Thursday, January 30, 2020

Dapat bang magdamdam ang isang Kristiyano kapag napagsasabihan sa kanyang pagkakamali ng isa ring kapatid?


Dapat magpasalamat pag napagsasabihan tayo sa ating kamalian. Pero pag may pintas, dapat kayo lang dalawa. Kung minsan, hindi naman ipinagtatampo yung sinabi natin, kundi kung paanonatin sinabi. Mayroon talagang mga taong napakanipis, So handle them with care. Add a lot of prayer. Be suave and discreet. Sabihan nyo sa magandang paraan. Kung kayo naman ang nasasabihan, huwag kayong defensive. Dapat kayong magpasalamat at may naglakas-loob. Kaysa naman na confident na confident ka, yun pala pinagtatawanan ka na ng buong barangay. Mabuti nga minsan tayo na yung magtanong sa kapwa, ‘Meron ba akong mga kapintasang dapat kong maipanalangin at mabago? Tayo na mismo ang magtanong. Mahalaga na bukas ang ating isip sa ganyang mga bagay. Yang pagtatampo, form of pride yun.


No comments:

Post a Comment