Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon. Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para doon sa natalo.
Wednesday, December 28, 2022
BAWAL BA ANG LOTTO SA MGA CHRISTIANS?
ANO ANG DAPAT GAWIN SA MGA TAONG HINDI MO GUSTO?
May mga tao talagang kahit hindi ka naman inaano, naiinis ka sa kanya. Naiinis ka kung paano siya magsuklay, naiinis ka kung paano siya umupo, naiinis ka kung paano siya tumawa. Pero di ka naman niya inaano. Would you prefer na nagugustuhan mo siya? Hindi ba ang daming mga ipokrita? Pabeso-beso, pa chika-chika, pero gustong magkagatan. Kung pwede lang sakmalin ang leeg ng hinahalikan ay gagawin.
BAKIT TAYO NAKAYUKO PAG NAGDARASAL?
Kaya tayo yumuyuko, it’s a symbol of humility.
Alam nyo, ang Diyos ay nasa lahat ng dako.
So it doesn’t really matter kung nakatingala kayo, nakatabingi o nakataob.
Ang mahalaga, ang puso ninyo ay nakatuon sa Panginoon.
Kadalasan, kaya tayo yumuyuko para huwag na nating makita yung iba.
Para makapag-concentrate. Kasi kung nakatingin ka kung saan-saan, nadi-distract tayo.
Sasabihin mo, Ay, si ano hindi nakayuko. Ay, hindi nagdarasal.
Nagiging judgmental tuloy tayo. Kaya mabuti pa, manahimik at yumuko na.
Saturday ba o Sunday ang araw ng Sabbath?
Kailan ba ang Sabbath? Linggo ba yun? Saturday ba yun? You know what the word Sabbath means? Seventh. When you count starting from Sunday, ang seventh nyo, Saturday. When you count starting from Monday, ang Sabbath nyo nagiging Sunday. Eh, kung nag-count kayo starting ng Thursday? Eh di, Wednesday. What I’m trying to say is, hindi naman sinabi ng Diyos na ang Sabbath ay araw ng Sabado o araw ng Linggo. Sabi niya sa Exodus 20:9,10. Six days you shall work and the seventh is a Sabbath in the Lord. Meaning? Kung nagtatrabaho ako mula Miyerkules, eh di ang Sabbath ko, dapat Martes!
CALL FOR GOD’S HELP
First of all, we need to call for God’s help. Dapat
kilalanin ng tao na kailangan nya ang Diyos. Hindi lang yun, dapat tumawag siya
sa Diyos.
Psalm 30:2 Oh Lord my God, I called to you for help and you
healed me.
So ano ang nangyari bago nagka-healing? Tumawag muna ang tao
sa Diyos. “Tulungan nyo po ako, pagalingin nyo po ako,” at dumating ang sagot.
Man’s part is to call for God’s mercy.
Psalm 30:8 To you, Oh Lord, I called, to the Lord I cried
for mercy.
Habag lang, hindi justice, ang hinihintay natin sa Diyos.
Because if you want justice, what can you get from God but punishment? Maaaring
may nagagawa tayo paminsan-paminsang tama pero gaano karami naman yung mga
nagagawa at naiisip nating hindi tama? So you seek God’s mercy.
Ano man ang sitwasyon natin, malala o maliit pa lang,
tumawag na tayo sa Diyos. Kung minsan yung maliit na problema lumaki tuloy
dahil hindi ka tumawag sa Siyos. Akala mo maliit lang, kayang-kaya. Lagi at
every level let God be relevant.
Jeremiah 33:3 Call to me and I will answer you and tell you
great and unsearchable things you do not know.”
Tumawag ka lang. Yung
mga hindi mo nauunawaan ipauunawa ko sa iyo. Yung hindi mo nakikita ipapakita
ko sa iyo. Ang liit-liit pa ng alam mo, palakihin natin. Sabi nya, tumawag ka.
And seek mercy, habag, awa.
Psalm 6:9 The Lord
has heard my cry for mercy, the Lord accepts my prayer.
Isaiah 55:7 “Let the wicked forsake his way and the evil man
his thoughts. Let him turn to the Lord, and he will have mercy on him and to
our God, for he will freely pardon.”
Ito pa lang. Sabi, kung ang dahilan ng inyong mga
kalungkutan ay alam nyo naman na dahil sa kasalanan, sa kamalian, sa kapabayaan,
palitan ang pamamaraan. Iwanan ang mga masasamang pag-iisip at makipagkasundo
sa Diyos. Siguradong ikaw ay kahahabagan. At nagpapatawad siya nang walang
sinisingil. Walang hihinging bayad sapagkat siya ay mabuti. Yung mga iba pag
sinabi mong lumapit sa Panginoon, sasabihin, “Ang layo ko na e.” Eh di
kailangang lalo ka ngang lumapit. Hindi ka naman sisingilin. Kailangan mo lang
magbalik-loob. Mas malayo o mas malalim ang paghuhugutan, mas makikilala mo ang
grasya ng Diyos. Hindi dahilan yung sobra ka nang nagkalubog-lubog sa
kasalanan, sa pagkakamali at sa kasamaan para hindi manumbalik sa Siyos because
he forgives freely. Hindi naman susukatin kung gaano yung kasalanan mo’t ganun
din ang sukat na sisingilin sa iyo par aka patawarin. So ano ang dapat na
ipagdalawang-loob, ano ang dapat na ipagpatagal pa sa paglapit sa Diyos?
THE LORD’S PAST VICTORIES
Kung tayo man ay nahihirapan o natutuksong maawa sa sarili,
alalahanin lang natin ang mga tagumpay na ibinigay na sa atin ng Diyos noon pa
man sa hinaba-haba ng buhay natin at magkakaroon na tayo ng dahilan para
magpuri sa Diyos. Yun lang nandyan pa kayo at humihinga at buhay pa, hindi ba
isang patotoo sa kabutihan ng Diyos, sa dami
ng posibilidad na hindi na tayo dapat humihinga ngayon at wala na tayo
dapat ngayon sa balat ng lupa pero nandito pa tayo. That is the proof of God;s
blessings.
