Saturday, December 30, 2023

Do Not Love Too Much

  Some people love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?

      But God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na alisin ng Panginoon dyan, huwag nyo silang mahalin nang higit pa sa pagmamahal nyo sa Diyos. Especially kung nobyo at nobya nyo pa lang. Don’t love too much. Hindi pa kayo nakakatiyak kung yan ang magiging asawa nyo, baka naibigay nyo na ang lahat-lahat. Ang nakaraan, ang kahapon, ang bukas at ngayon. Eh kung iniwan-iwan kayo?

 Deuteronomy 6:5 Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength.

        God muna. Kasi pag mahal natin ang Diyos—ang katuwiran, katotohanan at liwanag—napapabuti ang ating buhay. Pati pagmamahal natin sa tao napapalagay sa tama. Pero pag inuna nyo yung tao, kawawa naman kayo kasi lulungkot kayo sigurado. Pag sobra kang nagmamahal sa tao nang higit sa pagmamahal mo sa Diyos, humuhukay ka ng iyong sariling libingan at tumatahi ka ng sarili mong panluksa kasi lulungkot ka sigurado. Pero kung mamahalin mo ang Diyos above all, tapos mamahalin mo yung tao na nasa lugar lang, yun ang tama. People come, people go pero you have that other Number One love na hindi ka iiwan, hindi ka pababayaan at hindi ka pagtataksilan. And that is God.

        “Put a little love away” sabi ng isang kanta. Huwag masyadong ilagay o ibuhos ang iyong loob.

Magtira nang kaunti para sa sarili. Pansinin nyo ang mga Pilipina, napakahirap paibigin pero oras na nahulog na ang loob, alipinin mo, atsayin mo, pagawin mo ng thesis, okay lang. Alilain  mo, love ka pa rin. Nakawin mo yung kita niya at ibigay mo sa querida mo, love ka pa rin. Kaya lagi na lamang iiyak-iyak. Mabuting magtira ng kaunting pag-ibig sa sarili. Kasi kung hindi nyo rin iniibig ang inyong sarili, hindi rin kayo totoong kaibig-ibig. Don’t love people too much. Love them but with a godly limitation. Love God above all at magtitira sa sarili.

Saturday, December 16, 2023

KAYOD KA NANG KAYOD PARA KANINO?

Then he tried toil. “Magtrabaho tayo nang magtrabaho. Tanim tayo nang tanim. Gawa tayo nang gawa. But all of labor’s fruits, sabi niya, will be left behind to his successors, to his heirs. Sabi nya, “Ang lungkot!” “Gawa ako nang gawa, pundar ako nang pundar, ang yaman-yaman ko pero napapanssin kong tumatanda na ako, mamamatay na ako, sinong magmamana nito? Anak ko? Alam ko ba kung anong uri ng taong mapapangasawa nito na magiging manugang ko? Na titira sa aking palasyo? Sa aking bahay? Nagtayo ako ng palaisdaan. Yung naglalakad pala diyang bigote mapapangasawa nitong anak ko? Magiging kanya pala ‘tong ginagawa kong ito? Bakit ko ‘to ginagawa? Sabi niya, “Inupud-upod ko ang buhay ko, nagpakandahirap-hirap ako, I denied myself any pleasures, I worked so hard. Para lang ipamana sa hindi ko kaanu-ano? At paano kung mamana yan ng asawa ko’t mamatay ako? At nag-asawa uli ang asawa ko? Sobra namang sinuwerte yung napangasawa niya. Nakuha na niya yung asawa ko, pati pa yung pinundar ko. At paano kung namatay yung asawa ko, eh di kanya na? Mag-aasawa siya ngayon ng iba, kanilang-kanila na lahat ng ipinundar ko. “Kaya sabi ni Solomon, “Kayong pundar nang pundar mag-isip-isip kayo, ha? Nalulugi kayo.”

Maraming ama ng tahanan, wala nang ginawa kundi magpayaman. Sa biglang tingin hindi naman masama that you are trying to bring the family up the economic ladder. Pero sa tagal mo sa trabaho, pag-uwi mo sa iyong bahay, wala na pala ang mga anak mo, naglakihan na ang mga bata, nag-asawa na. O iniwan ka na rin ng asawa mo. O kaya’y ang layu-layo na ng loob nila sa’yo. Nagsasama-sama nga kayo sa isang bahay pero ang lalayo ng loob. Bakit? Dahil naubos na ang panahon mo sa labas. Ano ba talaga mahalaga? Wala pa daw taong namamatay na nagsabing, “Sana dinamihan ko pa ang aking pagtatrabaho. Sana nag-stay pa ako longer sa office.” Ang pinagsisihan ng marami, “I should have spent more time with my children. I should have spent more time with my family.” Yan ang pinagsisihan ng lahat ng naghihingalo. Kaya huwag nyo nang abangan na maghingalo kayo. Magsisi ngayon pa lang! At magbagu-bago na nga mga pamamaran. Huwag tayong magpadala sa mga standards ng sanlibutan. You know yung mga standards ng sanlibutan? Get more, have more, have more! For what? We should know when to stop. Kaya sabi ni Solomon, great projects-meaningless! Possessions-meaningless. Bale wala. Pag dumami yung possession mo dumadami lang yung binabayaran mo para magbantay. Tapos pag nakatalikod ka kinukupit nila. Kaya habang ika’y naliligo at nagsu-swimming iniisip mo, kinukupitan kayo ako ngayon sa tindahan namin? Mahabag kayo sa inyong sarili. Sabi niya, ang buhay nyo ay may wakas. Kung gusto nyong mag-provide sa inyong sarili hanggang sa retirement and up to a point bigyan nyo ng kaunting pasimula ang inyong anak, yun na lang. Pero kung pati yung kaapu-apohan ninyo ay ipagpupungar nyo pa, kawawa naman kayo. Lugi kayo. Naliligid tayo ng maraming mga taong ganyan. Andaming pinundar, tapos nung namatay kung kani-kaninong abogado napunta yung mga pinundar nila. Hindi rin napunta sa kanila! Pinag-agawan lang ng kung sinu-sino.

Mag-ingat sa mahal na insurance. Kung minsan nagiging mitsa pa ng buhay nyo yan. Lalo kung pinundar nyo mahal na insurance. Napakalapit ng aksidente sa inyo. Tinutulak-tulak kayo ng mga kaibigan nyo’t mga asa-asawa sa may gilid-gilid ng bangin at nang mapadali ang koleksyon. Kaya mag-isip-isip kayo. Sabi niya, “Meaningless. Everything is meaningless.” And it doesn’t matter how excellently done, the work will be inherited by just any fool. Sabi niya, “Paano naman ako nakatiyak na yung magmamana nito ay magmamalasakit? Paano ako nakakatiyak na ang magmamana ng ipinundar ko ay marunong? O baka gamitin pa niya sa masama ito ipinundar ko. “So, anong idinagdag niya diyan? Kaya sabi niya, “Meaningless ang lahat ng ito.”

Wednesday, November 15, 2023

Bawal ba ang lotto, bingo, sweepstakes, jueteng at raffle sa mga Christians?

 Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon. Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para doon sa natalo.

Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with gambling.
We Christians don’t take games of chance. If we want to have money, we work. Dapat nagkakapera kayo dahil nagtatanim kayo ng talong, pechay or kung anu-anong gulay at naiibenta nyo. May production kayo kaya kumita kayo; may nakakain pa ng gulay nyo. O kaya bumili kayo ng pisong isda, ibinenta nyo ng dalawang piso. O kaya iniluto nyo, nilagyan nyo ng konting kamatis, naging limang piso. O bibili kayo ng ganitong buto, itatanim nyo, after a few months namunga, ibinenta nyo, kumita kayo. May investment, may development.
In other words, may creative process. May napo-produce na bagong produkto. Karapat-dapat lang kayong kumita pag ganon. Pero naman, yung nagtayaan tayong apat, naghagis tayo ng barya at kung anong hulog noon, winner take all. Nasaan ang production don? Wala. Investment. Meron lang tatlong natalo, kaya ako nagkaroon. Tapos kukuha ng komisyon, ng tong ang lahat ng nag-administer don. That is not right. Ang daming talo. Yung buong ekonomiya talo kasi walang production. Yung ibinigay ni Lord na mga talents, ini-expect ni Lord na magkakaroon ng production. Gambling is immoral because there is no production. You earn something that you never really earned out of being productive. You actually siphoned it from somebody else’s blood. Wala nang production, nalugi pa ang planeta. Dahil yung nag-organize ng pasugal, siyempre may tong, merong administrative cost, so hindi lahat ng itinaya ay maiuuwi ng nanalo; may napupunta pa sa kung saan. So, kahit pa church ang nagpapa-bingo o raffle, gambling pa rin yan.

