Monday, February 3, 2020

Bilang mga Christians, dapat ba na may mga biruan at tuksuhan sa mga kabataan?


Depende sa biro. Yung mga green jokes, mga malalaswa, dapat hindi. O kaya yung mga tuksuhan ng physical defects ng tao. Tatawagin ka, Hoy! Halika rito, Nognog. Halika ka rito, Rimpampanita. Kung hindi loving yung pagbibiro, hindi yun dapat gawin. In other words, if we are using it to deride and belittle people, hindi magandang biruan. At lalo na yung mga biruan na pang-kalye. Yun bang pagalingan, yung repartee na laging pinapalabas mong mas matalino ka kesa kausap mo. Hindi bagay yun sa mga Kristiyano.
We should speak in a way that is edifying. Yung kausap mo nabi-bless, pati nakikinig sa inyo, nabi-bless din. Ngayon, kung yung mga tuksu-tuksuhan ng mga binata’t dalaga is done in good taste at hindi nakaka-violate ng dignity ng babae at ng lalaki, okey lang. Hindi magaspang at hindi masama. May mga tao who are conservative and we should be very sensitive to people na hindi handang nabibiro sila nang ganun.

No comments:

Post a Comment