Wednesday, January 8, 2020

Bakit may mga churches na nagbabawal magpantalon ang mga babae?


There are churches who are very particular about the physical appearance of their members, especially with women who wear pants and shorts with matching short hair. Ito naman ay isang malayang bansa. Ngayon, kasama ng kalayaang yan ang kalayaan ng pagpapahayag. Maaari naman siguro na tawagin ninyo ang pansin ng pamunuan ng isang iglesia. Sabihin nyo, Bakit ba napaka-istrikto natin tungkol ditto, tungkol doon? At matapos nilang pag-aralan iyan at magbigay uli sila ng stand, susundin nyo yun dahil member kayo ng church. Ngayon kung ayaw nyong sumunod, magpakatao kayo at magpaalam nang maayos at pagkatapos nyan ay humanap kayo ng church kung saan kayo liligaya.

Maraming mga conservative churches ayaw nila yung babae nakapantalon. May mga babae naman kasing, Ay! Akala ko balat, pantalon pala! Pati bakukang nakabakat na. Hindi na nakaka-glorify kay Lord. Pero siguro naman kung dressy yung pants nyo, kung mukha naman kayong babae pa rin at hindi naman nakabakat pati inyong nunal, hindi naman siguro big deal.
Tandaan nyo, noong sinulat ang letter to the Corinthians, hindi naman kayo ang iniisip ni Paul. Pero kung yung context sa Corinthians kamukha nung context natin then we can apply it. Hindi literal ang paggamit ng Biblia. Dahil kung literal, magpapakamatay na rin kayo katulad ni Hudas o kaya’y magpapako na rin sa krus katulad ni Kristo o lalakad na rin kayo sa tubig. Kailangan, sound interpretation. The spirit of the law is more important than the letter of the law.


No comments:

Post a Comment