Pray for him or her, lagi mong imbitahin sa mga Christian
events. Huwag siya laging i-nag, i-judge o pataatamaan. Hindi yung pag kasama
mo at may preaching tungkol sa kanyang bisyo, siniku-siko mo na, ‘O, narinig
mo, narinig mo, narinig mo? Lalo kasing nakakainis yun. In other words, simple
lang kayo. Minsan may lalapit, ‘Pastor, meron ho ba kayong tape tungkol ho sa
masamang ugali ni mother-in-law?, O, bakit aanuhin nyo? ‘Ibibigay ko ho’.
Samahan nyo naman ng sampung ibang tapw para disimulado kayo. Huwag naman yun
lang ang ibibigay ninyo dahil kalinisan talaga kayo.
Maganda naman yung layunin natin pero kadalasan ang style
natin bulok. Huwag tayong maging judgmental. Yun bang lahat ng makasalubong
nyo, ‘Hoy, it’s a sin. Hoy, what you’re doing is sin.’ Pag nakita nyong may
grotto, ‘Hoy idolatry yan, ha!’ Huwag naman ganun. Ipakita nyo muna sa tao na
may malasakit kayo at naaalala nyo siya, minamahla nyo siya, tinutulungan nyo
siya.
Earn your right to be heard. Hindi yung bigla na lang kayong
papasok sa buhay ng may buhay and re-arrange it according to how you think it
should be arranged. In other words, nakaka-turn-off yung iba nating approach,
so be sensitive. Don’t try to change people in just a day dahil hindi ganun
kabilis yun. Si Moses nga eh 40 years sa disyerto bago tinawag sa ministry.
Huwag tayong mainip dun sa growth ng iba.
So, papaano nyo tutulungan ang nagba-backslide? Ipag-pray.
Always keep communication lines open. Pero huwag nyo naman purgahin nang
purgahin sa verses everytime na magkasama kayo, kasi minsan hindi na
nagwo-work. You should understand why people are in that situation. Baka meron
silang unfulfilled needs. Try to help and refresh them.
No comments:
Post a Comment