Tuesday, December 20, 2022
HUWAG MAINGGIT SA MGA NAGTATAGUMPAY
Do not envy those who are successful. Kung sa palagay nyo may taong mas matagumpay kaysa sa inyo, tandaan ninyo ito: pana-panahon lang yan. Mas matagumpay siya ngayon but you don’t know about tomorrow. Kaya huwag ninyong palaging ikinukumpara ang inyong sarili sa iba. Compare yourself with yourself. Dapat umasenso ka hindi dahil mas gusto mong higitan ang iyong kapatid o pinsan o kapitbahay. Dapat na umasenso ka kaysa sa sarili mo five o ten years ago because you have only yourself to compare yourself with. Natututo tayo sa ating mga pagkakamali. That we are able to pick up the pieces when we get broken every now and then. That we become better person than we previously were. Napakahalaga niyan. We must not envy those who are successful; we must use our envy to position ourselves correctly to receive God’s favor. We must be thankful and grateful not only for our success but also for the success of others.
Sunday, December 4, 2022
TANGGALIN ANG GALIT SA PUSO
May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.Ephesians 4:31
Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.
Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.
Philippians 3:13
...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.
Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.
Saturday, December 3, 2022
MATUTO KANG LUMUGAR
Isa sa pinakamahalagang qualities ng isang tao ay yung paglagay niya sa lugar. Hindi siya lumalagay sa hindi niya dapat kalagyan at hindi niya inagaw ang lugar ng may lugar. Nang likhain ng Diyos ang sansinuklob, inilagay niya ang lahat ng bagay sa tamang lugar.
Sunday, November 27, 2022
IWASAN ANG MGA HINDI MAKA-DIYOS NA MGA DALDALAN
2 Timothy 2:16 Avoid
godless chatter.
Iwasan ang mga hindi maka-Diyos na mga daldalan. Walang
uuwiang mabuti yan.
Ephesians 4:29 Do not let any unwholesome talk come out of
your mouths but only what is helpful for building others up according to their
needs, that it may benefit those who listen. Bantayan ang bibig. Kung
binabantayan natin yung taynga na huwag tambakan ng poison ng iba, binabantayan
naman natin ang ating bibig na huwag magtambak ng poison sa taynga ng iba at
huwag manira ng iba. Our words can be like honey that will soothe, refresh and serve
those people around us who’ll get it.
Our words can also be life acid that can destroy people. We should be watchful.
Huwag daw payagan na may mga unwholesome talk na lumalabas sa ating mga bibig.
At pag may lumalabas na words sa ating bibig, dapat umiimprove ang image at
stature ng taong pinag-uusapan natin sa mga listeners. We will be responsibe
for destroying a person. At hindi nakakatulong sa nakikinig na pangit at
kapintasan ng iba ang lumalabas sa ating bibig. Kasi sila man ang mai-influence
natin na maniwala at nagkasala na rin sila. Naging biased na rin sila.
Na-subvert na rin yung truth. In other word, we cause them to sin. Talk about
the good. Pag ino-obserbahan ko yung mga taong miserable, malungkot at
masusungit, usually ang mga topic nila yung mga nakakainis na bagay. Hindi pa
ako nakakita ng tao na ang sungit-sungit pagkatapos pag nagsalita siya ang
topic nya ay “ ang bango-bango ng sampaguita.” Wala pang ganun. Usually ang mga
topic nya’y mga kapangitan. “Ang traffic-traffic!” Totoo naman pero bakit lagi
mo pang sasabihin? Lalo ka nang naapektuhan. Ano’ng gagawin mo? Refuse to talk
about it all the time and refuse to listen about it all the time. What’s so new
about it? “Ang init-init!” Siyempre, nasa Pilipinas ka, e. Tropics ito. Pumunta
ka sa Norway. Kwarenta anyos ka na, singkwenta anyos. Hindi mo pa ba alam na
mainit sa tropics? “Malamok!” Syempre nasa tropics ka, e. Di magdala ka ng
kulambo at katol. Pero reklamo ka nang reklamo. If you always talk about such
things, what will happen to you? Mawawala ang inyong happiness and contentment.
Maguguluhan ang inyong isip. Napakahirap.
Psalm 105:2 Sing to Him. Sing praise to Him: tell of all his
wonderful acts.
Kung mayroon daw na ilalabas ang ating bibig, dapat mga
pag-awit at papuri sa Panginoo. Ikwento ang mga kabutihan ng Panginoo. Hindi
laging ikinukwento ninyo yung ginagawa ng biyenan ninyo na nakakainis. Yun na
lang nang yun. Wala nang bago. Kung minsan, makahalata tayo. Iniiwasan na tayo
ng tao. Ayaw na tayong kausap. Kasi siguro tuwing bubuka yung bibig natin ay
reklamo, daing at kung anu-anong mga problema ang maririnig. Hindi nakaka-edify
sa kapwa. And do you know that it’s very selfish to always talk about the bad
things? Kasi tinatanggalan nyo ng happiness yung tao sa paligid nyo. Inililipat
nyo sa kanya yung inis, yung galit. It’s
unkind. Kaya tinitingan din natin yun. Hindi yung ang saya-saya ng tao,
darating ka, biglang natanggal yung happiness nya nang kinausap nyo. Parang may
dumating sa kanyang salot. And that salot could be you. So we watch our tongue.
Optimistic people talk about God’s goodness, graciousness and greatness. But
people who often talk of negative things discourage themselves, disappoint
others and displease God. God says to let good things come out of our mouths.
