Tuesday, October 27, 2020

Bakit po may mga mahilig manakot ng kung anu-anong visions at prophecies daw?

 

Siguro sila mismo ay takot.

Mahilig sila sa ganung mga spiritualizations?

They are convinced that they are right and that they have a message for others to hear?

Nagiging importante sila? Siyempre, the value of a “prophet” is in his prophecy. Kung walang prophecy eh di walang papel ang prophet.

Lagi nila yung iniisip kaya lumalabas sa mga panaginip at pangitain nila?


Tuesday, September 29, 2020

Thursday, September 3, 2020

Bakit po kaya ang madalas mawala sa buhay natin ay yun pang sobra nating minahal?

 

Marami ring ibang hindi mo minahal na nawawala—hindi mo lang napapansin kasi nga—hindi mo mahal.


Tuesday, August 11, 2020

 Guys, please like the fb page na Pastor Ed Lapiz, yung white ang damit ni Pastor Ed sa profile pic. Salamat guys.

Tuesday, August 4, 2020

What does God do when we fast? Do the gates of heaven open wider when we fast? Do our hearts come nearer to the central Glory when we fast? Does God really work on behalf of those who fast?

I think a certain level of hunger makes the mind think more clearly. It also positions the spirit to a more sensitive state as to receive spiritual dealings. Symbolically, it also stands for a healthy degree of detachment from the material world. To be able to attach to the spiritual world, going hungry by and itself does not make one more godly.



Monday, July 20, 2020

Okay lang bang manood ng X-rated movie ang mag-asawa?

 Para namang may problema kayo kung kailangan nyo pa ng mga visual aid. Hindi pa ba kayo sapat? Kasi nami-misuse natin ang katawan ng iba, katawan nila yun! Ang katawan ay templo ng Espiritu. I don’t think that even married couples should watch this. It is sick! If you need to watch it kahit may asawa ka na, ano ang problema nyo? Sabi nga ni Paul, if you’re aflame with passion, marry. Ibig sabihin, lahat ng iyong init, lahat ng iyong bugso ng damdamin, i-focus mo sa iyong asawa. Bakit kailangan mo pa ng visual aid?


Member po kasi ng dalawang church ang brother ko, isa sa Manila at isa dito sa province, Ngayon po nagkaroon ng policy sa aming church sa province kung saan ka member eh doon ka magpapadala ng tithes mo (para sa mga OFWs at nadestino ng work sa ibang lugar). Ngayon po pinapapili ang brother ko kung saan siya magpapa-member kasi dapat isa lang. Ang tanong ko po, okay lang po ba kung dalawang membership at kung okay lang, paano po ang tithing? 50-50? Kung ang pipiliin po ng brother ko ay ang church sa Manila, pag-uuwi po siya ng province ay they will not allow him na tumayo sa ministry nya.

Ano ba naman yan? Kaya maraming natu-turnoff sa fellowships eh. Naka-base sa tithing ang membership? Kung ako, ayoko ng ganyang policy. Pinoproblema ang hindi naman dapat problema. Eh paano yung OFWs na may fellowship abroad? Alangan namang di sila mag-support nun eh dun sila nakasilong. Favor ako sa hati. At kung ayaw na nila sa akin dahil hinahati ko ang tithers ko, eh di ibibigay ko na lang nang buo dun sa open-minded church na nagfi-feed sa akin. Pag hindi nila ako pinatayo sa ministry, we BOTH lose. Or perhaps they lose more because I will serve where I am welcome.



Thursday, July 16, 2020

Sa palagay nyo po, sino ang mas reliable pakinggan, ang preacher sa pulpit o ang Bible scholar/researcher/translator?

Yung scholar, committed and answerable to the science of scholarship, linguistics and historical context. Mas factual and scientific and discipline nya sa pag-intindi at pag-interpret ng verse. Usually, may specialized training/education siya. Wala siyang audience or congregational superiors to please kaya posibleng mas objective ang interpretation nya.

Yung preacher, may audience to please, may religious superiors to answer to, may “statement of faith” to operate within, plus yung church has payables to think of. So, a preacher could be constrained by such issues. The preacher is not as free to speak as the scholar.

