May mga policies ang mga churches. Sa Day By Day, kung
talagang nakatitiyak kayo na tinanggap na ninyo si Kristo bilang Panginoon at
Tagapagligtas, siyempre iinterbyuhin kayo. May tanung-tanong and if you want to
be baptized, we will be very glad to do that. Sa ibang local churches naman,
pag napa-baptize kayo, pag-ahon nyo sa tubig, member na kayo. Sa aming church,
hindi mandatory ang membership. I’m saying na iba’t iba ang kustombre ng iba’t-ibang
local churches. Tulad din sa Lord’s Supper. Yung iba, pag hindi kayo formal
member ng church nila, hindi kayo isinasali sa Lord’s Supper. Sa Day By Day, we
believe in the universal church. That the true church of the Lord is not
confined to this local church alone. Naniniwala tayo na marami yan, nakakalat.
And if you’re part of it, if you have accepted Jesus as Saviour and Lord, then
you are part of this bigger church which we are part of.
Saturday, August 31, 2019
Thursday, August 29, 2019
Roots of Favoritism
Ano ang pinanggagalingan ng favoritism? One is pleasure. Yun
bang “I am pleased with my son” or “I am pleased with my daughter.” Tuwang-tuwa
si Isaac sa kanyang anak na mahilig sa labas at laging wala. Ganun din kasi si
Isaac. This son pleased him more. Si Rebecca naman ay paborito ang mas batang
anak. Laging maayos, madalas sigurong naglilinis ng mga Tupperware nilang
lalagyan, nagva-vacuum ng mga tent nila. Laging tumutulong kaya’t paborito ng
nanay.
Sa mga magulang: Kung magiging honest kayo, mayroon kayong favorite. Favorite nyo siyempre yung
nagbibigay ng pleasure. Yung thoughtful na anak, yung masipag na anak ay
nagiging favorite. Kung minsan ay baliktad. Yung tamad ang paborito. Di natin
alam kung ano ang nagiging factor dito. But one is a favorite because he or she
adds or gives more pleasure than the others. Mayroon naman, nagiging paborito
natin ang isa dahil inuugnay natin siya sa taong gusto natin. Halimbawa,
tuwang-tuwa ka sa nanay mo. Kamukhang-kamukha naman ng anak mo ang nanay mo
kaya’t mahal na mahal mo na agad. Inis ka sa tiya mong ubod nang sungit. Naging
kamukha ng anak mo. Kaya’t kakapanganak pa lang ay yamot ka na sa batang yan.
Nangyayari yan, di ba? We associate people with other people that we either
like or dislike. And they become innocent victims of our prejudices.
We also associate people with good luck or bad luck. Sabi
natin, “Mula nang ipanganak ko to, nagkamalas-malas na ang buhay natin. Ipinanganak
pa lang yan, nawalan nang trabaho ang tatay nya. Nasunugan tayo, nagkaroon tayo
ng sakit, etcetera. Mala sang batang ito!” Kaya’t hindi na paborito. Mayroon
naman, nang ipinanganak siya’y nagkaroon ng promotion ang tatay nya. Noon sila
nanalo ng kung ano, noon sila nagkaroon ng pagluwag sa buhay. Sabi, “Swerte ito.
Itong paborito natin.” Kaya’t tuwing ipakikilala, “O, ito yung anak kong malas.
Ito yung swerte”. Nadidinig yan ng mga batang maliliit at nagkakaroon sila ng
inferiority complex. Matatalino pa ang mga yan sa atin. Alam nila pag sila’y liked
or disliked. Probably you were a victim of this.
Kung minsan, nagiging paborito ang isang bata dahil
magandang lalaki o babae, o di kaya’y matalino. It brings honor to the family
to have such a child so he or she becomes the favorite. Sometimes those with
good manners become the favorite. O kaya’y dahil sipsip ang anak di ba? Very
thoughtful, makarinyo, laging ganyan. Papasok lang sa eskwela, pag-uwi ay may
pasalubong pang dalandan. Siya tuloy ang nagiging paborito.
What is the reason why a Christian when keeps on asking, seeking and knocking receives nothing?
Lahat ng dasal ay dinidinig ng Diyos; lahat ng dasal ay
sinasagot ng Diyos. Kaya lang hindi naman lahat ng sagot ng Diyos ay oo.