Tuesday, October 10, 2023

What’s the difference between tithes and offering?

The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on the side of stealing from God. Kung hindi kayo nakatitiyak, tiyakin ninyo na sumobra kesa kumulang. Kasi, kung sumobra, marunong si Lord ng arithmetic, isinusuli Niya, may dagdag pa. Pero sa dunong Niya sa arithmetic, pag dinaya nyo, sisingilin Niya at may iba pang hila. Sa Malachi 3:9, Cursed are you because you are robbing me, Naku may kasama pang sumpa! Kaya kung malilito kayo, doon na kayo magkamali sa napasobra kaysa kumulang. Kasi ang Diyos alam Niya kung sumobra, ibabalik Niya. Paano Niya ibabalik? Hindi naman NIya ibinabalik sa bulsa nyo. Halimbawa, naglalakad kayo, dapat sana masagasaan kayo ng tricyle, nadala kayo sa ospital, nagpa-repair pa kayo ng mukha nyo sa kung sinu-sinong mga aesthetic surgeon. Yung ibinibigay nyo sa Diyos na binabawas nyo sa 90%--yun ang inyong offering. Pag nag-tithe ka, ang totoo’y hindi ka pa nagbibigay, nagsa-submit ka lang. Pag nag-offering ka above the 10%, doon ka lang nagbibigay sa gawain ng Panginoon.

Sunday, September 3, 2023

NAWAWALA BA ANG KALIGTASAN?

The Bible says that when one person accepts Jesus as his Healer, Savior and Lord, the angels in heaven rejoice. If you prayed to receive Jesus and believe it in your heart, remember this day. Because today, according to the Bible, your name is written in heaven. And if you commit sin, you will still be saved. The question is about the security of salvation. Is salvation lost when you commit a sin? Now, in fairness to scholarship, let me tell you that the Christian community has two ideas about this. Several Bible scholars and theologians say yes, but there are also those who say no, it is not lost.

I think that we have to look at the two types on holiness, the legal and the actual holiness. When I accepted Jesus as my Savior and Lord I don’t become actually holy; I become legally holy. Meaning, what He did for me make me holy, what He did for me I cannot undo. I am given a legal status called clean. The Bible calls me clean. I’m now called a child of God. So, if I accept Jesus as my Savior and Lord,and then commit a sin while I’m alive, I have to pay for that sin here on earth. But I will not have to pay for that in the next life because that’s what Jesus paid for.

Ang tanong, na-save ba kayo dahil wala kayong kasalanan? Hindi! Sinlessness does not give you salvation. It is your faith in Christ that gives you salvation. Kung minsan nagkakasala ka nga pero hindi naman ibig sabihin nawala yung faith mo. Nagiging guilty ka nga eh! That means may faith ka pa and it is faith that gives you salvation. Our salvation is earned by what Christ did, not by what we do. What we do is irrelevant to salvation. It is only what Christ did that is relevant.

So, pwede na pala akong magkasala kasi hindi naman mawawala ang salvation ko? Yes, pwede. Pero matutulad kayo kay David na nawala ang joy of salvation.. Kaya, sabi niya, Return to me the joy of my salvation. Hinid niya sinabing Return to me my salvation. Alam niyang hindi nawala yung salvation, pero nawala yung joy. Predeng mawala ang blessing, mawala ang prosperity, mawala ang peace. Naaksidente ka, naputol ang dalawang kamay mo, naputol ang dalwang paa, nakapatong ka na lang diyan na parang lumpiang macao, buhay ka pa. Ang kaluluwa mo pag namatay ka, saved. Pero look at your life, parang impiyerno. So maraming mga Kristiyano, bagamat hindi pupunta sa impiyerno, parang nasa impiyerno ngayon. Kasi hindi sila nabubuhay sa kabanalan.

Kaya techinically, wala tayong kasalanan pagdating natin sa Diyos. Pagharap mo sa Ama, wala Siyang makikita kundi kabanalan, perfection. Charged to Christ na lahat ng kasalanan mo! Kaya nga sabi ni John in John 1:29, Behold, the Lamb of God, who takes away the sins of the world! Kinuha nan i Kristo lahat at inilagay sa katawan Nya.

While we are told that we should live a holy life, if we sin, 1 John 1:9 says, we should confess to Lord; because we have an advocate with the Father. That is why I react to that question—if a person accepts Jesus as Savior and Lord, will he not commit sin? It is different to commit sin nd it is different to live in sin. This is the actual difference between those who are in the Lord and those who are not. You commit sin like a sheep. Sheep are very particular about their cleanliness. Because they are walking on the ground, they get dirty. What they do is to scrub themselves against rocks, trees or naything o get the mud off their bodies. A pig behaves differently. A pig, in the morning, will look for a mud hole and stay there. You try to pull the pig out and the pig will squeal and stay there. So, if one accepts Jesus as Savior and Lord, he will still commit sin because he is still in the human frame. But he will not intentionally, continuously and stubbornly live in sin like those who are not in the Lord.

Monday, June 26, 2023

KASALANAN BA ANG KUMAIN NG DINUGUAN?

Blood was considered life in the Old Testament and was forbidden as food. But the New Testament declared that all foods sold in the meat market could be eaten. Was blood ever sold in the meat market in the Old Testament? Walang record na ganito sa Old Testament, so gray area. Pero malinaw sa New Testament na lahat ng pwede mong kainin na nabibili sa palengke ay puwedeng kainin.

 Kapag bumili tayo ng meat, sa totoo lang, wala namang guarantee na ito’y 100% na walang dugo. Sa Corinth, isa sa mga discussion nila ay ang Christian liberty. Isa lang ang gusto kong i-highlight or i-focus dito sa Christian liberty. Lahat ay pwede mong kainin pero alang-alang sa isang kapatid na hindi acceptable sa kanya ang pagkain ng dinuguan, huwag kang kumain nun.

Para huwag nang maging isyu at para hindi magulo ang buhay, kumain na lang kayo ng iba. Ang dami pa namang putahe sa mundo—merong  dinengdeng, kare-kare, bulanglang—ang dami pa! Kung umalis na siya, eh di kumain ka nang kumain ng gusto mo. Walang natitisod. Ang point is, meron kang freedom na gawin ito pero hindi mo siya gagawin kung merong kapatid na matitisod.

Napakalaking contention itong dinuguan na ito. Kaya ako mismo, tumigil na ring kumain nyan, dahil in the first place, talaga namang marumi ang dugo. (Pero paminsan-minsa’y napapakain din.)Kita nyo pag may sakit kayo, iba-blood test kayo, kita sa dugo nyo. Kaya hindi naman siguro napakalaking kawalan sa atin  na tumigil kumain nyan para na lang  matigil itong isyu na ito. Sinabi ni Lord sa Matthew 15:17-18, it’s not important what gets into the mouth but what gets out of it. Yet, let us not go to war on this issue. Marami pang higit na mahalaga.

Wednesday, May 3, 2023

How do you differentiate small sin, big sin, mortal sin and venial sin?

 Lahat iyan ay sin, big or small and it destroys our relationship with God. Pare-pareho na wala dapat sa ating buhay. Pero ang lahat nay an, kayang bayaran ng dugo ni Kristo. Kapag kayo na nag-accept kay Christ ay nagkasala, confess agad sa Lord directly and ask for forgiveness para hindi nagtatagal yung sin in your life. Charge it to Christ. Charge it to the cross.

Sunday, April 30, 2023

DON'T GIVE UP!

