. May nakita na ba
kayo, kahit saan sa Bibliya, na pinilit ng Panginoon? Wala. Nag-iinvite lang
Siya.
No comments:
Post a Comment