 BUT PEOPLE LISTEN TO PREACHERS, NOT TO SCHOLAR! J



Wednesday, July 15, 2020

Tuesday, July 14, 2020

I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?

This is very personal opinion: If a person is so miserable in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos, tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her case, e di salamat.

But to stay in a hopelessly miserable marriage is just another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa.

Bago may malito: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at hindi way out para lang sumama sa iba.



Saturday, July 11, 2020

Bakit po may napo-possess ng bad spirit? Di po ba ang katawan natin ay temple ng Holy Spirit?

1.       May free will ang tao at kung sino ang patirahin nya o i-welcome sa buhay nya, yun ang maghahari.

2.       Deceptive ang demons at nadadaya nila ang tao into welcoming them into the person’s heart without full awareness of the colonization/occupation/possession.

 

Halimbawa, ang tao na laging galit, bitter, resentful, hateful, violent,etc. ay nakapagbubukas siya ng pinto para siya pasukin ng masasamang espiritu. Napo-possess siya nang di nya namamalayan. That is why Satan likes people to be angry while Jesus likes us to be forgiving and kalmado—para no space for demons.



Thursday, July 9, 2020

Bakit po kaya may mga tao na tuwing sasali sa usapan ay off, lihis, mali at wala sa lugar?

1.       Hindi muna nakinig nang mabuti bago sumabat. Wrong entry.

2.       Ang gusto lang nya ay i-promote ang idea nya kahit bagay sa usapan o sa takbo ng usapan.

3.       Gusto nyang magmukhang mas marunong kaysa sa mga nagbigay na ng statement.

4.       Akala nya misyon nyang laging magkaroon ng kakaiba o kontrang statement, na akala nya ay mahusay o magaling yung hindi umaayon.

5.       Kulang talaga siya sa sapat na kaalaman.

6.       May memoryado siyang pa-smart lines na basta maibulalas lang nya kahit wala sa lugar ay masaya na siya.

7.       Mayroon siyang iba o limited audience within the audience-hearers. Kung minsan may nagsasalita sa harap ng marami pero ang tunay lang na kinakausap o pinariringgan ay isa o kaunti lang sa mga naroon. Kaya lihis tuloy sa pandinig ng marami.



Monday, July 6, 2020

Evil, demonic at witches po ba talaga ang mga albularyo?

HUH! SINO NAMAN ANG MAY SABI NUN? The word ALBULARYO comes from the word HERBOLARIO or HERBALIST. IT MEANS MINISTERING HEALTH, WELLNESS OR CURE USING HERBS OR PLANTS. KUNG YUN LANG ANG GINAGAWA, WALA NAMANG EVIL DOON. A joint study conducted by the UP Colleges of Medicine, Pharmacy and Agriculture discovered that a big percentage of the claims of herbularios about the medicinal and healing qualities of plants are proven.

Syempre, iba na kung may mga bulung-bulong at mga supernatural procedures.

We should isolate the traditional but scientifically sound use of plants in healing from occultic practices although kung minsan combined na ginagawa yun ng one and the same practitioner.



Thursday, July 2, 2020

Ano po ang masasabi nyo sa asawa ng OFW, babae man o lalaki, na nasa Pilipinas, tumatanggap ng padala, tapos nakukuha pang magtaksil sa OFW nyang asawa na naghihirap abroad?

[Sagutin lahat ng SYA NAWA]

TAMAAN SANA NG KIDLAT, kahit daplis lang!

KAININ SANA NG LUPA, kahit iluwa rin kapagdaka.

DAPUAN SANA NG GRABENG SAKIT, kahit gumaling din after a while.

USIGIN NAWA NG BUDHI hanggang halos mabaliw, kahit maka-recover later.

DAPUAN NAWA NG GRABENG-GRABENG GALIS HANGGANG PANDIRIHAN NG PARTNER IN CRIME.

MADEMANDA NAWA, MAKULONG AT MAPAHIYA, kahit makalaya rin after 100 years.

ANAYIN NAWA ANG BUTO, kahit na ma-pesticide din after a while.

TABLAN NAWA NG HIYA SA DIYOS, KUNG HINDI MAN SA ASAWA AT PAMILYA.

MAGBAGONG-LOOB NAWA.

MATAKOT SA DIYOS.