 What are the major root of failure? One of course is ourselves, marami tayong problema tayo din ang inventor, marami tayong misery, tayo din ang manufacturer, marami tayong kabiguan tayo din ang may kagagawan, isa po dyan is our limitations, mga kakulangan natin, we can be limited in skill, in talent or opportunities, kulang, misjudgments or error. Nagkamali ng desisyon, lack of vision, wala kasi tayong malayong pananaw. Nasa malapit lagi ang nakikita, di nagpaplano nang maayos, kulang sa pagpaplano. Other people can be a participants in our failute, Ecclesiastes 9:11. How to handle failures? Pag-aralan, sukatin kung ano nga ba ang laki at liit ng mga kabiguan and be specific, do not generalize  What do I mean? Wag nyong sabihin "I'm a failure." Masyadon geneal, masyadong negative kasi pag generalize nyo magda-dramang bukid kayo, maaawa kayo sa sarili nyo, repair damages, restore damages and then restore yourself. Ang nagwawagi ay di umaayaw, ang umaayaw ay di nagwawagi. Wag kayong ayaw nang ayaw, minsan lamang na nabigo ayaw na, minsan lang napahiya ayaw na, minsan lang na di nagtagumpay ayaw na muling subukan. Ang pinakamalaking pagkakamali ay yung di nyo subukan, pangalawa, yung ayaw nyo nang sumubok uli dahil yung una nagibo kayo. Kailangan matibay, kailanga medyo kapal muks, wag masyadong manipis, walang mangyayari kung masyado kayong mahiyain, mahina ang loob, laging sumusuko, anong mangyayari sa buhay mo? Kailangang sikap nang sikap at kung tayo po ay nagkakamali, forgive yourself. Forgive. Marami tayong dala na kabigatan. If you want balance in your life, you forgive.

Saturday, April 22, 2023

BE THE BETTER YOU

What happens if Jesus is really king of our personal lives? If we are going to take stock of and measure ourselves, are we going to be satisfied with what we see? During the time of Amos, pinasukat ng Diyos ang pader ng Jerusalem. Nilagyan ng pabigat yun isang string at tiningnan kung diretso yung pader. Natuklasan nilang nakatakilid ang pader ng Jerusalem. Parang mga personal na buhay ng tao. Pag sinukat tayo, ano kaya ang magiging measurement? Masisiyahan ba tayo sa makikita natin? Are you what you need to be? Are you what you want to be? And most importantly are you what God wants you to become?

When a sculpture looks at a piece of wood, he sees the art that he can make out of it—the finished product. Ano kaya ang nakikita ng Diyos sa atin at ano yung talagang tayo? What could God be seeing when He looks at you right now? What could be the other you—the potential you? What could become of us if only the Lord would have His way and our cooperation?

Marami tayong nakikitang mga bata sa lansangan. Minsan may itinitinda. Minsan nagpapalaboy-laboy. Bawat isa sa kanila ay may angking galing. Siguradong may mga gift ito. May mga talent. Pero yung potential kaya, mangyayari? Give them 70 years to live, 80, 50, 90 even, mangyayari ba yung potential? Maraming hahadlang. Hahadlang yung poverty. Hahadlang yung sickness. Hahadlang yung romance. Hahadlang yung kung anu-anong agenda. But I believe God is fair and that He gives everyone a chance. He has a plan for everyone. It is the will of God that everyone shall have a fruitful, beautiful and peaceful life. But not all of those good things happen because other things happen along the way. Nagkakaroon ng sagabal at abala.

Looking beyond what we are now, what could the Lord be seeing? The Lord sees what we can be. A person molded in God’s image. Full of holiness, wisdom and compassion. God looks beyond us and sees the potential. God sees His intentions for us—a person who is victorious, productive, joyful, peaceful and contented. A person who can truthfully, honestly and confidently say, “To live is Christ and to die is gain.”

God gave us free will, and it is one God’s best gift to us. The will to choose. To be holy and to love is choice. God has a perfect will for us.

Monday, April 10, 2023

Ang pagsubok ba ay para sa mga righteous lamang?

Kapag sinusubok ka, righteous ka kasi. Kaya ka nga sinusubok.

Pero kadalasan, akala natin sinusubok tayo, yun pala pinapalo tayo. Pag may dumarating sa ating hirap, huwag sabihing, Sinusubok ako ng Diyos.

No! Don’t say that. Ang una mong itanong, Pinapalo yata ako ng Diyos.

Kadalasan, may mga nangyayaring hindi maganda sa ating buhay bunga ng hindi natin mabubuting gawa.

Ngayon, kung wala kang ginagawang masama kahit ano, tapos meron pa ring dumarating na hindi maganda, yun ang maaari mong sabihin na pagsubok, katulad ng pagsubok kay Job.

Pero unless you want to proclaim na kayo’y isang babaeng Joba o lalaking Job, siguro chastisement talaga yan, hindi trial.

How shall we love our enemies?

It’s one of the most misunderstood verses in Scripture over the years of my Christian life and service.

Matthew 5:44, Love your enemy. Sa tagalog, Ibigin mo ang iyong kaaway. Parang walang sense, di ba?

Aminin nyo na. Paano mo iibigin ang kaaway mo?

But the Greek language, in which the New Testament was written, has at least four different words for love.

 Merong godly love. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao na walang preconditions.

Meron namang filial love, ang pag-ibig sa mga magkakamag-anak.

Meron ding pag-ibig na ang ibig sabihin, I’m commited to your well-being, hindi ako magiging sagabal sa iyong pag-asenso pero hindi naman kita nami-miss kung hindi kita nakikita.

In other words, I’m not emotionally involved with you pero committed ako para sa ikabubuti mo. That is also love.

Dun pumapasok ang Love your enemy. May involvement out of familiarity or out of spending time and space together. In other words, hindi yun yung pag-ibig na emosyonal kasi imposible naman na minamahal nyo yung kaaway nyo, na Iniibig kita, nami-miss kita, mahal na mahal kita.

To love your enemy is to be committed to the well-being of your enemy. Don’t wish him ill. Huwag ka lang gagawa ng bagay na ikasasama nya—love na yon.

Hindi mo siya kailangang padalhan ng lollipops and roses at burong talangka para masabing love mo siya. Ibang klaseng love na yon.

Ano po ang magandang gawin pag inis na inis?

Don’t speak. Baka may masabi kang pagsisisihan mo. Quiet muna.
1.       Lumayo sa kinaiinisang tao o sitwasyon. Change channels.
2.       Don’t make any important or big decision.
3.       Pahupain ang inis. Mag-relax, mag-shower, eat something nice, do something you enjoy. Talk with someone who makes you laugh. And cooperate. Laugh.
4.       Huwag magdamay ng iba, lalo na yung walang kinalaman sa inis mo.
5.       Express your inissa isang sympathetic, understanding, supportive person.
6.       Examine yourself. Bakit ka naman nainis? Justified ban a nainis ka? Could you be partly responsible kung bakit nangyari ang kinainisan mo? If so, correct yourself. Or the situation.
7.       Try to isolate people from their actions or events na nakaiinis. Like, mainis ka sa nangyari pero hindi sa tao—kung pwede mong madala ang utak mo sa ganung maturity.
8.       Avoid maulit ang nakaiinis na bagay o pangyayari. Change the situation. If you can’t, change your attitude.
9.       Pray. Seek God’s peace—and patience. Thank God na ikaw ang nainis at hindi ikaw ang kinainisan.
 And remember your name. Hindi naman INEZ, di ba?

Bakit po yung pastor naming galit na galit sa internet at Facebook? Parang ang laking sin na mag-internet? Binabawalan po kami.

 Ewan ko sa kanya. Siguro dahil marami naman talagang bad stuff sa internet at Facebook. Pero tulad ng totoong buhay, marami ring good. Nasa tao na kung alin ang pipiliin.

Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?

 I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor  ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?

Sunday, April 9, 2023

Sino kaya ang love ni Jesus, yung wrongdoer o yung victim? Kasi bakit ang turo Nya sa victim ay magpatawad kahit hindi humihingi ng tawad o hindi nagbabayad ng damage ang wrongdoer? Di ba lugi, kawawa at disadvantaged ka pag nagpapatawad ka?

 Siyempre, ang love ni Lord ay yung victim. Kaya nga turo Niya ay magpatawad, kahit na—o lalo na kung—hindi humihingi ng tawad yung may kasalanan. Pag nagpatawad ka, you are set free from your anger or stress without the help or cooperation of the wrongdoer. That’s power, not weakness. The victim does not need the help or cooperation of the offender. On her/his own, pwede nyang tapusin yung cycle of anger and suffering pag nagpatawad siya. In other words, you forgive not because the offender deserves it, but because you need peace.

By the way, love din ni Lord ang offender, but not the offense. Buti na lang hindi nya hate ang offenders kasi, sa buhay natin, nagiging offenders din tayo.

Bakit po may mga mahilig manakot ng kung anu-anong visions at prophecies daw?

