Friday, January 17, 2020

What is your reaction about the headline statement of John Paul II that God will never destroy the earth again? He cited the covenant that God made with Noah after the great flood that was sealed with the rainbow.


Totoo yung promise ng Panginoon na hindi na Niya gugunawin ang mundo kagaya nung paggunaw ng ginawa Niya during the time of Noah. Pero mali naman na hindi na Niya gugunawin ang daigdig dahil lang sinabi ng pope. Merong isang katuruan ang Catholic church patungkol sa infallibility of the pope. Kung merong isang infallible, ang Lord lang yun. Yung Word Niya is the Bible. At ang Bible, nagtuturo sa atin na gugunawin Niya ulit ang daigdig pero hindi na sa pamamagitan ng tubig.
Pag pinag-aaralan natin ang book ng Revelation, yung opening of the seven scrolls, nakapasok roon yung paggunaw ng mundo by fire. So ang mas papaniwalaan natin ay yung itinuturo ng Bibliya. In fairness to the pope, this could be a misquotation or an editing error. Kung minsan limited space lang sa diaryo ang kailangang punuan ng mga reporters, kaya pinuputol-putol ang mga news items. Baka naman ang buong sinabi ng pope ay the Lord will destroy it by fire. Eh, wala nang space, kaya ilalagay na lang, the Lord will not destroy the world again. Kung minsan ganun. My point is, in the interest of truth, we should be fair to all concerned.


No comments:

Post a Comment