Ang Diyos ay sumasagot din ng hindi. Ang Diyos ay sumasagot din ng Maghintay ka, anak. Sasabihin mo, ang tagal ko nang nagdarasal hindi ako sinasagot ng Diyos.
Ang sagot ko, baka naman sinagot na kayo ng Tigilan mo na.
At ang lagay, wala na bang option ang Diyos na magsabi ng No? O baka naman sinagot na kayo ng Wait. Eh, di maghintay kayo. Hindi naman ibig sabihin pagsagot, laging yes na.
Tayo nga eh marunong sumagot ng yes, no or wait, di lalo na ang Diyos.
Merong mga bagay na sa ating pananaw ay tamang-tama at bagay na bagay sa atin.
Pero sa higit na malawak na pananaw ng Diyos ay hindi mabuti sa atin. Kaya ang sagot Niya ay No. Halimbawa, ang anak kong si Emilio, gustung-gusto niyang kumain ng matatamis kahit meron siyang sore throat dahil nasasarapan siya.
Pero dahil mas malawak ang pananaw ko, sasabihin ko, No. Hindi pwede, anak. Siyempre magtatampo siya dahil sa kanya masarap yun.
Dahil magulang tayo, mas alam natin ang tama, kaya hindi natin ibinibigay.
Ang Diyos ay sumasagot din ng hindi. Ang Diyos ay sumasagot din ng Maghintay ka, anak. Sasabihin mo, ang tagal ko nang nagdarasal hindi ako sinasagot ng Diyos.
Ang sagot ko, baka naman sinagot na kayo ng Tigilan mo na.
At ang lagay, wala na bang option ang Diyos na magsabi ng No? O baka naman sinagot na kayo ng Wait. Eh, di maghintay kayo. Hindi naman ibig sabihin pagsagot, laging yes na.
Tayo nga eh marunong sumagot ng yes, no or wait, di lalo na ang Diyos.
Merong mga bagay na sa ating pananaw ay tamang-tama at bagay na bagay sa atin.
Pero sa higit na malawak na pananaw ng Diyos ay hindi mabuti sa atin. Kaya ang sagot Niya ay No. Halimbawa, ang anak kong si Emilio, gustung-gusto niyang kumain ng matatamis kahit meron siyang sore throat dahil nasasarapan siya.
Pero dahil mas malawak ang pananaw ko, sasabihin ko, No. Hindi pwede, anak. Siyempre magtatampo siya dahil sa kanya masarap yun.
Dahil magulang tayo, mas alam natin ang tama, kaya hindi natin ibinibigay.
Ganun din ang Diyos. Mas alam Niya ang tama kesa sa atin.
Kung minsan nagtatampo tayo dahil hindi binibigay ng Diyos ang gusto natin.
Pero hindi pala yun ang mabuti para sa atin.
Kung minsan nagtatampo tayo dahil hindi binibigay ng Diyos ang gusto natin.
Pero hindi pala yun ang mabuti para sa atin.
Wednesday, August 28, 2019
Masama bang magninang/magninong sa binyag at sa kasal ang isang born-again?
Isang maselang bagay! Ang kaselanan ng bagay na ito’y
cultural. Tayong mga Pilipino ay maka-kamag-anak, mahilig makipagkapwa at
mahilig makipagkaibigan. Part of our culture yung positive na pakikisama. Noong
dumating yung Protestantism, because they don’t have child baptism, itinuro ng
mga missionaries sa atin yung napaka-simplistic approach na ‘Humiwalay kayo,
huwag nyong gawin. Kasi hindi nila nauunawaan sa ating kultura yung Anakin mo
yung nagpapaanak sa’yo. Lalo’t pamangkin mo, pinsan mo, etc., etc. Hindi ganun
kasimple. Sa culture nila na individualistic, kaya nilang sikmurain yon. Kaya
yung mga sekta na sumusunod sa ganung payo, dapat nilang isa-alang-alang na iba
ang kultura ng nagpayo at iba ang kultura ng pinayuhan. Let me tell you a
story. Minsan may lumapit sa akin para Anakin ko raw sa binyag ang anak niya.