 Siguro sila mismo ay takot.

Mahilig sila sa ganung mga spiritualizations?

They are convinced that they are right and that they have a message for others to hear?

Nagiging importante sila? Siyempre, the value of a “prophet” is in his prophecy. Kung walang prophecy eh di walang papel ang prophet.

Lagi nila yung iniisip kaya lumalabas sa mga panaginip at pangitain nila?

Hanggang saan at kailan po ba dapat tumanaw ng utang na loob?

 UTANG NA LOOB IS FOREVER kung yung tumulong sa iyo noon ay:

1.       patuloy pa ring tumutulong sa iyo.

2.       Hindi ka pa naman “nakakabayad”/nakakapagsukli ng kabutihan o kaunti pa lang”naibabayad” mo.

3.       Patuloy na mabuti sa iyo kahit nagbabayad-bayad ka.

4.       Hindi na nakatutulong sa iyo pero wala namang ginawang major masama sa iyo. So, sa balance, may utang ka pa rin.

UTANG NA LOOB IS NOT FOREVER kung:

1.       ang dami mo nang “naibayad” tapos may ginawa/nagawa nang masama o pang-aabuso sa iyo ang concerned.

2.       Ginagamit yun ng concerned para ka abusuhin, kontrolin, kawawain. Magsukli ka ng marami, then move on on. Hindi lubos na nababayaran ang utang na loob pero at least dahil sa bad behavior nya at dahil sa naisukli mo na, medyo bayad ka na nun. Pwede nang mag-good-bye.

Saturday, April 1, 2023

Be Free From Desire

Do not desire; do not be attached. Your desire, your passion will make you possessive, selfish and jealous. It will make you suspicious, paranoid, worrisome and afraid. Your fear of loss can lead you on the path to your dark side and to your sinful nature.

James 4:2,3
You want something but don’t get it. You kill and covet but you cannot have what you want. You quarrel and fight. You do not have because you do not ask God. When you ask, you do not receive because you ask with wrong motives that you may spend what you get on your pleasures.

Be free from attachment and you will have no loss to fear. Lalaya tayo kung hindi tayo natatakot mawalan. May mga taong nagsusuot ng magagandang alahas tapos sapo-sapo nila tuwing may kasalubong dahil takot na ma-snatch. Tupperware na lang ang isuot para maagaw man ay di bale na lang. Magpapagawa ng pagkaganda-gandang bahay tapos ang buong mag-anak ay hindi na makalabas nang sabay-sabay dahil kailangang may magbantay parati. Why do we invent our masters? Why do we create an “amo” in our lives? May mga misis din na bantay nang bantay sa mga mister na hindi na umuuwi. Umuubos ng pera kababayad sa lahat ng taxi para sundan nang sundan ang asawa hanggang Manaoag, Pangasinan! Kung ayaw umuwi sa inyo, hayaan nyo. Alangan namang nawalan na kayo ng asawa, nawalan pa rin kayo ng personal na buhay? Bakit mo ba pinipilit sumiksik sayo yung ayaw? After you have done what you could, kung ayaw nya, eh di wag. You both lose but he loses more. Do not be the satellite of anybody kahit asawa pa ninyo. Lalakad ka ba nang paluhod para lang balikan? Sa palagay mo ba sa iyong pagmamakaawa na balikan ka, pag binalikan ka nga, igagalang ka pa? Binalikan ka nga, igagalang ka pa? Binalikan ka nga pero alila ka na lang. Lagi ka na lang sinisigaw-sigawan. Eh di wag na lang. May mga tao kasing madaling mahulog ang loob at sobrang ibinibigay ang puso. Limang araw lang na sunud-sunod inaabutan ng Chiclet, bumigay na agad. Eh ganun naman talaga yung pagpapaibig. Susuyuin kang sandali, tapos ikaw naman, in love na kaagad. Sa susunod na pagkikita nyo, ibinibigay mo na sa kanya ang hikaw mo. Sobra kasing emosyonal. Sobrang romantiko. Sobrang manood ng mga telenobelang puro pag-ibig. Sobrang mahilig magpatugtog ng mga malulungkot na love songs. Kaya nagiging kawawa. Kaya hahabul-habol. Kailangang may sariling kahulugan ang buhay ang tao whether or not there are other people around. We must not build our world around one person because if this person leaves you, your whole world will crumble. Do your marital duties. Be loving, be nice, be kind but love God above all. Kawawa ang mga tao na ang number one sa buhay ay tao lamang. That is why we have to develop our loving relationship with God.

WINNERS KNOW WHEN TO STOP

           Alexander the Great conquered the known world but he did not know when  to stop. That led to his down fall. Pati ba naman yung mga lugar na may malaria sinakop pa niya. Nakagat tuloy siya ng lamok, nagkamalarya, namatay. Mahirap pag pinapalaki mo ang iyong emperyo dahil dumarami ang binabantayan mo.
           May mga kumpanya na ang laki-laki at ang lagu-lago pero hindi tumitigil sa kalalagay ng branch at katakut-takot na mga expansion. Marami ang bumabagsak diyan. Kung kumikita na ng malaki, dapat tama na. Kung expand nang expand pero kulang sa support system, sumasabog ang negosyo.
        
           1Timothy 6:9-10 People who want to get rich fall into temptation and a trap and into many foolish and harmful desires that plunge men into ruin and destruction. For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people eager for money, have wandered from the faith and they pierced themselves with many griefs.

             It is not really money that is the source of all evil but the love of it. On the other hand, lack of money is also the root of many evils. Kaya dapat naman talagang meron ka kahit man lang minimum. Yung mga pamilya na sobrang nasa-sacrifice ang family life nila dahil palaki nang palaki ang negosyo should know when to stop. Kahit naman dumami nang dumami ang pera ninyo, hindi naman kayo kakain ng tatlong kilong baka sa isang kainan lang. Habang yumayaman pa nga kayo, pakonti nang pakonti ang kinakain ninyo dahil ayaw ninyong tumaba. Pag sobrang dami ban g pera ninyo, palalakihan ninyo ang inyong kama na kasinlaki ng basketball court? Komo ba mayaman na kayo ngayon, isang drum na tubig na ang iniinom ninyo? Magsusuot ba kayo ng tatlong kilong kuwintas? Hindi naman. You should know when to stop. Especially if you are paying a high emotional and spiritual price for your continuous enrichment. Know when to stop because more money does not mean more happiness. But I tell you also, no money means no happiness also. We must not romanticize it. Mahirap magpakabanal kapag gutom. Pero pag busog ka na, tama na rin di ba? Dahil kapag hindi ka pa tumigil, impasto na ang kasunod noon. Mahirap din yun.
   
       Proverbs 25:27 It is not good to eat too much honey, nor is it desirable to seek one’s own honor.
      
       Proverbs 30:8-9 Keep falsehood and lies far from me; give me neither poverty nor riches but give me only my daily bread. Otherwise, I may have too much and disown you and say, “Who is the Lord” Or I may become too poor and steal and so dishonor and the name of my God. Napakagandang mga paalala. Lord, ayoko pong maging mahirap. Baka mapilitan akong magnakaw, mapahiya kayo. Ayoko namang sobrang yumaman dahil baka malimutan ko kayo. So bigyan ninyo na lang po ako ng sapat. Yung tama lang para huwag akong malasing at huwag akong maligaw.
               Winners know their rightful place. They do not talk too much. They do not trust blindly or commit easily. Winners avoid offending people. They make themselves useful and value their good reputation. Winners are above reproach. They are dignified. They avoid negative attention. And they know when to stop.
               We owe it to God  to be winners. Alangan naman yung ating God ay winner, tapos tayo loser. Dapat like Father, like son. Know what it takes to be a winner. Know the marks of a winner. Avoid the ways of losers.

Hold no grudges, have no regrets, discard anger from your heart. Mas maaga, mas mabuti.

     May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
     Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
   
      Ephesians 4:31
      Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.

      Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.

       Philippians 3:13
       ...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.

        Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.