Nakita nyo ang mga taga-Israel? Pag reklamo nang relamo,
puro negative ang sinasabi, kung anu-ano na ang ginawa ng Diyos. Binuka ang
lupa. Pinakain sila sa lupa. Lumubog silang buhay. Pinadalhan sila ng mga ahas
na tinuklaw-tuklaw sila. Sari-sari. Ayaw ng Diyos ng mga negative things coming
out of our mouths. In the right forum, It’s okay. Kung mayroong discussion at
analysis, yes, why not? Para ma-improve ang situation. Pero yung bubuka yung
bibig mo na lang, ganun na lang nang ganun ang naririnig sa iyo? Wala namang
naa-accomplish. Lumulungkot ka lang. Lumulungkot ang iba. Natutuwa si satan
because satan doesn’t want you to be happy. So, you have to fight for your
happiness. Kung minsan, ang happy-happy mo, may darating na tao na sa
expression pa lang nya, alam mo na ang sasabihin sa iyo. “Please don’t talk to
me. Masaya ako ngayon, Huwag mong sirain ang araw ko ha? Tuwing leap year ka
lang pupunta sa akin. “Kasi may taong ganyan. Tuwing darating sa iyo, iinisin
ka’t gagalitin ka.
Ngayon, kung talagang very legitimate yung concern nya,
makakapag-control ka, makakapag-pray, why not? You might accomplish something
positive. But by now, you should know how to examine people around you and what
they do to you and how they influence you. And also what you do to them and how
you influence them. Happiness is the primary duty of life. Hindi naman tayo
nilikha ng Diyos para maging malungkot at sasabihing “Lilikha nga ako ng tao’t
palulungkutin ko sila araw-araw. Ha ha ha ha ha!” Hindi naman siguro ganun ang
Diyos. Gusto nya tayong mag-enjoy. Gusto nya tayong sumaya. So, you have to
fight for your happiness. It is your birthright as a child of God. You don’t
permit people to take that away from you. That’s why you don’t cling to people
or become too dependent on them. You don’t love people too much because that is
when your sadness begins.
Kaya sabi ni Lord, “Love the Lord your God with all you
heart, with all you soul, with all your mind. “Unahin Siya. Pag inuna nyo yung
tao’t mahal na mahal nyo, e, ang tanong, mahal ba kayo? Mahal kayo ngayon,
mahal pa ba kayo bukas? E di kawawa ka naman ngayon. Kakaway-kaway ka ng puting
panyo pag iniiwan-iwanan ka. Mamahalin natin ang tao pero hindi natin siya
ginagawang idol. Hindi siya ang dios ng buhay natin. I Pag iniasa nyo sa isang
tao yung kaligayahan nyo, I’m telling you, you’ll be sad. Kasi iiwan ka naman
nyan. At kung hindi ka naman nya gustong iwan, e, mamamatay naman. Di naiwan ka
rin. Pareho rin ang ending. Iiyak-iyak ka rin. Kaya, kailangan yung pagmamahal
natin ay sa Diyos. Siya yung center. Siya yung focus. We love people but not
excessively to the point that they become idols and little gods in our life.
Nakita nyo si Abraham? Ano’ng hiningi sa kanya ni Lord na
offering? “I-offer mo nga si Isaac. “Baka nagiging dios-diosan na ng buhay nya,
e. Baka sa sobrang paghihintay at nang dumating, naging idol na nya. The Lord wanted
it proven na hindi yun nangyayari. Abraham passed the test. So Isaac was not
taken anyway. Ang buhay natin umiikot sa Diyos. Pag pinaikot nyo sa tao, yung
sinabi nya’t hindi sinabi can make you happy or sad. Kawawa naman kayo nun.
Wala kayong center. You’re like a vine. Hindi kayo makatayo nang mag-isa.
Nakapulupot lang kayo para makarating sa taas. Pag nawala yung pinupuluputan
nyo, tanggal na rin kayo. Dapat mayroon kayong sariling trunk and branches. Not
a vine that clings.
Thursday, November 24, 2022
PANALANGIN PARA SA MGA NALULUGMOK AT NAWAWALAN NG PAG-ASA
Aming Diyos, kayo po ang aming nilalapitan. Wala namang iba
e. Wala kaming kinikilala at gustong lapitan pa. Dumadaan kami sa lungkot,
hirap, inip, pagkabagot at kung minsan, kawalan ng pag-asa. Buksan nyo po an gaming
isip upang maunawaan namin ang aming sariling damdamin. Ipabatid nyo sa amin,
Panginoon, ang lunas na nagmumula sa inyong kapangyarihan. Ituro nyo sa amin
ang higit na lalong mataas at magandang pamamaraan ng pamumuhay. Hindi nyo po
kami nilikha para palungkutin. Hindi namatay ang inyong Anak na si Hesus para
lamang magparanas sa amin ng lungkot, kung hindi siya ay nabuhay na muli upang
sagipin kami sa lahat ng bagay na hindi mabuti. Ano pa man ang dahilan ng
kalungkutan, imilalapit namin sa inyong mapagpalang kamay at sa inyong
maibiging puso ito. Pawiin ninyo, Panginoon at palitan nyo po ng kapayapaan.
Pagpakitaan nyo Kami ng inyong kaliwanagan. Pagparamdaman
nyo kami ng inyong kapangyarihan. Yakapin nyo kami at pawiin ang aming mga
agam-agam. Pahirin nyo ang mga luha sa aming mga mata. Bigyan nyo at palitan ng
sigla ang aming mga panlulumo. Palakasin nyo ang aming mga kahinaan at
paliwanagin ang aming mga kadiliman. Pagalingin nyo ang aming mga karamdaman.
Sagutin nyo ang aming mga katanungan.
Panginoong Diyos, salamat sapagkat kahit na dumarating ang
mga kalungkutan at mga panghihina, nadiyan kayo. Anuman ang babaan namin at
akyatin, nandoon kayo. Bagama’t ang buhay na ito’y maaaring mapuno ng mga
hirap, pagsubok at pasanin, hindi naman nawawalan ng tulong na available from
you and your teachings.