First and foremost, pag kayo’y nilapitan ng ganito, dapat kayong matuwa kasi
it’s an honor. Huwag nyong sabihing, Lumayo ka sa akin, satanas! Honor yun at
una mong gawin, magpasalamat ka at napili kang ninong o ninang. So sabi ko, “Ano
bang ibig sabihin na gusto nyo akong gawing ninong?” Eh kasi, nakikita naming
na mabuti kayong tao. Parang gusto naming ang iyong example. Sabi ko, “Mabuti
naman at ganun ang impression nila.” Bukod dun gusto naming lumaki yung bata na
may relasyon sa isang tulad nyo. Sabi ko, “Aba, kung ganyan ay tinatanggap kong
buung-buo ang pagiging ninong, tinatanggap ko yung responsibilidad at yung relasyon.
Pero pwede ba, excuse na lang ako doon sa seremonya? Natural, nagtanong siya.
Eh, bakit naman ho? Ipinaliwanag ko. Kasi ho sa Bible, wala naman hong ganyan
na nagbibinyag ng bata. . Sa katunayan, si Birheng Maria na inyong pinupuri at
iginagalang ay hindi naman niya pinabinyagan si Hesus. So, ano sa palagay nyo,
tama si Maria o hindi, na hindi pabinyagan si Hesus? Eh, siyempre, mabuting
Katoliko, sabi nya, eh siguro, tama siya. Alangan namang sagutin nya, mali si
Maria. Sabi ko, “Inialay nila sa Panginoon, dinala nila sa temple, pero hindi
bininyagan. Alam nyo, na kay tanda-tanda na ni Hesus nung nagpabinyag. So ibig
sabihin, hindi dapat binyagan ang bata.” Ipinaliwanag ko yung buong doctrine.
Alam nyo, sabi nya, Eh di huwag na lang hong binyagan. In other words,
nagkaintindihan kami at di kami nagkagalit. Kailangang igalang nyo yung tao.
Una, pasalamat kayo at kinukuha kayo. Maganda ang intensyon. Una, pasalamat
kayo at inukuha kayo. Maganda ang intensyon nila. Second, accept the
responsibility but excuse yourself from the ritual. Hindi nyo sasabihing, Hindi
ako pwede, masama yan, born-again Christian kasi ako. Huwag tayong
napaka-self-righteous, napaka-judgmental, walang kapreno-preno at nasagasaan na
ang lahat ng tao. Nasaktan na ang lahat ng damdamin. Wala naman tayong na-win
na kaluluwa, nainis lang lalo sa atin. Mangyari, marami sa atin, a-attend ng
libing olamay ng Katoliko; naku, kapag magpapadasal na, takbuhan na sa labas!
Akala mo naman, uulanan kayo ng asupre dun sa loob. Ano ba naman ang masama na
maging polite lang? Just be polite. Hindi mo naman kailangang umalis dahil
kahit sa palengke, kahit sa tricycle, kahit saan, may mga impakto. Yung iba,
makikipaglibing, tapos pag ipapasok na yung bangkay sa simbahan, maiiwan sa
labas. Akala mo naman bahay ng diablo yung simbahan. Alam nyo, kung perfect na
kayo at yan na lang ang kaisa-isa nyong
kapintasan, ay huwag kayong pumasok. Pero kung marami pa naman kayong ibang
imperfections, huwag kayong maarte. Kung ayaw nyong sumali sa seremonya, maupo
kayo dun sa medyo dulo, but be polite. Huwag kayong daldal nang daldal sa
katabi nyo na, Mali talga yan, mali ang ginagawa nyo ditto, blah-blah-blah. Pag
ganyan kayo, wala kayong madadala kay Lord. Walang matutuwa sa inyo, maski ang
Dios! Si Hesus nga na nasa langit, nagpunta sa lupa at nakisalamuha sa mga tao
para sila’y madala sa paanan ng Diyos. Ba’t hindi tayo makikisalamuha? Ano
naman ang mawawala sa inyo? Natanggal ba yung kaligtasan nyo?
Para sa akin, kung hinihingi ng pagkakataon, I will be
kinder and nicer to people. In other words, you earn your right to be heard.
You can’t preach from an ivory tower.
Monday, August 26, 2019
Is it advisable kung magbubukas ng business at ang gagawing capital ay galing sa loan?
Halos lahat ng nakita kong nagkagulo-gulo ang buhay ay dahil
sa loan. Siyempre, ang business maganda yan sa feasibility study. Maganda yan
sa papel, sa ideya pero ang daming mga uncontrollable things that can come with
it. Ang dami kong alam na nang nag-extend ng business through a loan, nawala
pang lahat. Siguro pwede kayong gumamit ng loan kung talagang thoroughly
studied at saka meron kayong ibang pambayad just in case. Pero kung yung loan
na loan lang at wala na kayong ibang pwedeng ipambayad, I would rather suggest
that you start a business that is not capital intensive. Kahit konti-konti,
kahit dahan-dahan. Kapag may malaking capital na kayo at saka nyo gamitin.
