Maaaring mag-deviate ako sa ibang school of thought, pero
wala akong nakikitang kasalanan o masama na ang isang babae ay mamuno ng isang
iglesia, lalo pa’t walang kakayanan yung mga lalaki na naroroon o walang lalaki
all together. Sa Corinto, pinatigil yung mga babae na magturo at magdadaldal.
Pero ang konteksto nun, dahil ang mga babae roon ay daldal nang daldal at ang
iingay. Kaya sila pinatigil. Pero hindi pwedeng i-apply at gawan ng doktrina
yan na hindi pwedeng magpastor ang babae kasi ang context ay Corinth. Pero ang
reservation ko ay ito: hangga’t may lalaki na pwedeng mag-pastor at mag-lead,
doon ako sa lalaki. If ever na ganun nga ang sitwasyon na mahusay ang babaeng
magturo at talaga namang luting yung kanyang leadership, para sa akin, walang
masama na mag-pastor siya. Mabuti na yun kaysa walang leader.
However, sa Day By Day churches, wala tayong female pastor
dahil hanggang ngayon, we are still considering that doctrinal matter. And
until things become very clear to us, we take a more conservative stand. Ang
totoo niyan, as head pastor, and dami-dami kong pinanghihinayangan na mga babae
na dapat sana ay naging mahuhusay na mga pastora. We recognize other churches
na may mga pastors na babae and we recognize these women pastors as co-workers
in the Lord. Hindi natin isinasara yung door permanently because our
understanding of Scripture keeps on improving and going deeper over the years.
So, may mga stand tayong tentative.
No comments:
Post a Comment