Ipakita nyo kung mayroon kaming mga dapat baguhin sa aming
ugali para mas sumaya kami. Ipakita nyo rin, Panginoon, kung mayroon kaming
napapabayaan para mas maging responsable naman kami. Nawa maging
tagapagpalaganap kami ng kaligayahan sa aming paligid. Kung alam na namin ang
dapat gawin, bigyan nyo kami ng isang matibay na pasiya na itigil ang mali at
gawin ang tama para mawala ang mga
pabigat na kami mismo ang naglalagay. Ipakita nyo po kung ano ang personal
naming pananagutan at nang ito’y mapagsisihan, maisuko sa inyo’t matigilan.
Wala na kaming maipagmamalaki, wala na kaming mahuhugot na
mga kakayahan para lutasin ang aming mga kabigatan. Tanging habag nyo ang aming
hinihingi. Kahabagan nyo po kami sa kabigatang dinadalaa namin. Bigyan nyo kami
ng bagong pag-asa, bagong sigla, bagong dahilan para mabuhay nang may kasiyahan
at may anticipation ng mga blessing nyo araw-araw.
Kayo lamang ang makakagamot sa amin. You are our Physician
and our Healer. Give us the wisdom to undrerstand the dynamics of this sadness.
Give us the wisdom to know where it comes from so we may uproot it and refuse
to have it in our lives. We know, O God, that we don’t deserve to ask for these
things. But you promised that you will give when we ask you will open the door
when we knock. So we ask and knock in the name of Jesus, your Son, that you
give rest to our weary souls.
Kayo nawa ang maging kasiyahan namin at nang hindi naman
kami naghahanap-hanap pa ng kung anu-ano. Ituro nyo sa amin, Panginoon, na kung
nariyan kayo ay kumpleto na ang buhay namin, na ang lahat ng iba ay dagdag na
lamang. Dahil kayo ang tunay naming kailangan. Nawa, Panginoon, kayo po ang aming
kagalakan, kayo ang aming maging number one na gustong kasama, kayo ang maging
tunay na mahal namin sa buhay at nang sa gayon hindi na kami mangulila pa dahil
hindi naman kayo mawawala, hindi ninyo kami iniiwan.
Marami pong salamat sa gagawin nyo at ginagawa na ninyo sa
aming buhay. Umaasa po kami sa inyong habag, kabutihan at kapayapaan, sa
makapangyarihang pangalan ng inyong Anak na si Hesus, Amen.
Saturday, November 19, 2022
TAKE FOOD AND DRINK
Another way out of depression according to the story is food
and drink. Maraming dramang bukid at lungkot dahil sa gutom lang. Kaya maraming
mga sumasama ang lagay sa sobrang pagdi-diyeta. Mayroon pa ngang tuluyang
namamatay, mayroong nade-depress kasi sa pagtitiis na huwag kumain para
mapagkasya ang kanilang katawan sa sinturon ng payong. Nagkaka-depress-depress
dahil nagkaka-imba-imbalance ang chemistry ng katawan.
GENESIS 1:29 Then God said, “ I give you every seed bearing
plant on the face of the whole earth and every tree that has fruit with seed in
it. They will be yours for food.”
Isang chapter pa lang ng Genesis, ang inaasikaso na ng Diyos
ay ang pagkain ng tao. Ibig sabihin, dapat kumain ang tao.
Matthew 11:19 “The Son of Man came eating and drinking and
they say, “Here is a glutton and a drunkard.”
Maski kailan hindi natin nakitang nag-fast ang Panginoong
Hesus except for the forty days when He was being tried by the devil. He
focused on the trial or on whatever He is doing but elsewhere He was always
eating and drinking. Kaya ang tinawag sa Kanya ay “matakaw” o glutton at
drunkard ng mga critics Nya na laging nag-aayuno. Sabi nila, “Bakit hindi
nag-aayuno yung amo ninyo? Di tulad namin.” Ini-equate ng maraming tao yung
kabanalan sa pag-aayuno. But what we need is physical sustenance. Eating not
only gives you chemical balance but also social balance because it is expected
that you eat with other people. Hindi ka lang nagpunta sa isang sulok at
sinaksakan mo ng kung anu-anong bitamina ang loob ng iyong sikmura kung hindi
may pakikisalamuha at pakikipagkapwa na nangyayari kapag kumakain ka.
Napakahusay nating mga Pilipino dyan. Marahil dahil mayroon din tayong
background of slight poverty. Alam natin kung ano ang nararamdaman ng nagugutom
at kinakapos sa pagkain kaya tuwing may kinakain tayo, kahit may kagat na yung
sandwich natin, sasabin natin. “Gusto mo?” Nang-aalok pa tayo. Hindi pwede sa
atin yung kumakain tapos hindi tayo nang-aalok. Kasi gusto natin makasama ang
tao sa ating pagkain. Pakikisalamuha. At yun ang ginagawa ng Panginoon noon. He
was not eating just for the sake of eating, but He was also socializing because
He was giving them the kingdom of God. And the Lord was dealing with people
where they were. Hindi Nya pinapunta sa temple. Hindi Nya pinapunta sa
seminaryo, hindi Nya pinapunta doon sa matataas na tore ng relihiyon.
Pinuntahan Nya ang mga tao kung saan naroon sila kung kaya Siya ay na-criticize
ng mga mapagkunwaring mga relihiyosong tao ng Kanyang panahon. Ang sabi ni
Solomon na pinakamarunong na tao
Ecclesiastes 8:15….nothing is better for a man under the sun
than to eat and drink and be glad. Then joy will accoumpany him in his work all
the days of the life God has given him under the sun. There’s nothing wrong
with taking life easy, eating, drinking and being marry. But what’s wrong is
when there’s no balance. When you do it against your personal holiness or
against the teachings of God. Pero gusto ng Diyos na tayo’y magkaroon ng
abundant life.
