Monday, November 18, 2019

In your tape message, Dance to the Lord, you mentioned that God commanded us to worship Him through dance. What if we don’t?


Una, hindi naman tayo nagkakasala kung hindi tayo sasayaw. Marami namang paraan ang pagsamba. Kaya lang, hindi rin naman kasalanan na sumayaw kung ang pagsayaw natin eh, para mag-worship sa Panginoon. Ngayon, ang sayaw na pang-worship sa Panginoon ay hindi dapat malaswa. At saka hindi nadudungisan ang puri ng mga nagsasayaw. It should really be an expression of worship.
Singing to the Lord is worhip and so is dancing to the Lord. Tanong natin, bakit? Eh, desisyon ng Diyos yun kung bakit Niya ginawa na ang dance is one of the highest forms of worship na nakalulugod sa Kanya. Kaya nga nang pintasan ni Michal na asawa ni David ang pagsayaw nito before the ark of the covenant, and kasunod na verse sa 2 Samuel 6:23, And Michal….had no children to the day of her death. Naging baog siya, kasi i-honor ng Panginoon ang sayaw. What is worship if not ministering to the Lord and giving the Lord delight? Mayroon palang ibinibigay ang Lord sa ating kakayahan na pasayahin Siya. Definitely, hindi nyo mapapasaya ang Diyos kung kayo mismo ay hindi masaya. Kung may kasama kayong napakapormal at walang kakibu-kibo, hindi kayo mag-eenjoy. Kung ang kasama nyo expressive at mas joyful, mas nag-eenjoy ang Diyos. At kung nag-eenjoy ang Diyos nagbo-blowout Siya. So, when we really praise and worship God through our tithes and offering, yun ang mga tunay na acts of worship. Then the Lord is delighted.
Sa Pilipinas kasi, ang tradisyon at ekspresyon natin ay talagang music and dance. We dance from the cradle to the grave. Kaya kung ang Filipino church eh mahilig magsayaw, ang Korean church mahilig mag-pray, yung Amerikanong church mahilig manahimik at makinig sa isang sermon, walang mali doon. Those are cultural flavors of one and the same taste. Ngayon, kung may nagbabawal, siguro they came from the part of conservative missionaries that perceived dance as evil. Dahil daw sumayaw itong si Salome kay Herod kaya natanggalan tuloy ng ulo si John the Baptist, evil ang pagtingin nila sa sayaw. Pero alam nyo, ang martilyo, kung pwede nyong ipamukpok ng tao at maging weapon of evil. Ganyan din ang sayaw. Pwede nyo yang gamitin for the Lord’s glory, pwede nyo ring gamitin to glorify satan. No work of art has a moral dimension on its own. It is amoral because it is non-living. What you do with it will give it morality.

No comments:

Post a Comment