Kung pipili lang ako between two extremes, I will never
advice people to borrow. Lalo kung merong interest! Magagalit sa atin ang mga
taga-bangko, pero the point is, ang dami ko nang nakitang hindi magandang
nangyari. It only started as an innocent petty little loan that became a giant
over the years and eventually became a monster that ate them all up. Wala pa
akong maikukuwento sa inyo na nagtagumpay from a loan. Ang maikukuwento ko sa
inyo, puro pighati na galing sa loan.
Sa Bible, hindi rin yan ina-advice eh. Mas mabuting property
na lang ang gamitin nyo para kung nawala man, eh di nawala, pero wala kayong
loan. Magbenta na lang kesa mag-collateral. Ang lakas magpatanda ng utang. Pag
may nakita kayong tao na two months nyo lang hindi nakita tapos biglang tumanda
na parang si Methuselah, maraming utang yon. Lalo kung may interest at
nakakatanggap-tanggap na kayo ng mga sulat ng bangko. Noong una, kaygaganda ng
ngiti sa inyo ng mga receptionist. Pero nang hindi na kayo makabayad,
nakakatakot na mga sulat ang lumalaglag sa inyong kandungan. I personally will
not encourage you to take out a loan.
Saturday, August 24, 2019
What Should We Do With Bitterness
Bitterness must be acknowledged as sin. James 3:14-16 says
that wherever there is bitterness, you’ll find every kind of evil practice.
Basta’t may bitterness, marami itong anak na maling ginagawa. Sapagkat ang
bitter person, tulad ng pinag-uusapan natin, ay laging gumaganti, laging
nang-iinis, at lagi na lang gustong manakit.
There’s every kind of evil practice when there’s bitterness.
There’s backbiting. Kung minsan, hindi mo alam kung bakit mo bina-backbite ang
taong ito. Yun pala’y inggit ka sa kanya. Hindi kailangan na may ginawa siyang masama. Pero yung gustung-gusto
mo sa buhay ay nasa kanya. At parang ang dali-dali namang napupunta sa kanya.
Pinaghihirapan mo pero hindi mo makuha. Halimbawa, tatlong taon ka nang display
nang display, hindi ka pa maligawan. Minsan lang dumating ang babaeng ito,
naligawan siya kaagad. Kaya’t kahit hindi ka inaano, bitter ka na sa kanya. O
kung ikaw naman yung guy, ang tagal-tagal mo nang inikut-ikutan ang dalagang
ito, walang mangyari. Here comes this guy, kararating-rating lang ay biglang
naging nobyo na nya. So you become bitter. Hindi ka inaano pero galit ka sa
kanya.
Acknowledge it as sin because the presence of bitterness
becomes a parent for many evil deeds. Whether consciously or unconsciously, you
would like to get even. Recognize it as sin and treat it as such. Bitterness,
of course, stems from lack of forgiveness.
Matthew 6:15 But if you do not forgive men their sins, you
Father will not forgive your sins.
It is a sin to harbor bitterness. God commands us to
forgive. Whether or not the offense is intentional is immaterial. The point it
to forgive. There is bitterness that comes from envy or from jealousy or from
being hurt. Look, tama na ang mga dramang bukid. Yung mga di mo nagawa noon,
kahit ka pa magngangalngal ay hindi na babalik. However, do something. May
natitira pang panahon; hindi pa tapos ang lahat. Dahil habang binabalik-balikan
mo yan ay sinisira mo rin itong present. You lose your present and your future
if you keep on focusing on the past. Kaya’t i-contain na lang natin ang damage
at hanggang doon na lang. Huwag nang palalain pa. If you’re a victim of a
broken home, make the most of what’s left. Then make the most out of the
experience. Turn every disadvantage into an advantage. Sabi nga, for every
tear, a victory. Pwede nating makita ang advantages. Imaginge that our sad
experiences have strengthened us to face up to nay challenge of life. Imagine
that because we have gone through a loss, ang makikita natin ngayo’y isang
improvement. Nagiging advantage din ang makarating ka na sa kababa-babaan dahil
kahit ano’ng mangayari ngayon, pasalamat ka nang pasalamat. The present is
better compared to the past. You become more appreciative of whatever blessing
comes your way.
