Saturday, February 1, 2020

Okay lang ba, pastor that we attend worship services in another church to add to our spiritual growth, while we have our own church?


The truth is, there is only one Church. Mapa-Linggo, Lunes o Martes, kung si Hesus ang inyong sinasamba at ang Biblia an gating basehan, hindi naman kayo talaga lumipat ng ibang church dahil pareho lang yan! Administratively lang, siguro magkaiba. It’s alright as long as hindi nyo napapabayaan ang duties nyo sa inyong local church.
Huwag na huwag kayong magco-compare. Pambira naman dito, buti pa sa church namin. At pagdating naman doon sa church nyo,  Pambihira naman dito, buti pa sa kabila. Baka magkakaselosan at magkakaintrigahan pa dahil sa inyo. Magkakaiba yan. So don’t compare.
Don’t neglect your local church. At kung nagtatanong kayo at ang aking mga sagot ay contradictory sa stand ng pastor nyo—maliban na lang kung talagang hindi siya biblical—malaya kayong mamili. Kailangan meron kayong loyalty sa inyong local church. But don’t let that loyalty become your disloyalty to the universal body of Christ. Kasi minsan sobra tayong parochial. Itong local church ko lang ang tama, everybody else is demonic and evil—hindi naman ganun yun. Kailangan matuto tayong makipagmabutihan sa isa’t isa.


1 comment:

  1. Hindi po ba kontradikting itong preaching na ito about comparing other churches? Hindi po ba batas ng Dios na subukin ang spirito kung itoy sa Dios? 1John4:1

    Are there any biblical passages relating to this explanation? Sabi kasi sa 1Corinthians4:6 wag dadagdag o babawas sa nakasulat?

    Isn't this misleading dahil hindi hindi tinuturo ang Gospel ng buo?
    Jeremiah23:30

    Titus1:14 wag daw makinig sa katha ng tao.

    Isn't this misleading the flock to the true gospel of Christ?

    ReplyDelete