Sunday, November 13, 2022
HUWAG SOBRANG MAHALIN ANG MUNDONG ITO
Wag sobrang mahalin ang mundong ito, bagamat dapat tangkilikin at dapat pagsumikapang ayusin, linisin, pagmalasakitan. Do not love life in this world too much because we are just pilgrims passing through. Nakikiraan lang tayo sa mundong ito at hindi naman tayo talagang magtatagal.
Okay lang bang manood ng X-rated movie ang mag-asawa?
Para namang may problema kayo kung kailangan nyo pa ng mga visual aid. Hindi pa ba kayo sapat? Kasi nami-misuse natin ang katawan ng iba, katawan nila yun! Ang katawan ay templo ng Espiritu. I don’t think that even married couples should watch this. It is sick! If you need to watch it kahit may asawa ka na, ano ang problema nyo? Sabi nga ni Paul, if you’re aflame with passion, marry. Ibig sabihin, lahat ng iyong init, lahat ng iyong bugso ng damdamin, i-focus mo sa iyong asawa. Bakit kailangan mo pa ng visual aid?
WORK FOR THE GOOD
Kaya siguro isa sa Ten Commandments yung “Six days you shall
labor” ay dahil people who work have more capacity to be happy. The human body
was designed in such a way that it should work and move to the point that if it
doesn’t, it atrophies. Ano’ng mangyayari sa’yo? Humihina ang iyong mga buto,
mga laman hanggang mamaya hindi ka na
makaka-function. Kaya magkakaroon ng mga sakuna yung mga tao. Mga kung anu-ano
ang ginagawa. Tini-theraphy. Pinapakilos, pinapagalaw. Kaya hindi ka sasaya na hindi
ka gumagalaw. Ang tao dapat kasi nagtatrabaho. Kumikilos. Kaya tingnan nyo yung
mga nasa mga preso. Sa kawalan ng magawa, hanggang sa loob ng bote ng Tentay
patis, gumagawa ng barko. Kasi kailangang mayroon kang ginagawa. Maraming taong
miserable kasi idle. Walang ginagawa o kaunting-kaunti lang ang ginagawa. We
should not be idle. We should work for the good.
Sa first cyle, you work because your parents expect you to.
Pinag-aaral ka. Binibigyan ka ng trabaho. “maghugas ka ng plato. Do your bed.
Do this and that.” You work para hindi ka mapagalitan. Then ga-graduate ka. You
work para ka magkaroon ng pera, ng ganito’t ganyan at makatulong sa mga mahal
sa buhay. Doon kailangan nagte-third cyle ang tao in this life. Kung pinahaba
ng Lord ang buhay natin, you work for the good. You work for pleasure. You work
because it’s good for you and it’s good for others. No longer because you have
to survive. I believe that the design of God is that men could work hard and
prosper enough so that in the latter part of their lives, they will have the
luxury to choose what work they like to do, what makes them very happy and
useful to their fellowmen, to their church and country. That is why it is
important to work for the good.
It’s pathetic if we’re sill working to survive hanggang sa
namamatay na lang tayo, it’s our option to do this or that. Hindi yung muhing-muhi
ka sa gainagawa mo hanggang tumanda ka na. Wala kang magawa kasi pag hindi mo
ginawa yun, hindi ka kakain bukas. Parang nakakasira ng dignity yun ng tao. Wala
kang magawa kasi pag hindi mo ginawa yun, hindi ka kakain bukas. Parang
nakakasira ng dignity yun ng tao. Kaya mahalaga ang sabi nung kanta, “ A man
must break his back to earn his days of pleasure.” Para dumating yung point
that you can do what is good.
Thursday, October 20, 2022
THE LORD’S HEALING
Another way out of the pit is the Lord’s healing.
Dinadalangin natin na huwag tayong magkaroon ng sakit. Pero kung nagkaroon na.
ang dalangin naman natin ay pagalingin tayo. So kung nasa level ka na mataas at
malusog tapos nagkasakit ka, pwede kang manalangin na bumalik ka uli sa iyong
kalusugan. Kung nasa malusog kang bahagi pwede kang manalangin na huwag ka
naman magkaroon ng karamdaman o kaya mas lumusog ka pa. Saan man tayo na level
ng buhay, mapataas o mapababa sa ating pamantayan, naroon pa rin ang Diyos.
Wala kang pwedeng lusungin na sobrang baba na wala doon ang Diyos. Sinabi nga
sa Bible na ang Panginoong Hesus ay bumaba pa raw sa impyerno noong three days
na sya ay namatay. Nilusong Nya pa yun kaya wala Syang pwedeng hindi lusungin
para sagipin tayo. So healing that comes from the Lord is what we really need.
Psalm 30:2 Oh Lord my
God, I called to you for help and you healed me.
Gaano karaming
beses na tayong pinagaling ng Diyos? Physically na lang, huwag na tayong lumayo.
Ilang beses na tayong inubo, sinipon, at nagkaroon ng impeksyon? Wala kayong
ginagawa, may hihinga-hinga sa tabi ninyo, yun pala kutakutakot na mikrobyo ang
inilalabas nya mula sa kanyang katawan, natanggap mo naman ngayon, na-inhale mo
yung kanyang exhalation pero pino-protect ka ng Panginoon. Bihirang-bihira nga
tayong tinatablan ng sakit kaso kung tatablan tayo ng lahat ng dumadapo,
matagal na tayo dapat na alikabok kasi naglipad
ang lahat ng mga mikrobyo at lahat ng sakit sa ating paligid. So, iniingatan
tayo. At kung sakali man, the Lord heals us.
Friday, September 23, 2022
THE WAY OUT OF DEPRESSION
REST
Unang-una, one way out of depression is rest, sleep and
peace. Kailangan mo ng recess. Isa sa mga Sampung Utos ng Diyos ang
pamamahinga.
Exodus 34:21 “Six days you shall labor but on the seventh
day you shall rest; even during the plowing season and harvest you must rest.”