Wednesday, August 21, 2019
Is it okay na maniningil ng pautang?
Siyempre! Huwag lang ipitin kung talagang hindi pa kayang
magbayad.
Eh, kapag daw gumawa ka ng mabuti at masama pa ang sukli, charge it to the cross.
Hindi naman tayo gumagawa ng mabuti dahil naghahanap tayo ng mabuting sukli!
Ang totoo gumagawa tayo ng mabuti dahil sinusuklian natin yung ginawa sa atin ng Diyos.
Ang paggawa natin ng mabuti tulad ng hindi tayo naniningil sa kapwa, tayo ay nagbabayad-bayad sa Diyos. So, ke bayaran tayo ng mabuti, ke hindi, that is irrelevant.
Gumagawa tayo ng mabuti dahil nauna nang gumagawa sa atin ng mabuti ang Diyos.
Huwag nyong papayagan na yung sukli ng kapwa sa inyo ang magdi-determine kung anong gagawin nyo.
Paano kung sinuklian kayo ng masama? Masama din ba gagawin nyo? Wala naman yata kayong sariling bait, wala kayong sariling paninindigan pag ganyan.
Remember this—when you do good to others you are not planting an investment, you are repaying God a little bit.
Ngayon, kung yung ginawan nyo ng mabuti ay ginawan din kayo ng mabuti, eh di bonus na yun! Pero hindi nyo dapat yun hanapin.
Eh, kapag daw gumawa ka ng mabuti at masama pa ang sukli, charge it to the cross.
Hindi naman tayo gumagawa ng mabuti dahil naghahanap tayo ng mabuting sukli!
Ang totoo gumagawa tayo ng mabuti dahil sinusuklian natin yung ginawa sa atin ng Diyos.
Ang paggawa natin ng mabuti tulad ng hindi tayo naniningil sa kapwa, tayo ay nagbabayad-bayad sa Diyos. So, ke bayaran tayo ng mabuti, ke hindi, that is irrelevant.
Gumagawa tayo ng mabuti dahil nauna nang gumagawa sa atin ng mabuti ang Diyos.
Huwag nyong papayagan na yung sukli ng kapwa sa inyo ang magdi-determine kung anong gagawin nyo.
Paano kung sinuklian kayo ng masama? Masama din ba gagawin nyo? Wala naman yata kayong sariling bait, wala kayong sariling paninindigan pag ganyan.
Remember this—when you do good to others you are not planting an investment, you are repaying God a little bit.
Ngayon, kung yung ginawan nyo ng mabuti ay ginawan din kayo ng mabuti, eh di bonus na yun! Pero hindi nyo dapat yun hanapin.
Monday, August 19, 2019
Okay lang ba patubuan ang perang ipinapahiram para ipuhunan sa negosyo?
Palagay ko, okay lang. Halimbawa, nanghiram ako ng P1,000; ipinang-negosyo ko, eh di tutubo. Alangan namang yung hiniram ko na last year, ibabalik ko ngayon na P1,000 pa rin.
Eh, samantalang kung ipinasok niya sa bangko yun, baka P1,100 na yun ngayon.
So, I should be decent enough to pay him the cost of the money kung yon ay ini-invest niya o inilagay sa bangko.
Dahil yung halaga ng P1000 five years ago ay iba na ngayon.
Para sa akin kung ako’y nagpapakatao, dadagdagan ko dahil nakatulong ka sa akin.
Kung ako naman ang nagpapahiram, siguro hindi kita ire-require.
Pero ikaw na pinahiram ang dapat magkusa na gawin yun kasi yun ang tama.
Para naman yung nagpahiram ay hindi mapahamak na masabihang siya ay userero.
Tumulong na nga yung tao, siya pa ang napahamak.
Tungkulin ng tinulungan na maging disente siya at ibalik niya yung value ng pera kung hindi man madagdagan yung value.
Hindi monetary quantity yung value noon.
Thursday, August 15, 2019
Dapat bang maging banal upang maligtas?
Naalala nyo ba ang dalawang lalaking nakapako sa magkabila
ni Kristo at kung paano Niya nailigtas ang isa?
