First, you should identify the gifts as listed in the Bible
(1 Corinthians 12:1-11 and Ephesians 4:11-13). Huwag kayong mag-iimbento ng
gift na hindi nakalista. To know the gifts that you have, you should go first
to the Bible and to try to see kung anong mga nakalista doon. Maraming mga tao
nagke-claim ng mga gifts pero hindi naman nakalista sa Bible. So haka-haka lang
nila yun. Second, tingnan ninyo kung saan kayo naka-incline. Sa gift of
teaching ba, counseling, loving, giving, hospitality, healing or some other
gift? Kung saan kayo hiyang at likas, try to serve along that area. Tingnan
kung meron kayong joy at kung yung iba ay nagkakaroon din ng joy pag ginagawa
nyo yun. Kasi, kung minsang, meron akong joy na nakapag-preach ako, pero ang
buong church pala nag-suffer. So hindi ko siguro gift yun, baka haka-haka ko
lang. Kaya kailangan, alamin ang nakalista sa Bible, ikumpara ang sarili at
subukan.
No comments:
Post a Comment