Enjoy Life And Be Happy

Many people live a drab life. Pati ang panaginip nila ay black and white dahil walang kulay, walang beauty ang kanilang buhay. Let’s enjoy life and celebrate it! The Lord said, “ I have come that you may have life and have it to the full.” Ang Diyos ay hindi killjoy, hindi Nya gusto na mawalan tayo ng fun. Is it fun to be a Christian? Yes, of course, but we have a different form of fun—it’s deeper, nicer at mas masaya. Hindi naman tayo tatanggalan ng Diyos ng kaligayahan as in “ Aha, tinanggap mo akong Lord and Savior! Lagot ka sa akin mula ngayon! Hindi ganun ang Lord. In contrast, si satan ay ganun—pag tinanggap mo siya at na-possess ka na nya, lagot ka!
What the Lord does is release us from our hang-ups para mag-enjoy tayo sa buhay. Maraming tao ang selosa o seloso dahil lumaki marahil sa bahay na kulang sila sa pansin. Hindi sila nabigyan ng care, hindi sila nabigyan ng love. Lagi na lang silang naiinggit dahil talagang naapi. Pero ano ang gusto nyong mangyari? Naapi na nga kayo noon, paaapi pa ba kayo ngayon? Sarili nyo ang umaapi sa inyo ngayon. Kung hindi pa natin pinawalan ang ating sarili from the memories of the past, the only way out, the only remedy is to forgive. Then you will feel the release from bondage. This is freedom—parang may isang pyramid of Egypt ang binuhat mula sa ating ulo’t balikat, sasabihin natin, “Ay, naku! Ang tagal ko palang binubuhat yun. Ngayon ko lang nalaman na ang sarap palang wala.” You probably don’t know what you’re missing if you don’t forgive. Freedom and forgiveness must be enjoyed by all. So get rid of your anger.
Matthew 6:14-15
For if you forgive men when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you. But if you do not forgive men their sins, your Father will not forgive your sins.”

Let’s forgive for two important reasons. First, God commanded it and we cannot be forgiven unless we forgive. Second, only when we forgive will we really be free to enjoy life. A lack of forgiveness is a heavy burden, don’t carry it.

Matthew 11:28
Come to me, all you who are weary and burdened and I will give you rest.”

The Lord is willing to release us so we can manage our anger or prevent it from enslaving us. Forgive; in forgiveness there is freedom. Kanino kaya tayo galit? Siguro a cruel aunt ay kurot nang kurot sa inyo noong araw and in the recesses of your mind ay naaalala pa nyo siya. Inaantay nyo siyang tumanda para mabuhos nyo ang inyong paghihiganti at sabihin sa kanya, “Bullet day, I will giant you!” (Balang araw, paghihigantihan kita!) Talagang paghihigantihan kita!” I will coconut you!” (Ibubuko kita!) Kung galit na galit tayong naghihintay ng pagkakataong gumanti, don’t do it. Forgive those who sinned against you and be free!

Siguro may kapatid ka na lagi kang nilalamangan. O may lola tayo na bigay nang bigay ng bibingka sa pinsan natin. Pero ayaw nya tayong bigyan. May nanay tayo na doble magbigay noon ng allowance sa ating kapatid pero sa atin ay wala. May nakagalit tayong tao minsan—employer, officemate, classmate o teacher na kinuriputan ang grade natin. Imbes na maging honorable mention, tuloy naging dishonorable mention tayo dahil sa kanya! But start to forgive these people in your past. Make this monumental decision today to forgive and be happy.

It’s impossible to know everything

At sabi niya, do not strain yourself trying to understand everything. Siya na mismo na pinakamatalino sa balat ng lupa ang nagsasabi, “Alam nyo marami akong hindi maintindihan. Eto meaningless sa akin. Eto meaningless. Eto meaningless. Ang talino ko na nga hindi ko maintindihan, kayo pa.” Sabi niya, huwag nyo na lang intindihin lahat. Huwag nyo na lang i-research lahat, huwag nyo na lang bulatlatin lahat. Lulungkot lang kayo. The more a man knows, the sadder he gets. Why? Kasi nalalaman niya ang lahat ng kalungkutan ng buhay tuloy. Or, nalaman niyang hindi pala niya kayang malaman lahat, nalulungkot tuloy siya. Kaya sabi, “Huwag na kayong sobrang magpakatalino.’ Do not try to know everything. Try to know many things. Try to know as many as possible. But not everything, because it is impossible. You will only be miserable.

Ecclesiastes 9:1-10

So I reflected on all this and concluded that the righteous and the wise and what they do are in God’s hands, but no man knows whether love or hate awaits him. All share a common destiny—the righteous and the wicked, the good and the bad, the clean and the unclean, those who offer sacrifices and who do not.

As it is with the good man, so with the sinner; as it is with those who take oaths, so with those who are afraid to take them. This is the evil in everything that happens under the sun: The same destiny overtakes all.  The hearts of men, moreover, are full of evil and there is madness in their hearts while they live and afterward they join the dead. Anyone who is among the living has hope—even a live dog is better of than a dead lion! For the living know that they will die, but the dead know nothing, they have no further reward and even the memory of them is forgotten. Their love, their hate and their jealousy have long since vanished; never again will they have a part in anything that happens under the sun.

Let tomorrow worry about itself

Do you chase impossible rainbows? Do you chase the wind? Go after what really counts. And what is that according to Ecclessiastes 1 and 2? One is to be wise instead of being a fool. Two—eat , drink, find satisfaction in daily life. Enjoy. Enjoy the moment. Do not suspend all pleasures, tomorrow may not come.

Matthew 6:34—Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble on its own.

Yung iba kaya malungkot, yung graces nila for today. Sini-save nila for tomorrow. Kaya wala silang ma-enjoy ngayon. Tomorrow will have it’s own grace.

Jame 4:13-14—Now listen, you who say. “Today or tomorrow we will go to this or that city, spend a year there, carry on business and make money. Why, you do not even know what will happen tomorrow. What is your life? You are a mist that appears for a while and then vanishes.

Thursday, March 23, 2023

Ano po sa tingin nyo ang pinakamadalas at pinakamahal ang bayad na pagkakamaling nagagawa ng tao laban sa kapwa?

 Lack of effort to understand the other person—to see things from the other person’s point of view. We break up, quarrel, fight, lose people, hurt and get hurt NEEDLESSLY simply because we insist on looking at things ONLY OUR WAY. We assign and impose meanings on what people say or do, do not say or do not do without bothering to check if we are right. We take offense when we should not. We become defensive when we should be open. We become offensive when we should have been more caring. All because of our limited, narrow, myopic viewpoints which are usually proven wrong over time. All because of our self-serving attempts at protecting ourselves from non-existent threats. All because we are too engrossed with ourselves. SAYANG ANG MGA RELASYON. Sinisira ng ating mga katangahan.

Paano malalaman kung ang bf/gf ay takda ng langit?

 Your chemistry will tell you. And your shared convictions, beliefs and aspirations. I do not think na “may itinakda” na specific person for each human being. Pero may mga types of persons na PWEDE/ BAGAY/ TUGMA/ TUGMANG-TUGMA.

So, kilalanin at damhin yung candidate. Get counsel from parents, friends and spiritual people. Ipanalangin at makiramdam sa sagot.

Mayroon po akong sariling pananaw at paniniwala tungkol sa paggunita ng kamatayan. Second death anniversary po ng lolo ng asawa ko, di nap o ako sumama at naki-celebrate, pinagbigyan ko na po siya last year. Ang biyenan ko po halos isumpa ako at ang lola nya na nakatira sa amin ay galit din po. Napakasama ko po bang tao at kasalanan po bas a Diyos yun?

 Ano ba naman ang mawawala sa iyo kung makikisama sa isang gawain once a year? Kaysa naman masira ang relasyon mo sa mga nabubuhay?!

Kung binibigyan ka ng balato sa jueteng samantalang lagi mong sinasabi na masama yun, okay lang ba na tanggapin?

 Kung ibinibigay naman sa inyo in good spirit and in good faith, baka naman ma-offend yung tao kung tanggihan nyo. Hindi ito policy at hindi ito theology, pero sa biglang tingin, siguro tatanggapin ko kasi ibinigay eh. Kesa naman tanggihan ko, baka ibigay pa niya sa masamang tao, magamit pa sa mali.

So palagay ko, tatanggapin ko. Ngayon, hindi ko sinasabing tanggapin nyo. Ako kasi, pag involved ang spirit ayokong i-judge. Tulad nito: Merong member sa church na nagbigay ng tithes. Yung pinanggalingan eh, questionable, isusuli nyo ba? The point is, nirerekisa ba natin ang lahat ng tinatanggap natin at inuusisa pa natin kung saan nanggaling yun? If it is given in good faith, personally, I do not want to be judgmental. At kung nagkamli ako sa pagtanggap noon, tatanggapin ko na lang siguro yung responsibility kung may discipline sa akin si Lord. Kasi mga gray areas ito. Hindi ka makakasabi talaga kung dapat o hindi dapat. Pero I will not want to judge the people na sa kalooban nila ay gusto nilang gumawa ng mabuti. Para sa akin, desisyon na yan ng bawat pastor kung tatanggapin nila or not.