Bawat anim na araw ng pagtatrabaho ay babawian at puputulin
mo. Magpapahinga ka sa ikapitong araw. Hindi dapat paggiyerahan kung kailan
yung ikapitong araw na yun. Ang pinag-uusapan natin ay dapat may break o
magkaroon ng pahinga ang bawat anim na araw na tuloy-tuloy na trabaho. Kapag pa
tag-ani o taniman, magpapahinga ka pa rin. Alam nyo, maigsi ang panahon ng
tag-ani at taniman lalo doon lalo doon sa ibang bansa dahil nag-iiba ang klima.
Pagka hindi ka kumilos nang mabilis, maiiwan ka ng panahon. Pero sang sabi nya,
kahit pa nga ganun, magpapahinga ka pa rin kahit pa nga oras ng taniman o
pag-aani.
Many people become depressed for lack of rest—physical,
mental, social or spiritual. Kung nade-depress kayo o nalulungkot, may
posibilidad na you are overproducing, because you must not mistake activity for
achievement, but probably you are overactive and there is no more rhthym in
your body. Maging ang Panginoong Hesus noong sila ay nanggagamot at nangangaral
ay nagpahinga.
Mark 6:31 Then, because so many people were coming and going
that they did not even have a chance to eat, he said to them, “Come with me by
yourselves to a quiet place and get some rest. Hindi magkamayaw ang mga tao na
pumupunta sa kanila. Hindi sila makapagpahinga. Punong-puno sila ng trabaho at
hindi mapatid-patid ang ipinapanalangin, tinuturuan, pinapalayas na espiritu,
ginagamot, kaya sinabi ng Panginoon, :Halikayo. Kayo lang, huwag kayong magsama
ng pasyente. Pupunta tayo sa isang tahimik na lugar at nang makapagpahinga.”
Nakita nyo? Kahit na napakabuting gawain, kahit na nakataya ang buhay ng iba at
mga pagod nila’t mga kung anu-ano, dapat ding magkaroon ng break yung
manggagawa. Hindi marapat na sobra ang inyong pagtatrabaho dahil mayroon kayong
binubuhay na tao, mayroon kayong papaaralin, mayroon kayong gustong i-save.
Dapat bini-break yun ng pahinga dahil may hangganan ang kaya ng tao. Alam yun
ng Diyos na nagdisenyo sa atin kaya nag-utos Siya—six days you shall labor and
on the seventh day you should rest. So kung mayroon sa ating sobrang
nalulungkot at nagdadramang bukid, baka naman pagod lang yan. Mag-isip-isip at
baka kailangan lang ng pahinga.
Monday, September 12, 2022
LOOK FOR THE GOOD
This is very much related to rule number one.
Hebrews 12:2 Let us fix our eys on Jesus, the author and
perfector of our faith.
The context
here is that if you are in a Christian community and fix your eyes on people,
mawawalan ka ng gana. May mga mangilan-ngilang tao na nakakagana rin sila. But
if you look deep enough, you will realize that your heroes are just like you
and me. So, nawawalan ka ng gana. Nadi-disillusion ka dahil nakikita mo ang
kanilang weaknesses. Kaya ang sabi, fix your eyes on Jesus. Do not look only at
the faults and failures of others. But look for the best in them and the
positive aspect of all circumstances.
Pag sinabing
fix your eyes on Jesus, it means to focus on Jesus or to look for Jesus in people
and fix your eyes on the part of Jesus in people. Pag may tiningnan tayong tao
, sino bang nakikita natin? Kung minsan, “Kitang kita ko si taning sa taong
ito.” It can happen. Sa atin din, yun ang pwedeng makita ng iba. Pero pag yun
lagi ang hinahanap natin. “Ano ba ang masama ditto? Ano’ng mali nya? Anong
error nya? Eh di lagi kang miserable because one of the easiest things to do in
life (and I guarantee that you will be successful when you do this) is to look
for faults. If you look for faults in people, you will always succeed. Then
sometimes your success is so resounding that it destroys you. Kaya fix your
eyes on Jesus. Oh eto yung asawa ko. Eto yung anak ko. Eto yung nanay ko. Eto
yung kapatid ko. Eto yung employer ko. Eto yung empleyado ko. I will look for
Jesus in this person and fix my eyes on that aspect. Kaya pwede mong masabing,
“Mali siya sa ganito. Mali siya sa ganyan” Pero mayroon naman siyang character
na kitang kita mo yung love ni Christ or orderliness nya or yung goodness nya.
It is true that you will always find something wrong in a person but it is also
true that inside everbody is also some good.
Sabi nila, love
is blind. Yes, blind to the faults of the one you love because you choose to be
blind. Pagka mahal mo ang iyong anak at siya’y nakabasag ng plato. ‘Anak,
nasaktan ka ba?” Pero pag maid ang nakabasag. “Mahal yan.” Eh, kasi baka hindi
mo mahal ang maid, ano? Eh,mahal mo yung anak mo. So, nakakahanap ka ng dahilan
because you look for the good in the person. “Good na good ang anak kong ito.
Sigruo nahilo.” Eh yun pala kamukhang-kamukha nyo kaya mahal na mahaal nyo.
Nakikita natin na kapag hinanap natin sa tao yung kamukha ni Hesus, mapapamahal
sya sa atin. When do you know that you’re beginning to fall out of love? When
you no longer hide from yourself the mistakes of the person, and when you no
longer justify the mistake and, in fact, kayo na yung nagko-condemn nung mga
mistakes na yun. So, kung mamahalin natin ang isang tao, hahanapin natin yung
good sa kanya. You want to be happy? Fix your eyes on Jesus in every person.
You will see a lot of it. Then you will be happy.
Sunday, August 28, 2022
Change Your Attitude
Alone does not always have to be defined as lonely. Develop
fellowship with yourself. Sino sa atin ang nakikipag-fellowship with ourselves.