SOBRA-SOBRANG KASALANAN YAN HA—YANG MAGTAKSIL SA ASAWANG NAGHIHIRAP AT NAGSASAKRIPISYO ABROAD!

[O, yung mga magbabait-baitan at malulupitan sa wishes ko, SHUT UP. Make your own wishes sa wall nyo.

 



Monday, June 29, 2020

Ano po ang opinyon nyo sa napakaraming foreign “teachers” who come here sa Pilipinas at kung anu-anong itinuturo at pinauuso sa mga Filipino Christians?

Be selective. Piliin ang dadaluhan, pakikinggan at susundin. Salain ang content ng turo nila kung talagang biblical at KUNG BAGAY SA CULTURE NATIN.



Wednesday, June 24, 2020

Hanggang saan at kailan po ba dapat tumanaw ng utang na loob?

UTANG NA LOOB IS FOREVER kung yung tumulong sa iyo noon ay:

1.       patuloy pa ring tumutulong sa iyo.

2.       Hindi ka pa naman “nakakabayad”/nakakapagsukli ng kabutihan o kaunti pa lang”naibabayad” mo.

3.       Patuloy na mabuti sa iyo kahit nagbabayad-bayad ka.

4.       Hindi na nakatutulong sa iyo pero wala namang ginawang major masama sa iyo. So, sa balance, may utang ka pa rin.

UTANG NA LOOB IS NOT FOREVER kung:

1.       ang dami mo nang “naibayad” tapos may ginawa/nagawa nang masama o pang-aabuso sa iyo ang concerned.

2.       Ginagamit yun ng concerned para ka abusuhin, kontrolin, kawawain. Magsukli ka ng marami, then move on on. Hindi lubos na nababayaran ang utang na loob pero at least dahil sa bad behavior nya at dahil sa naisukli mo na, medyo bayad ka na nun. Pwede nang mag-good-bye.



Monday, June 15, 2020

Do you believe in malas? Like malas na tao? Laging minamalas?

UTANG NA LOOB IS FOREVER kung yung tumulong sa iyo noon ay:

1.       patuloy pa ring tumutulong sa iyo.

2.       Hindi ka pa naman “nakakabayad”/nakakapagsukli ng kabutihan o kaunti pa lang”naibabayad” mo.

3.       Patuloy na mabuti sa iyo kahit nagbabayad-bayad ka.

4.       Hindi na nakatutulong sa iyo pero wala namang ginawang major masama sa iyo. So, sa balance, may utang ka pa rin.

UTANG NA LOOB IS NOT FOREVER kung:

1.       ang dami mo nang “naibayad” tapos may ginawa/nagawa nang masama o pang-aabuso sa iyo ang concerned.

2.       Ginagamit yun ng concerned para ka abusuhin, kontrolin, kawawain. Magsukli ka ng marami, then move on on. Hindi lubos na nababayaran ang utang na loob pero at least dahil sa bad behavior nya at dahil sa naisukli mo na, medyo bayad ka na nun. Pwede nang mag-good-bye.



Saturday, June 13, 2020

Bakit minsan pag nag-iisip ako about death eh natatakot ako mamatay? Pero bigla ko naman nire-rebuke na I am going to have life after that with God. Kaso minsan talagang feel na feel ko na natatakot ako.

People fear death because they think of themselves as a body with a spirit and that at death, the spirit leaves the body so it dies, decays, gets buried or cremated, etc. They are so attached to the body that at death, they identify with the body and not with the spirit.

Think the other way, You are a spirit with a body; at death, the spirit is set free from the body and leaves it to reunite with God. Identify more with the spirit and you will not fear death.



Do you believe in malas? Like malas na tao? Laging minamalas?

More than or beyond MALAS NA TAO, I have observed that it is really more of CHARACTER.

Marami sa mga sinasabing “malas, laging nadudukutan” ay kadalasan burara. Hindi maingat sa gamit. Ganun di yung “malas, laging nawawalan/nananakawan.” Yung “malas, laging natatanggal sa trabaho” madalas ay tamad, pala-away o kulang sa husay. Yung “malas sa pag-ibi” kadalasan ay hindi mapili o masyadong bigay na bigay, etc. Yung “malas sa negosyo” madalas ay hindi masyadong nag-aaral bago pasukin ang isang negosyo o hindi mapili sa partners.