Sunday, March 5, 2023

Why does the Lord allow suffering?

 Actually wala dapat suffering. But the whole system was destroyed because of sin.

So, lahat yan, resulta ng sinfulness. Not only of an individual person but of humanity. Pag sinabi mo, 

Innocent naman siya, bakit siya magsa-suffer? Part kasi siya ng buong pakyaw, part siya ng buong system.

So you cannot escape it. The whole world is corrupted and has fallen into sin. How can anyone escape the claws of sin?

Kaya naaapektuhan pati yung mga hindi directly involved. Pero ang maganda non, the Lord Jesus Christ joined us in our sufferings.

Bumaba Siya mula sa langit to suffer for our sins and think no one of us has suffered more than He did.

Kaya huwag nating i-question si Lord na Bakit may suffering?  Ang i-question natin, Lord, bakit dinamayan nyo pa kami sa suffering na ito? Dapat naman, kami lang. Kaya salamat kay Lord.

Masama bang magalit ang isang Kristiyano?

 Hindi naman masama, depende lang kung paano tayo nag-e-express ng galit.

 Kung nagagalit tayo at ang ating tendency ay saktan ang ating kinagagalitan, masama yon.

Nagagalit tayo sa mali at ang goal ng galit sa mali ay para itama ito. 

Kung minsan, tamang magalit tayo pero ang pagdadala natin ng galit, mali.

Kaya pare-pareho na lang tayong mali.

Titiyakin nyo na hindi kayo nadi-disqualify na mali dahil sa pagha-handle nyo ng galit nyo.

 Dahil kung ganun, eh di pareho na lang kayong mali.

At pakatandaan, ang galit ay dapat ipinapahayag sa lalong madaling panahon.

BE HAPPY!

  All people, good or bad, end up dying. Pero hindi naman ibig sabihin na maging masama ka na lang. Death levels  and renders everything useless. So habang buhay, be happy! That is his message! Inulit na naman niya—enjoy eating and drinking. Sabi niya, “Go! Eat your food with gladness! And drink your wine with joyful heart. For it is now that God favors what you do.” Kaya pag kumakain, huwag kayong nagmamadali. Enjoy your food. Huwag lunok nang lunok. Una, baka ka mabilaukan. Pangalawa, baka ka magkaroon ng indigestion. Pangatlo, ang pagkain masarap lang sa dila dahil nandun yung taste buds. Matapos lumampas yon at at nasa esophagus na, it is already tasteless. And then it becomes excess baggage. Kaya dapat hindi mo yan nilulunok agad kundi ninanamnam-namnam! Biruin mo, inilagay ng Diyos sa ating dila ang mga taste buds na yan. Magkalinya-linya pa yung taste ng asim, ng tamis, ng pakla, ng pait, ng alat. Linya-linya pa yan para talagang dahan-dahan mong nalalasap. Para masabi mo. “Wow! Ang sarap naman ng asim ng sukang Paombong! Napakasarap naman nitong asim ng magga at maalat ng bagoong.” Ang sarap-sarap! Tapos lulunukin mo lang agad? Kaya dapat, ninanamnam.

So, kung makikinig ka kay Solomon, dagdagan mo ang oras mo sa pagkain. Haba-habaan mo. Lalo na kung may mga kausap ka, when you have company. This is what life is all about. Kasi, sabi niya, baka bukas bigla ka nang matumba, mamatay ka na. So habang nandito ka, enjoy what is available. Sabi niya, be happy. It is important to be happy. Seize the moment. Huwag nang palampasin.
Maraming tao wala nang ginawa kundi magtipid. Tipid-tipid-tipid! “Kailan po tayo kakain ng masarap?” “Fifteen years from now anak. Makakakain na rin tayo ng masarap.” “Buhay pa ba tayo non?” I have seen so many people na walang ginawa kundi magtipid nang buong buhay nila. Nung namatay pinag-agaw-agawan lang tuloy yung namana ng kung sinu-sino. Do not allocate today’s blessings for tomorrow’s needs. Tomorrow’s needs will have tomorrow’s blessings. Kaya nga ang dasal, “Give us this day our daily bread.” Huwag nyo laging i-suspend o i-delay ang enjoyment. Kung minsan sadism na ang tawag don. Yung wala kang inisip kundi, “Balang araw mag-e-enjoy din ako.” Nandiyan ka pa ba non? Sigurado ka ba na nandiyan ka pa ba balang araw? Kaya importante, while we work and save for the future, we don’t neglect enjoying everyday. Today can be your last.

Tama ba na ang isang Kristiyano ay manood ng sine o pumasok ng sinehan?

Ang kabanalan ay wala sa lugar. Ito ay nasa puso. Pwedeng nakaupo kayo doon sa loob ng simbahan pero yun pala, mala-Sodom and Gomorrah ang takbo ng utak nyo.

Yung iba, kaya conservative tungkol sa sine ay dahil maraming himala ang nangyayari diyan sa kadiliman. Dalawang tao, iisa ang anino. Nung lumapit ka, Ay dalawa pala ito! Akala ko isa.

Depende rin yan sa pinanonood. Halimbawa, manonood kayo ng horror, I don’t think it’s good. Una, dahil nago-glorify yung gawa ng masasamang espiritu at ng kadiliman. Second, maaapektuhan din kayo, magkakaroon kayo ng fears. Third, ang pera nyo na galing sa Diyos, ibinibigay nyo sa mga producers ng horror movies.

 Anong gagawin nila? Magpro-produce pa ulit sila. Ganun din yung sex-oriented films. Yung pera nyo binibigay nyo sa gumagawa ng malalaswang pelikula. Eh, di siyempre ang ibig sabihin noon, gumawa pa ulit sila. So dapat pinipili  natin kung anong tinatangkilik. Pero kung sabi ng pastor nyo, huwag kayong magsine, sundin nyo siya, huwag ako.

Nawawala ba ang salvation?

The Bible says that when one person accepts Jesus as his Healer, Savior and Lord, the angels in heaven rejoice. If you prayed to receive Jesus and believe it in your heart, remember this day. Because Today, according to the Bible, your name is written in heaven. And if you commit sin, you will still be saved. The question is about the security of salvation. Is salvation lost when you commit a sin? Now, in fairness to scholarship, let me tell you that the Christian community has two ideas abou this. Several Bible scholars and theologians say yes, but there are also those who say no, it is not lost.
I think that we have to look at the two types on holiness, the legal and the actual holiness. When I accepted Jesus as my Savior and Lord I don’t become actually holy; I become legally holy. Meaning, what He did for me make me holy, what He did for me I cannot undo. I am given a legal status called clean. The Bible calls me clean. I’m now called a child of God. So, if I accept Jesus as my Savior and Lord,and then commit a sin while I’m alive, I have to pay for that sin here on earth. But I will not have to pay for that in the next life because that’s what Jesus paid for.
Ang tanong, na-save ba kayo dahil wala kayong kasalanan? Hindi! Sinlessness does not give you salvation. It is your faith in Christ that gives you salvation. Kung minsan nagkakasala ka nga pero hindi naman ibig sabihin nawala yung faith mo. Nagiging guilty ka nga eh! That means may faith ka pa and it is faith that gives you salvation. Our salvation is earned by what Christ did, not by what we do. What we do is irrelevant to salvation. It is only what Christ did that is relevant.
So, pwede na pala akong magkasala kasi hindi naman mawawala ang salvation ko? Yes, pwede. Pero matutulad kayo kay David na nawala ang joy of salvation.. Kaya, sabi niya, Return to me the joy of my salvation. Hinid niya sinabing Return to me my salvation. Alam niyang hindi nawala yung salvation, pero nawala yung joy. Predeng mawala ang blessing, mawala ang prosperity, mawala ang peace. Naaksidente ka, naputol ang dalawang kamay mo, naputol ang dalwang paa, nakapatong ka na lang diyan na parang lumpiang macao, buhay ka paQ Ang kaluluwa mo pag namatay ka, saved. Pero look at you life, parang impiyerno. So maraming mga Kristiyano, bagamat hindi pupunta sa impiyerno, parang nasa impiyerno ngayon. Kasi hindi sila nabubuhay sa kabanalan.
Kaya techinically, wala tayong kasalanan pagdating natin sa Siyos. Pagharap o sa Ama, wala Siyang makikita kundi kabanalan, perfection. Charged to Christ na lahat ng kasalanan mo! Kaya nga sabi ni John in John 1:29, Behold, the Lamb of God, who takes away the sins of the world! Kinuha nan i Kristo lahat at inilagay sa katawan Nya.
While we are told that we should live a holy life, if we sin, 1 John 1:9 says, we should confess to Lord; because we have an advocate with the Father. That is why I react to that question—if a person accepts Jesus as Savior and Lord, will he not commit sin? It is different to commit sin nd it is different to live in sin. This is the actual difference between those who are in the Lord and those who are not. You commit sin like a sheep. Sheep are very particular about their cleanliness. Because they are walking on the ground, they get dirty. What they do is to scrub themselves against rocks, trees or naything o get the mud off their bodies. A pig behaves differently. A pig, in the morning, will look for a mud hole and stay there. You try to pull the pig out and the pig will squeal and stay there. So, if one accepts Jesus as Savior and Lord, he will still commit sin because he is still in the human frame. But he will not intentionally, continuously and stubbornly live in sin like those who are not in the Lord.

