Tuesday, January 28, 2020

Can anybody preach even if not qualified? Paano malalaman na ang isang preacher ay anointed?


Unang-una, kapag nagpi-preach siya, two things happen—one , the afflicted are comforted; and two, the overly comfortable are afflicted. Pag kayo ay masyadong down and out tapos napapataas ang inyong spirituality at nagkakaroon kayo ng pag-asa, anointed yun. O kung sobra kayong kumpiyansa at sobra kayong confident, bigla kayong na-rebuke, anointed din yun. One of the greatest ministries of the pulpit is to comfort the afflicted and to afflict the comfortable. Pag nanggaling ka sa isang worship service o Bible study, tuwang-tuwa ka dahil na-uplift ka o luksang-luksa ka dahil nabugbog ka ng Diyos. Pag anointed yung nag-preach, matapos kayong dutdutin, sugatan, paduguin, sasabihin nyo pa rin, Glory to God! Pag tinatamaan kayo ng Salita ng Diyos, nagpapasalamat kayo. Kaya nga tayo nakikinig ng Salita ng Diyos para tayo mapamukhaan sa pagkukulang natin. At yung mga kulang natin na hindi naman natin kasalanan, mapunan ng Diyos.


No comments:

Post a Comment