Ang anak nyo ba pag nagkamali, anak nyo pa rin o hindi na?
Anak nyo pa rin! Anak pa rin tayo ng Diyos kahit tayo ay magkamali. Kung
nagkamali, we confess, we seek forgiveness. Sabihin nyo, ganun lang ba yun?
Hindi. Pag anak tayo ng Diyos at tayo ay nagkakamali, pinapatawad Niya tayo,
saved pa rin tayo, pupunta pa rin tayo sa paradise pag namatay tayo. Pero tulad
din ng mga anak na nagkakamali sa lupa, kung minsan nababawasan ng allowance,
grounded, hindi nabibigyan ng mga blessings. Ganun din tayo. Mga anak ng Diyos
na patuloy na nagkakasala, matigas ang ulo, nawawalan ng proteksyon, nawawalan
ng blessing, nawawalan ng abundance, nawawalan ng peace of mind pero pag
namatay, saved pa rin. Once saved, always saved. Dahil ang relasyon natin sa
Diyos is permanent and forever.
No comments:
Post a Comment