Saturday, March 4, 2023

Kasalanan ba ang kumain ng dinuguan?

 Blood was considered life in the Old Testament and was forbidden as food. But the New Testament declared that all foods sold in the meat market could be eaten. Was blood ever sold in the meat market in the Old Testament? Walang record na ganito sa Old Testament, so gray area. Pero malinaw sa New Testament na lahat ng pwede mong kainin na nabibili sa palengke ay puwedeng kainin.

 Kapag bumili tayo ng meat, sa totoo lang, wala namang guarantee na ito’y 100% na walang dugo. Sa Corinth, isa sa mga discussion nila ay ang Christian liberty. Isa lang ang gusto kong i-highlight or i-focus dito sa Christian liberty. Lahat ay pwede mong kainin pero alang-alang sa isang kapatid na hindi acceptable sa kanya ang pagkain ng dinuguan, huwag kang kumain nun.
Para huwag nang maging isyu at para hindi magulo ang buhay, kumain na lang kayo ng iba. Ang dami pa namang putahe sa mundo—merong  dinengdeng, kare-kare, bulanglang—ang dami pa! Kung umalis na siya, eh di kumain ka nang kumain ng gusto mo. Walang natitisod. Ang point is, meron kang freedom na gawin ito pero hindi mo siya gagawin kung merong kapatid na matitisod.
Napakalaking contention itong dinuguan na ito. Kaya ako mismo, tumigil na ring kumain nyan, dahil in the first place, talaga namang marumi ang dugo. (Pero paminsan-minsa’y napapakain din.)Kita nyo pag may sakit kayo, iba-blood test kayo, kita sa dugo nyo. Kaya hindi naman siguro napakalaking kawalan sa atin  na tumigil kumain nyan para na lang  matigil itong isyu na ito. Sinabi ni Lord sa Matthew 15:17-18, it’s not important what gets into the mouth but what gets out of it. Yet, let us not go to war on this issue. Marami pang higit na mahalaga.

Sunday, February 12, 2023

Ano ang ibig sabihin ng pagsa-sign of the cross ang Catholics? Bakit hindi ito ginagawa ng mga believers

 Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Niya in-endorse kahit kailan sa buhay Niya. We don’t want to make war with people who would like to use it. But we ourselves find no need to have a symbol because as John 4:24 says God is spirit and in truth. Ang totoo, technically, wala akong maisip na masama sa sign of the cross. Kung magpi-pray  ka, In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, ano ba naman ang problema doon? Wala! Basta wala lang kasunod na “Hail Mary.” Because we’re really praying in the name of the Father, of the Son and of the Spirit. Kung minsan, when I’m with many Catholic people, I open a prayer this way at hindi naman ako nako-compromise. It even accommodates them sa opening prayer pa lang para hindi difference, kundi yung commonality ang makita. And I am not offended by that.

Katulad din yan ng—bakit hinid tayo gumamit ng kampana? Actually, maganda nga yun, eh. Pagkalembang ng kampana, hudyat na yun na late na ang mga tao. Kaya siguro nali-late ang maraming Kristiyano. Hindi naman prohibited sa Bible ang kampana. Kaya nga lang ang ating mga naunang ninuno sa pannampalataya, pati yun inalis nila, dahil gusto nilang maging clear yung difference. Yung cross, sobra naman na naga-glamorize. It is not the cross that is important but what was accomplished by Jesus on the cross. Kaya hindi natin ini-emphasize yung cross kasi nagmumukha na yun na mismo ang end by itself. Samantalang napako lang naman doon si Hesus. Ang mahalaga ay yung ginawa ni Hesus at hindi yung cross. Paano kung si Hesus ay binaril by firing squad. Pag magdarasal kayo, sign of the rifle ba? Paano kaya yun? Pagkatapos yung mga simbahan natin, ang nasa bubong ripple? At pag may Santacruzan, ang dala ng Reyna Elena, baril? Kung ang Panginoon ay pinatay sa silya elektrika, anong pendant nyo, silya? At sa mga Bible nyo, ano ang naka-drawing, silya? Kung si Lord nilason sa lethal injection, ano ang mga kuwintas natin, heringgilya? I will not fault Catholics for making the sign of the cross. For me, it’s not a big deal. Kaya lang, kung minsan hindi natin ginagawa because we just want to be distinct. Ayaw natin mapagkamalang pareho lang kaya ayaw nating gawin. Pero kung gusto nyong gawin I will not find any fault, huwag lang kayong magbigay ng superstitious powers to the cross. Na kapag may aswang, papakitaan nyo ng cross, tatakbo ang aswang. Hindi yun totoo. Si satanas nga umaakyat sa langit at humaharap sa Diyos, bakit tatakbo pag nakakita ng krus? Eh, ang Diyos mismo hinaharap. Kaya dapat walang superstition.
Gusto nyong matakot sa inyo ang demonyo? Natatakot ang demonyo sa espiritu ng Kristiyanong may takot sa Diyos. Pag nabubuhay kayo na may takot sa Diyos at sumusunod sa Diyos, ayaw sa inyo ng demonyo, maa-allergic siya sa inyo. This can protect you more than any cross you can ever put in you life, in your church or anywhere. Ngayon, okay ba, kung may krus daw sa pulpit ng church? Hindi naman masama, huwag nyo lang luhuran.

Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?

 Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga  rebulto at religious images—nais  ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.

Napaka-clear sa second commandment, sa Exodus 20:4, Huwag gagawa ng mga dios-diosan, ng mga rebulto. Pero sa labas ng mga malalaking simbahan na may nakalagay na sampung utos, nawawala ang Second Commandment. Naging siyam na lang ang sampung utos. Yung number ten, pinaghati para maging dalawa, para hindi halatang may kulang. Naging, You shall not covet thy neighbor’s wife and You shall not covet thy neighbor’s goods. Ang totoo’y isang commandment lang yon. Pinagdalawa, dahil meron silang tinanggal para maikubli sa tao ang katotohanan. Pinipiringan nila ang mata ng bayan para hindi makita ang katotohanan at manatili sa dilim sapagkat gusto nilang ipagpatuloy ang maling turo.
Bakit hindi nila aaminin na mali ang rebulto? Hindi pwedeng aminin dahil meron silang teaching of papal infallibility, that the Pope cannot be wrong. When the Pope speaks ex-cathedra, meaning on behalf of the church. Pag sinabi ng papa ngayon Ay, sorry, mali nga pala, alisin natin, then the popes of the last 2000 years were all wrong. And if the popes were wrong and the doctrine is a falsehood then the Roman church will be rocked to its very foundations and will fall like a house of cards. Kaya papangatawanan nila yan. Hindi nila yan bibitawan. Kahit sila’y magsinungaling, manloko at mandaya.
Ang Ten Commandments na nasa mga patio ng simbahan ay isang tahasang panlilinlang sa mga tao—ikinukubli nila ang Pangalawang Utos. Napakalalakas ng loob to be God’s editors, para tanggalin yung Second Commandment. Pinaglalaruan nila ang sampung utos ng Diyos—isang napakalaking sumpa. Kaya pag pinag-aralan nyo ang kasaysayan, malalaman nyo ang katotohanan.
Huwag tayong maging emosyonal—Ah, basta! Dito ako isinilang, dito na ako mamamatay. Mamamatay ka nga diyan! Kailangan magising ka, kailangan sabihin mo, Ay, teka! Matalino naman ako, binigyan ako ng Diyos ng utak. Kailangan nakikita natin, pero hindi natin dapat pagtawanan. Dapat kaawaan at tapunan ng liwanag ang nagkakamali.