Kung ang ating pag-aaralan ang
istorya, nandito ang susi kung paano nailigtas ang isang tao.
Marami kasing
nagsasabi na para ma-save, kailangan ikaw ay banal.
Sa tingin nyo ba banal ang
lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, Today, you will be with me in
paradise.
Pumunta ba siya sa paraiso? Siyempre.Banal ba siya? Hindi. So hindi totoo na
dapat maging banal para ma-save.
Do Not Seek And Love Prestige Or Prominence
To be well-known is a horrible burden. Look at many people
in show business. They do everything to be known. And once they are known, they
hide behind large dark glasses. They pay so much for privacy because they know
that to be known is a burden. Kaya yung mga gustong sumikat, hindi pa nila alam
ang bigat na dalahin ng pagiging kilala.
Luke 20:46
Beware of the teachers of the law. They like to walk
around in flowing robes and love to be greeted in the marketplaces and have the
most important seats in the synagogues and the places of honor banquets…”
Sabi ng Panginoon, “Wag ninyo silang tutularan. Gusto
nilang laging bida, laging sikat. Hindi ganyan ang dapat mangyari sa isang tao.
Monday, August 12, 2019
Ano ba ang new heaven and new earth?
Sa pagbabalik ni Lord
ay magseset-up Siya ng kingdom here on earth at yun ang magiging everlasting
kingdom.
Ang totoo, hindi tayo pupunta sa heaven, dahil ibababa ni
Lord yung heaven. Yun naman ay kung literal ang interpretasyon natin. Ano naman
daw ang gagawin natin sa langit? Aba’y malay! Problema yun ng Diyos. Ang
mahalaga, nandoon tayo. Hindi ko alam ang gagawin sa langit, pero alam ko ang
gagawin sa hell. Katakot-takot na guilt at sisihan. Kung nadala ka ng tao sa
maling relihiyon, walang kayong gagawin kundi magsisihan, magkagalit at
mag-away-away.
So heaven, I’m sure we will worship God forever and ever and
ever. And who know, baka maraming field trip. Baka pupunta tayo sa Pluto, sa
Saturn, bibisitahin natin lahat ng creation ng Diyos. Ang dami no’n, baka hindi
natin kayang ubusin lahat.
Saturday, August 10, 2019
Huwag Mabuhay Para Maghanapbuhay Lang
Maraming tao ang may hanapbuhay at ikabubuhay. Huwag
mabuhay lang para maghanapbuhay. Dapat
ay naghahanapbuhay tayo para may kainin, para may isuot. At kung may lakas na
ang ating katawan, maghahanap na tayo ng magagawa para sa kaharian ng Diyos,
kasi tayo’y nabubuhay para palawakin ang kaharian ng Diyos. Hindi tayo
nabubuhay para maghanapbuhay lang.
Naghahanapbuhay tayo para may kitain at para may maitulong
sa gawain ng Panginoon. Pero di tayo nabubuhay para lang maghanapbuhay. The
Christian’s life must revolve around God, His kingdom and His righteousness.
Therefore, the Christian’s life must revolve around the church. Why?
Colossians 1:18
Christ is the head of his body, the church.
Maghanapbuhay para may kainin at damtin at para
makapaghandog sa Diyos. Subalit di tayo nilikha ng Diyos para maghanapbuhay
lang. May itinakda ang Panginoon sa bawat tao—ito ang dapat mangyari sa kanyang
lifetime.
Many people can’t serve God because they worry too much.
Sasabihin nila, “Di ko yata kayang gawin, wala akong kakayanan, wala na akong
oras.” Gawin ninyo at saka nyo mapapatunayan. Sabi ng Lord, “Do this and all
the things you think about will be added unto you. “Reveleation 22:12 is clear.
Sabi ng Panginoon sa mga taong humarap sa Kanya sa Huling Paghuhukom. “I will
give to everyone according to what he has believed.” That’s why we have to deal
with worry so we could do more. The body is more important than clothes, so
devote more resources to what enters the body, halimbawa, food and medication.
The Christian should value the body more than the
clothing that’s draped on it. Ngayon kung marami masyado ang inyong pagpapala
eh di pagandahin nyo rin nang maayos pero unahin kung ano ang pumapasok sa
ating katawan. Huwag kayong maniwala na ang buhok ay kumakain—kumakain daw ng
bitamina, ng kung anu-anong elements. Advertising lang yan. Walang bibig ang
buhok. Napakahalagang isipin na palusugin ang katawan.