Kahit yung sinasabing “GREEN THUMB” o “swerteng maghalaman,” “malamig ang kamay sa halaman” ay, sa tingin ko, mahusay lang mag-alaga ng halamn.

Ngayon, yung “malas na pangyayari,” mas maniniwala pa ako. Sinabi yan ni Solomon sa Ecclesiastes 9:11

Here is something else I have learned:

The fastest runners and the greatest heroes don’t always win races and battles.

Wisdom, intelligence and skill don’t always make you healthy, rich or popular.

We each have our share of bad luck.



Anu-ano po sa tingin nyo ang major man-made factors kaya hindi maunlad ang Pilipinas?

1.       A rapacious, selfish and greedy elite.

2.       Pasaway, selfish, law-breaking, vote-selling masa.

3.       Outdated, imperious, backward, feudal, pakialamero churches.

4.       Uncaring, pakitang-tao, bantay-salakay vote-buying politicians.

5.       Exploitative and opportunist foreigners-at-heart who are Filipino citizens for convenience and in passports only.

6.       A colonialists, self-degrading, slave-producing, unpatriotic, educational system.

7.       A sensationalist, irresponsible, ignorance-promoting, crassly mukhang pera/rating media na walang malasakit sa imahen ng bayan. Bubulatlatin ang bituka ng bayan at ibubuyangyang ang mga kapintasan ng bayan para lang maka-scoop. Nakaka-demoralize, causing Filipinos to lose faith in and to be ashamed of their country.

8.       Lack of patriotism, love of country, national pride ng napakarami sa atin. Hilig sa imported anything. Amnesia ng mga Filipinong nakatira sa ibang bansa, nalilimutan ang Inang Bayan. Lack of love for and gratitude to Pilipinas. Hindi paglingon sa pinanggalingan.

9.       Katamaran ng maraming hindi nagtatrabaho at umaasa na lang sa kamag-anak.

10.   Bad governance. Corruption. Lack of nationalist vision in government policy.



Tuesday, June 2, 2020

How could Christians improve their biblical scholarship?

Attend a reputable, non-denominational, objective, unbiased Bible School.

Self study.

Be open-minded. Do not instantly reject new or different ideas but seriously study them?

Avoid generalization of ideas as bad, evil, demonic, satanic, etc. or holy, inspired, anointed? Suriin munang mabuti.

Do not be obsessed with winning an argument but be interested to learn from the other person.



Lagi po akong nag-tithes, gross pa po yun, saka wala naman din po akong palya mag-intega sa parents ko. Half of my salary binibigay ko po sa kanila. Nagsu-support naman din po ako sa mga activities sa church like yung magbigay ng allowances sa scholarship program. Pero yun pong goal ko na makaipon, hindi ko nagagawa. Di ba po sabi kung mas nagiging mapagbigay ka, lalo kang pinagpapala?

Eh paano ka nga makaiipon eh ipinamigay mo na yatang lahat? Pag ganyan ka ka-generous, you need a sideline for extra income.

Pero ang ipon mo so far, gratitude and pleasure ng mga binibigyan mo, honor and glory of God and lots of ipon/savings na treasures in heaven.



Madalas po akong dapuan ng sobrang lungkot at inip na halos nakakabaliw. Ano po ang maaaring gawin para mawala ito nang permanente o kahit man lang pansamantala habang umaatake?

Change your:

Chemistry. Eat something you like. Have a drink (never alcoholic: mas lalala).

If a doctor or psychiatrist would prescribe some medicine, usually anti-depressant that could help.

Kinetics. Move. Walk. Run. Exercise. Swim. Take a shower.

Environment. Get out of the room/house/building.

Social configuration. Talk with someone you enjoy talking with. Get involved with other people, like in organizations, activities, projects.

Spiritual condition. Pray. Seek peace. Commune with God.

Do not isolate yourself. If being alone is unavoidable, entertain yourself. Watch some comedy. Play some upbeat music.

Let go of anger, bitterness, resentment by forgiving those who have hurt you.

Take care of yourself more. Like yourself more. Forgive yourself if you have committed something you now feel bad about.

Pag dumadapo ang lungkot, itaboy mo! Change the topic. Change the scenery.