What’s the difference between tithes and offering?

 The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on the side of stealing from God. Kung hindi kayo nakatitiyak, tiyakin ninyo na sumobra kesa kumulang. Kasi, kung sumobra, marunong si Lord ng arithmetic, isinusuli Niya, may dagdag pa. Pero sa dunong Niya sa arithmetic, pag dinaya nyo, sisingilin Niya at may iba pang hila. Sa Malachi 3:9, Cursed are you because you are robbing me, Naku may kasama pang sumpa! Kaya kung malilito kayo, doon na kayo magkamali sa napasobra kaysa kumulang. Kasi ang Diyos alam Niya kung sumobra, ibabalik Niya. Paano Niya ibabalik? Hindi naman NIya ibinabalik sa bulsa nyo. Halimbawa, naglalakad kayo, dapat sana masagasaan kayo ng tricyle, nadala kayo sa ospital, nagpa-repair pa kayo ng mukha nyo sa kung sinu-sinong mga aesthetic surgeon. Yung ibinibigay nyo sa Diyos na binabawas nyo sa 90%--yun ang inyong offering. Pag nag-tithe ka, ang totoo’y hindi ka pa nagbibigay, nagsa-submit ka lang. Pag nag-offering ka above the 10%, doon ka lang nagbibigay sa gawain ng Panginoon.

Paano ang mga tumanggap sa Panginoon na hindi nagpatuloy—mga backslider, nawawala ba ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay?

 Dapat nating linawin ang paggamit nung term na backslider. Hindi pwedeng gamitin yung label na backslider para sa isang nakasama natin na nasa buhay ng kasalanan ngayon. Baka kasi naging istambay lang siya dito sa atin at ang real habitation nya ay ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Ang isa pang dapat maging malinaw dito ay yung hindi pagpapatuloy sa pagkakasala. Ang totoo, wala pang Kristiyanong tumanggap kay Kristo na nakapamuhay nang hindi nagkakasala. Sabi sa 1 John 2:1, I write this to you so that you will not sin. Pero ang ganda nung kasunod, but if anybody does sin. Ang isang Kristiyano ay nagkakasala. Pero hindi sinasang-ayunan ng Bible na yung Kristiyano na yun ay magpatuloy dun sa kasalanang ginagawa niya. Kapag nagpatuloy siya, hindi tama iyong tanong na “Ligtas pa ba siya?” Ang tamang tanong ay “Totoo nga kayang tinanggap na niya si Hesus?

Saturday, February 4, 2023

Okay lang ba patubuan ang perang ipinapahiram para ipuhunan sa negosyo?

 alagay ko, okay lang. Halimbawa, nanghiram ako ng P1,000; ipinang-negosyo ko, eh di tutubo. Alangan namang yung hiniram ko na last year, ibabalik ko ngayon na P1,000 pa rin.

 Eh, samantalang kung ipinasok niya sa bangko yun, baka P1,100 na yun ngayon.
So, I should be decent enough to pay him the cost of the money kung yon ay ini-invest niya o inilagay sa bangko.
Dahil yung halaga ng P1000 five years ago ay iba na ngayon.
 Para sa akin kung ako’y nagpapakatao, dadagdagan ko dahil nakatulong ka sa akin.
 Kung ako naman ang nagpapahiram, siguro hindi kita ire-require.
Pero ikaw na pinahiram ang dapat magkusa na gawin yun kasi yun ang tama.
Para naman yung nagpahiram ay hindi mapahamak na masabihang siya ay userero.
Tumulong na nga yung tao, siya pa ang napahamak.
Tungkulin ng tinulungan na maging disente siya at ibalik niya yung value ng pera kung hindi man madagdagan yung value.
 Hindi monetary quantity yung value noon.

Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?

 Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga  rebulto at religious images—nais  ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.

Napaka-clear sa second commandment, sa Exodus 20:4, Huwag gagawa ng mga dios-diosan, ng mga rebulto. Pero sa labas ng mga malalaking simbahan na may nakalagay na sampung utos, nawawala ang Second Commandment. Naging siyam na lang ang sampung utos. Yung number ten, pinaghati para maging dalawa, para hindi halatang may kulang. Naging, You shall not covet thy neighbor’s wife and You shall not covet thy neighbor’s goods. Ang totoo’y isang commandment lang yon. Pinagdalawa, dahil meron silang tinanggal para maikubli sa tao ang katotohanan. Pinipiringan nila ang mata ng bayan para hindi makita ang katotohanan at manatili sa dilim sapagkat gusto nilang ipagpatuloy ang maling turo.
Bakit hindi nila aaminin na mali ang rebulto? Hindi pwedeng aminin dahil meron silang teaching of papal infallibility, that the Pope cannot be wrong. When the Pope speaks ex-cathedra, meaning on behalf of the church. Pag sinabi ng papa ngayon Ay, sorry, mali nga pala, alisin natin, then the popes of the last 2000 years were all wrong. And if the popes were wrong and the doctrine is a falsehood then the Roman church will be rocked to its very foundations and will fall like a house of cards. Kaya papangatawanan nila yan. Hindi nila yan bibitawan. Kahit sila’y magsinungaling, manloko at mandaya.
Ang Ten Commandments na nasa mga patio ng simbahan ay isang tahasang panlilinlang sa mga tao—ikinukubli nila ang Pangalawang Utos. Napakalalakas ng loob to be God’s editors, para tanggalin yung Second Commandment. Pinaglalaruan nila ang sampung utos ng Diyos—isang napakalaking sumpa. Kaya pag pinag-aralan nyo ang kasaysayan, malalaman nyo ang katotohanan.
Huwag tayong maging emosyonal—Ah, basta! Dito ako isinilang, dito na ako mamamatay. Mamamatay ka nga diyan! Kailangan magising ka, kailangan sabihin mo, Ay, teka! Matalino naman ako, binigyan ako ng Diyos ng utak. Kailangan nakikita natin, pero hindi natin dapat pagtawanan. Dapat kaawaan at tapunan ng liwanag ang nagkakamali.

Ano ang masasabi ninyo sa mga nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga kanto, bus at jeep at pagkatapos ay nangongolekta ng offering?

 The preaching can be good but the collection may leave a bad taste in the mouth. 

Nako-compromise ang dignity ng ministry. Christianity should be very dignified. 
It should never be made to look like it is begging, na parang walang dignity.
 Maraming na-o-offend. If I were them, I’ll do it another way.
 Kasi, kung nagsasalita naman sila ng Word of God, tama na madinig sa kalye dahil hindi naman lahat ng tao pumupunta sa church. 
Kaya lang, huwag sanang manghihingi para hindi mapintasan.

Ano ang tamang gawin sa mga batang namamalimos sa lansangan?

 Kung tayo ay magbibigay sa mga batang namamalimos, lahat ng kalaro nila makikitang may pera sila. Bukas mamamalimos na rin ang mga kalaro nila and we will create a begging industry. Hindi tama yon. Dapat ipagpi-pray natin dahil baka talagang very legitimate ng pangangailangan nila, para makatulong tayo. 

Gawin nating selective and Spirit-led ang pamimigay. Ngayon kung may mga sasakyan kayo at lagi nyong nararanasan na may kumakatok, bumili kayo ng isang malaking supot ng biscuits at ilagay nyo sa kotse nyo. Tuwing may mamamalimos, abutan nyo ng isang biscuit para may maibigay kayo.

Hindi tayo nag-e-encourage ng begging for money. Pero kung ang bata ay totoong nagugutom bigyan nyo ng maipamatid gutom niya sa panahon na yon. May mga pagkakataong inuudyok ng Espiritu na bigyan nyo ng pera. Pero bihirang-bihira lang yun, one in a hundred siguro. Baka kasi minsan raket yan, di ba?

Ano ang ibig sabihin ng pagsa-sign of the cross ang Catholics? Bakit hindi ito ginagawa ng mga believers?