Yan ang talagang di ka masi-zero dahil lagi namang dalawa yung sarili mo. So
kung marunong kang mag-enjoy ng company ng sarili mo, malayo ka sa lungkot.
There’s the company of your body and soul.
Ecclesiastes 1:13 I devoted myself to study and to explore
by wisdom all that is done under the heaven.
Wala naman siyang kasamang nag-aral. Pwedeng may assistant
ka, may tagadala ka ng libro pero yung journey ng mind mo into ideas, you do
alone. Hindi tayo dapat natatakot mag-isa. May mga panahon na dapat ka talagang
mag-isa and to be quiet so that you can hear your mind think. Those corridors
of aloneness need not be defined as loneliness because we find enlightenment in
moments when we are in solitude. Dr. Solitude is one of the greatest professors
of wisdom. Yung pag-iisa, pagbubulay-bulay, pag-iisip-isip. Bagamat gusto
nating may mga kasama, it is healthy to be alone every now and then. Therefore,
we should give even our loved ones the space to be alone from our presence.
Kung minsan tahimik yung asawa mo.
“Ano ang
iniisip mo?”
“Wala.”
“Ano nga?”
Huwag ka nang makialam kasi nananahimik muna siya eh. Hayaan
mo siyang magbulay-bulay.
Pati ba naman yung ka –private-private part ng kanyang brain
gusto mo na ring pakialaman? So, hayaan mo siya kung gusto niya ng tahimik.
Maliban na lang na alam mo yung
katahimikan nyang naghihintay lang at naghahanap ng pansin. So dapat marunong
kang makiramdam. Aso man ay gusto ng privacy, sumusuot sa ilalim ng sofa pag
napapagalitan. Ganun din ang tao. People need time to be alone. Binibigyan
natin sila ng ganung space. We need that for balance.
Pero ang pinakamasarap, lalo’t walang ibang tao, we should
develop fellowship with God. Madalas nga sa buhay natin naitutulak pa tayo sa
pag-iisa para lang natin madiskubre ang Diyos. Kasi kung minsan sa ingay ng
ating mga pagtitipon, sa dami ng mga taong kahalubilo napupwera na yung Diyos.
Kaya maging sa pag0iisa huwag kayong malungkot kasi wala naman talagang
nag0iisa eh dahil kasama natin ang Diyos kahit saan. Kasama din natin siya sa
ting isip, sa ating emosyon, sa ating mga sakit. Kung ikaw ay naratay walang
dumadalaw sa iyo, hindi yun totoo. Nandun ang Diyos lagi sa iyong tabi. Pero
bakit lagi nating naiisip na tayo ay nag0iisa? Kasi hindi natin tinitingnan ang
Diyos. Hindi natin iniisip. Akala tuloy natin nag-iisa nga tayo. Mayroon bang
nag-iisa? Imposible. Sabi nga, “If I climb to the heavens, you are there. If I
cross the ocean, you are on the other side of the sea. If I dive to the depths of
the sea, you are there at the bottom of the sea. If I go into the inmost part
of my heart, you are there.” So paano ka pwedeng mag-isa? Masaya ang tao na
marunong mag-develop ng fellowship with the Spirit of God.
Psalm 42: 1,2 As the doer pants for streams of water, so my
soul pants for you , Oh my God. My soul thirsts for God, for the living God.
Where can I and meet with God?
Saturday, August 20, 2022
Is it right to destroy one person dahil may isa siyang mali kahit na marami siyang tama?
Yung Sodom nga hindi wawasakin kung mayroon lang na kaunting
matuwid. Alang-alang sa tamang ginagawa, hindi dapat wasakin ang kapwa dahil
sa isang mali—at dapat suriin kung mali
nga ba o akala lang ng iba ay mali.
At pag winasak ang isang tao dahil sa isa nyang mali, walang
matitirang tao; dapat wasakin lahat.
Saturday, June 11, 2022
Remember the Lord before your body grows weak.
Dumidilim ba ang buwan? Dumidilim ba ang araw? Dumidilim ba
ang mga bituin? Yes. Ang sinasabi ditto before the light of the sun and the
moon and the stars seem dim to you, as if rain clouds remain over you. In other
words, remember God before your vision deteriorates. Bago dumilim ang araw ,
ang buwan, ang mata, alalahanin na ang Diyos. Kung minsan lumabo ang mga mata
sa dami ng nakitang kasalanan, hindi na tuloy makabasa ngayon ng Bibliya. Kaya
sasabihin nung iba, hindi na ako
makapag-memorize ng mga verses, Malabo na kasi ang aking mata. Gusto nyo
ng Braille? Pwede namang kapain yan. Mga bulag nga nakakapagbasa kung talagang
gugustuhin. But when is the good time to remember the Lord? Before your vision
deteriorates.
Verse 3 (Ecclesiastes)—When the keepers of the house tremble
and the strong men stoop, when the grinder cease because they are few and those
looking through the window grow dim.
Remember the Lord before your body grows weak . Ginamitan
kasi ng talinghaga—“the keepers of the house tremble.” Ibig sabihin lang nun
bago kayo manginig-nginig at magkaroon ng arthritis at rayuma. Remember the
Lord before your tooth or your teeth decay. Nasa verse ba yun? Yes, “when the
grinder cease because they are few.” Yung pang-guya ay hindi na makanguya dahil
kumonti na nang kumonti at nalagas. Before your teeth decay and before your
eyesight fall. Anong sinabi dyan? “Those looking through the windows grow dim.”
So, nakikita po natin, before your body grows weak, before
your body grows weak, before your eyesight falls , remember God. Bago dumating
sa puntong yan, alalahanin ang Diyos.
(Ecclesiastes) Verse 4 When the doors to the street are
closed and the sound of grinding fades; when men rise up at the sound of birds but
all this songs grow faint.