If persistent, consult a psychologist or a doctor.



Mayroon po akong sariling pananaw at paniniwala tungkol sa paggunita ng kamatayan. Second death anniversary po ng lolo ng asawa ko, di nap o ako sumama at naki-celebrate, pinagbigyan ko na po siya last year. Ang biyenan ko po halos isumpa ako at ang lola nya na nakatira sa amin ay galit din po. Napakasama ko po bang tao at kasalanan po bas a Diyos yun?

Ano ba naman ang mawawala sa iyo kung makikisama sa isang gawain once a year? Kaysa naman masira ang relasyon mo sa mga nabubuhay?!



Saturday, May 30, 2020

“Sabbath was made for man, not man for the Sabbath.” Sabi po yan ni Lord Jesus. Kasabay ang pag-break sa Sabbath law sa paggawa ng mabuti at paglilingkod sa mga tao. Ano po ang ibig sabihin ng words and actions ni Lord na parang sumuway sa utos?

“Sabbath” could mean literal Sabbath (yung bawal magtrabaho/kumilos pag Sabado) o kaya symbol ng mga iba pang religious commands and regulations. The Lord was saying that the end goal of religious regulation is for the benefit of people. The implementation of religious rules and regulations should serve the purposes of men: that in the end, people are served—that they find rest, peace wellness, healing, happiness, joy, etc. People should be beneficiaries of religious law, not slaves of it. Ibinigay ang kautusan para sa kapakinabangan, ikaluluwag at ikabubuti ng tao, hindi para maghirap, masakripisyo at ma-balewala ang kapakanan ng tao para lang masunod ang kautusan.

The Sabbath regulation was addressed to masters, not slaves. Para yun sa mga amo para huwag magpatrabaho sa Sabbath at makapahinga ang mga manggagawa. Ngayon, kung yung manggagawa na mismo ang kusa at di pinipilit na gumawa para sa ikabubuti o ikagiginhawa nya, malaya siyang gumawa. Yung Sabbath para sa kapakanan nya: hindi siya inaasahang maghirap, masakripisyo at malugi para lang masunod nya ang Sabbath. Hindi siya required sumunod kung ang pagsunod ay kalugihan nya.

Another possible rendition. RELIGIOUS LAW WAS MADE TO SERVE MAN, NOT MAN TO SERVE RELIGIOUS LAW. Siyempre, ayaw ng mga conservative, control-obsessed religious leaders ang ganyan. Wala silang pakialam sa kondisyon ng tao. Gusto lang nila, legalistic obedience even if obedience puts the people in grave disadvantage or loss. Pati nga maraming kapatiran, ganyan. Ang concern nila, legalistic ang literal obedience to religious regulation of the traditional interpretation of it, kahit na yung kapatid ay malulugi, masasaktan, mahihirapan at magdurusa sa pagsunod.

Mabait at maunawain si Lord Jesus. Ang mga relihiyoso, madalas hindi.

Kaya sabi ni Jesus, “Come to me all of you who are tired carrying heavy (religious ) load and I will give you rest. For my yoke is light.” Ang gusto ni Jesus, gumaan ang buhay. Ang gusto ng religious establishment, masunod ang regulasyon kahit pa nga ang resultang pagsunod ay lalong bumigat ang buhay ng tao.

Jesus-based interpretation and application is that which makes life easy, light and peaceful. “Come to me and you will find rest for your souls.”



Sunday, May 24, 2020

Dapat po bang bawalang manood ang mga bata and youth ng certain movies/video shows?

Yes and no.

Yes kung sobrang bata at ang movie ay sobrang violent or sex-oriented or horror: anything that glorifies or promotes immorality, fear, violence or other negative values.

No kung yun na lang pagbabawal ang only protection mo for them. Lalo na kung medyo may edad na. Baka maging rebellious lang tuloy at lalong manood. O kaya, sa kababawal mo, maging curious at manood pa tuloy.

The best to do when children become older is to teach them to be discerning: to know right from wrong, to know good from bad taste, to determine good from bad themes, story lines, plots or stories. Children need to be trained to filter out bad from good, rubbish from treasure.

So, watch good and bad movies with them and discuss. Guide them as to what makes movies good or bad. Huwag puro pagbabawal.