Gusto ko kayong i-challenge na i-review ang inyong family
budget at personal budget, lalo na ang mga yuppies. Gaano kalaking pera ang
napupunta sa mga text load na yan at gaano karami ang napupunta sa loob ng ating
katawan na pinapalulusog at pinalalakas natin? Many people kill themselves to
make money. And when they do have the money, they spend it all just to get
well. Kaya’t mahalaga na unahin ang kalusugan ng katawan. But remember, the
Lord didn’t say neglect your looks. What He said was not to worry about
righteousness or what’s inside of you.
Matthew 6:33
But seek first His kingdom and His righteousness and all
these things will be given to you as well
Do not worry. Seek God’s kingdom and His righteousness
and remember who you are. You are God’s child. So pray to your Father who
listens and takes care of those seeking God’s kingdom and righteousness. He
will surely take care of everything else.
Tuesday, August 6, 2019
Bakit may mga acts of God na hindi natin maintindihan?
There are moments na itatanong mo, Bakit ginawa ito ng
Diyos? Bakit Siya nakipag-wrestling kay Jacob? Sa gusto Niya eh. Bakit Niya
nilunod ang daigdig? Gusto Niya eh. Igalang natin ang pagiging Almighty ng
Diyos dahil dapat yon. Hindi yung nao-offend tayo kung minsan. Lalo na’t hindi
natin maintindihan.
Kayo ba, mayroon nang mga ginawa ang Diyos na naka-offend sa
inyo? O parang iniisip nyo, hindi naman yata sa Diyos na gawin ito? Can you
cite these instances? When did you ever disagree with God sa mga ginawa Niya
diyan sa Scripture? Halimbawa, Bakit si Paul? What’s so special about Paul at
Kanyang tinawag? If the Lord likes to call Paul, sino tayo para magsabi sa kanyang hindi yon dapat? Sabi Niya, Will the
clay say to the potter, don’t make me like this? Put a handle here or there.
Sabi Niya, I am the maker. I will make it the way I want.
Kung si Lord ang nagbigay ng buhay at gusto na Niyang
bawiin. Anong problema? Ke bata, ke matanda, what’s the problem? This is God.
Kasi we think that, God should be humane. God is God; don’t expect Him to be
human. He’s above human. He is our Creator.
Thursday, August 1, 2019
Bawal ba ang lotto, bingo, sweepstakes, jueteng at raffle sa mga Christians?
Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang
pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil
maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you
kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo
na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon.
Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil
merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang
panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para
doon sa natalo.
Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa
pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng
pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang
isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with
gambling.
We Christians don’t take games of chance. If we want to have
money, we work. Dapat nagkakapera kayo dahil nagtatanim kayo ng talong, pechay
or kung anu-anong gulay at naiibenta nyo. May production kayo kaya kumita kayo;
may nakakain pa ng gulay nyo. O kaya bumili kayo ng pisong isda, ibinenta nyo
ng dalawang piso. O kaya iniluto nyo, nilagyan nyo ng konting kamatis, naging
limang piso. O bibili kayo ng ganitong buto, itatanim nyo, after a few months
namunga, ibinenta nyo, kumita kayo. May investment, may development.
In other words, may creative process. May napo-produce na
bagong produkto. Karapat-dapat lang kayong kumita pag ganon. Pero naman, yung
nagtayaan tayong apat, naghagis tayo ng barya at kung anong hulog noon, winner
take all. Nasaan ang production don? Wala. Investment. Meron lang tatlong
natalo, kaya ako nagkaroon. Tapos kukuha ng komisyon, ng tong ang lahat ng
nag-administer don. That is not right. Ang daming talo. Yung buong ekonomiya
talo kasi walang production. Yung ibinigay ni Lord na mga talents, ini-expect
ni Lord na magkakaroon ng production. Gambling is immoral because there is no
production. You earn something that you never really earned out of being productive.
You actually siphoned it from somebody else’s blood. Wala nang production,
nalugi pa ang planeta. Dahil yung nag-organize ng pasugal, siyempre may tong,
merong administrative cost, so hindi lahat ng itinaya ay maiuuwi ng nanalo; may
napupunta pa sa kung saan. So, kahit pa church ang nagpapa-bingo o raffle,
gambling pa rin yan.
Subscribe to:
Posts (Atom)