Thursday, April 28, 2022
Justice is not always the rule
Ecclesiastes is really one of the frankest books of the
Bible. One of the most direct. Wala na siyang inilihim. Pati yung mga
disenchanment nya sa katotohanan. Anong mga sinabi dito ni Solomon? Justice is
not always the rule. Justice is not always the immediate rule, at least. The
criminals don’t always get punished or criminals don’t always get quickly
punished. Good citizens are not always honored or not always quickly honored.
Hindi lahat ng mabuti napi-premyuhan at hindi lahat ng masama napaparusahan.
Kaya ang mabuti pa, maging mabuti ka na lang kahit hindi laging biglang
nagkakaroon ng premyo ang mabubuti at hindi laging napaparusahan ang masasama.
May point nga naman siya. Tutal hindi natin mababago ang takbo ng buhay. Hindi
naman laging may justice, get as much out of life na lang. Huwag ka nang
masyadong magpakatalino at kung anu-ano pa. Huwag mo nang isipin ang lahat.
Sabi niya, enjoy food, enjoy drink, enjoy a good time. Kung
kaya nyo rin lang, huwag nyong tipirin ang pagkain. Huwag nyo ring tipirin yung
kaligayahan ng magpapakain. Magpa-blowout at mag-blowout—let’s enjoy! Kasi
hindi nyo ba napansin mula noong pinag-aralan natin ang Ecclesiastes wala nang
ipinaulit-ulit itong si Solomon kundi ang gulo ng buhay, ang lungkot ng buhay.
Hindi laging may logic ang buhay, hindi laging yung gusto mo ang mangyayari,
hindi laging tama ang mangyayari. Kaya ang sabi nya, “Alam nyo na sa kaguluhan na
yan, get the most na lang out of it.” And one of the most simplelst joys of
life that no one take away from you is kumain kang mabuti,uminom ka, magsaya
ka. Pinaulit-ulit niya yun. Yun naman kasing religion, gino-glorify ang
pagdurusa, ang pagtitiis , ang pagpa-fasting. So anong sinasabi ni Solomon?
Eat, enjoy food, enjoy drink, enjoy a good time. Sabi pa nya, do not make your
happiness, well-being and enjoyment dependent on justice. Huwag tayong maghanap
palagi ng justice dahil hindi naman lagi ito mangyayari. Kung hihintayin mo
muna ang justice bago ka lumigaya, itatama muna ang mali bago ka lumigaya, aba
eh, namatay ka na lang hindi ka pa lumigaya. Kaya sabi nya, hindi pa dumarating
yung justice, perfection o Shangri-la, mag-enjoy ka na. Para kung namatay ka
na, hindi ka nalugi, at least may na-enjoy ka na. Very wise.
Thursday, March 24, 2022
It’s impossible to know everything
At sabi niya, do not strain yourself trying to understand
everything. Siya na mismo na pinakamatalino sa balat ng lupa ang nagsasabi,
“Alam nyo marami akong hindi maintindihan. Eto meaningless sa akin. Eto
meaningless. Eto meaningless. Ang talino ko na nga hindi ko maintindihan, kayo
pa.” Sabi niya, huwag nyo na lang intindihin lahat. Huwag nyo na lang
i-research lahat, huwag nyo na lang bulatlatin lahat. Lulungkot lang kayo. The
more a man knows, the sadder he gets. Why? Kasi nalalaman niya ang lahat ng
kalungkutan ng buhay tuloy. Or, nalaman niyang hindi pala niya kayang malaman
lahat, nalulungkot tuloy siya. Kaya sabi, “Huwag na kayong sobrang
magpakatalino.’ Do not try to know everything. Try to know many things. Try to
know as many as possible. But not everything, because it is impossible. You
will only be miserable.
Ecclesiastes 9:1-10
So I reflected on all this and concluded that the righteous
and the wise and what they do are in God’s hands, but no man knows whether love
or hate awaits him. All share a common destiny—the righteous and the wicked,
the good and the bad, the clean and the unclean, those who offer sacrifices and
who do not.
As it is with the good man, so with the sinner; as it is
with those who take oaths, so with those who are afraid to take them. This is
the evil in everything that happens under the sun: The same destiny overtakes
all. The hearts of men, moreover, are
full of evil and there is madness in their hearts while they live and afterward
they join the dead. Anyone who is among the living has hope—even a live dog is
better of than a dead lion! For the living know that they will die, but the
dead know nothing, they have no further reward and even the memory of them is
forgotten. Their love, their hate and their jealousy have long since vanished;
never again will they have a part in anything that happens under the sun.
Saturday, February 5, 2022
Enjoy Life By Sharing Your Blessings.
Kaya one of the keys to life’s enjoyment
ay ang pagtulong at pagbibigay sa kapwa. Mabuting gawin yun. Matalinong
gawin yun. Share what you have with people because you don’t know what disaster
may come to you. Eh, kung ang dami-dami mo ngang kayamanan, sinolo mo, tapos
ninakaw lang o kaya’y naubos, o kaya’y nalugi ka at nasunugan, bebelatan ka pa
ng mga tao imbes na maawa sa’yo at tulungan ka. Sapagkat noong ikaw ang
mayroon, hindi ka naging mabuti sa kanila. Itinuturo sa atin ng Bibliya pati
ang ganyang maliliit pero praktikal na bagay. Do not put all of your eggs in
one basket. Do not put all of your info in one diskette. Sabi ng Bibliya,
magbigay ka daw ang portion sa seven o eight people. Huwag lang isa ang tinutulungan
mo. Tumulong ka sa marami para balang
araw marami rin ang tumulong sa’yo.
Verses 3-5 If the clouds are full of water, they pour rain
upon the earth. Whether a tree falls to
the south or to the north, in the place where it falls, there will it lie.
Whoever watches the wind will not plant; whoever looks at the clouds will not
reap. As you do not know the path of the wind or how the body is formed in a mother’s womb, so you cannot understand
the work of God, the Maker of all things.