“Train up a child in the way he should go and when his is old he will not depart from it,” sabi ng Bible.

Over-protectiveness, like pure prohibition, may backfire.

By practice and under your guidance, train children to recognize good from bad.



Wednesday, May 20, 2020

Sa tingin po ninyo, kung 1 to 10 ang dapat maintindihan sa Bible with 10 being the highest, ano ang score ng majority of Christians in understanding the Scripture?

You mean understanding the literal meaning, the contextual meaning then the symbolic meaning of the teachings in the Bible to be able to apply it correctly in today’s life? From 1 to 10, how much do people understand—as I see it? 5-6 or below. At kasama ako dun sa ang score ay 5-6 or below.

WHAT WE UNDERSTAND IS LITTLE; WHAT WE DO NOT UNDERSTAND IS MUCH. There are very, very, very few people that I think have a high understanding of the spirit and content of Scripture—and those few are not preachers.



Monday, May 18, 2020

May lihim na inis po ako sa hipag ko at ramdam kong ganun din siya sa akin. We live in the same compound and I can’t avoid her that much?

Romans 12:2 says,

Don’t be like the people of this world but let God change the way you think. Then you will know how to do everything that is good and pleasing to Him.

 

CHANGE THE WAY YOU THINK ABOUT HER. Then your feelings will follow your thoughts and change, too. Then you body will follow your feelings and will change as well.

 

Overall, you could be friendlier to her. Then her spirit will perceive and discern the changes in you. Her spirit will change, too, followed by her feelings and body. Baka kaya nga inis siya sa iyo eh kasi nararamdamang inis ka sa kanya. Siyempre, you harvest what you plant.

 

Teach and discipline yourself to like her. She will surely like you back. APPLY THIS SA LAHAT NG TAONG INIS KA. Lakipan ng dasal. BE HAPPY!



Saturday, May 16, 2020

I’m so busy, stressed out and tired. How could I best handle my very full daily schedules?

  *PRAY. Before the day begins, in the middle of the day and at night(or morning) before you sleep. Mas maraming gagawin, mas dapat manalangin. Prayer clarifies the mind, soothes the nervers and opens the day for God’s blessings and guidance. Have prayer support. Ask people to pray for you.

  *Have enough rest. Quality rest enables one to think more clearly, plan and perform better.

  *Choose what you would do and what you wouldn’t. Don’t land at every airport. A few meaningful activities are better than so-so ones.

   *Delegate when you have the luxury to do so. Focus only on what you do best. Let others do what they are good at (and better that you could).

    *Have in-between breaks. Do not have a bumper-to-bumper schedule. You end up leaving activity 1 before it ends and arriving late for activity 2. If you run after two ducks, you will catch neither.



Monday, May 11, 2020

Dati na po akong nagbibigay ng tithes dahil may trabaho ako, eh ngayon po umaasa lang ako sa social welfare benefit dahil unemployed ako ngayon. Dapat ko po bang ituloy ang pagbibigay ng tithe?

Dati na po akong nagbibigay ng tithes dahil may trabaho ako, eh ngayon po umaasa lang ako sa social welfare benefit dahil unemployed ako ngayon. Dapat ko po bang ituloy ang pagbibigay ng tithes?



Friday, May 8, 2020

Ano po ba ang qualities ng balanced woman?

A woman must be interesting—and mysterious. Spiritual but not overly religious. Reachable but not really available. Humurous but not funny. Knowledgeable but not know-it-all. Virtous but not holier-than-thou. Aware but not self-conscious. Open but not wide open. Audible but not loud. Visible but not everywhere. Special but not snobbish, interested but not eager.



Thursday, May 7, 2020

Anu-ano po kaya ang possible reasons why many singles remain loveless though gusto naman nilang magkaroon ng partner?

Wrong packaging o image. Baka may image na parang unapproachable or unreachable. Your body language might be saying: “Ayoko. Huwag mo akong lapitan.” O kaya, Mataas ang standard ko, kulang kayong lahat.” O “Sobra akong conservative. Walang fun with me. “ O “Sobra akong cheap; ikahihiya mo ako for sure.” Etc.

Wrong placement. Yung kinalalagyan nyong lugar or position ay hindi maganda: out of the way, inaccessible, invisible, wala sa circulation.

Wrong company. Ang mga kasama nyo ay turn-off sa marami. Baka sobrang anything.

 

You look too eager na parang dadakmain mo at kakainin  nang buhay ang sinumang lumapit.

Kulang sa social graces or refinement or overly refined.

Sobrang brotherly or sisterly—wala tuloy magnasa o makaisip ng malisya sa iyo. You’re always the tulay but never the object of romance.

Too familiar, too common, too much available. Nakakalat sa lahat ng lansangan, present sa lahat ng party. When you’re always there, no one would miss you.

May mga kapintasang madali namang lutasin: Bad breath? Sobrang daming galis? Kamut nang kamot, body odor? Marumi lagi ang kuko? Salaula, unhygienic? Marumi ang balat, mabantot ang anit, lumulobo ang ilong pag bumabahing, bumubula ang laway sa gilid ng bibig pag nagsasalita? Talsik nang talsik ang laway? Etc.

Kung babae, marami kang kapatid na maton. Kung lalaki, obvious na Mama’s boy.

Mabigat na ugali: mahilig magreklamo, dumaing, magagalitin, maarte, etc.



How do you keep love alive when distance divides?

Distance is not always measured in miles.

Stay close in spirit.

Communicate.

AND MEET PERSONALLY EVERY SO OFTEN. Have a definite plan/timetable concerning your eventual reunion so you have something to hold on to.



Monday, May 4, 2020

Sino po ang panalo, yung minahal ng hindi nya mahal o yung nagmahal pero hindi minahal?


Siyempre yung nagmahal. Pag nagmamahal ka, masaya ka kahit hindi ka minahal in return. Pero yung mahal ka ng hindi mo naman mahal, nakakabanas lang yun.


Wednesday, April 29, 2020

Sa dami po ng mga horror stories sa pag-aasawa, natatakot na po yata akong lumagay sa gulo. Wala na ba talagang lalaking matino? Faithful? Matapat at mapagkakatiwalaan? Gusto ko pong magkaasawa pero ayaw ko pong masaktan?!


In love you take the thorns as well as the roses. Kung ayaw mo ng tinik, huwag kang pumitas ng rosas. Kung ayaw mong masaktan, eh di huwag kang umibig at mag-asawa. Talagang may risk. Pero ang tanong ay ito: Ano ba ang mas mabuti? Masarapan nang may kasamang sakit o hindi masaktan pero hindi rin masiyahan? Pwede ka namang magmahal at tumanggap ng posibilidad na masaktan. Ganun talaga ang buhay. Pero para may proteksyon ka sa pag-ibig, LAGING MAGTIRA SA SARILI. Huwag sobrang bigay na bigay. Mahalin mo rin ang sarili mo. At kung mangyaring pinahihirapan ka nya, take good care of yourself.


Monday, April 27, 2020

Paano malalaman kung ang bf/gf ay takda ng langit?


Your chemistry will tell you. And your shared convictions, beliefs and aspirations. I do not think na “may itinakda” na specific person for each human being. Pero may mga types of persons na PWEDE/ BAGAY/ TUGMA/ TUGMANG-TUGMA.
So, kilalanin at damhin yung candidate. Get counsel from parents, friends and spiritual people. Ipanalangin at makiramdam sa sagot.


Saturday, April 25, 2020

Ano po sa tingin nyo ang pinakamadalas at pinakamahal ang bayad na pagkakamaling nagagawa ng tao laban sa kapwa?


Lack of effort to understand the other person—to see things from the other person’s point of view. We break up, quarrel, fight, lose people, hurt and get hurt NEEDLESSLY simply because we insist on looking at things ONLY OUR WAY. We assign and impose meanings on what people say or do, do not say or do not do without bothering to check if we are right. We take offense when we should not. We become defensive when we should be open. We become offensive when we should have been more caring. All because of our limited, narrow, myopic viewpoints which are usually proven wrong over time. All because of our self-serving attempts at protecting ourselves from non-existent threats. All because we are too engrossed with ourselves. SAYANG ANG MGA RELASYON. Sinisira ng ating mga katangahan.


Thursday, April 23, 2020

Ano po ang magandang gawin pag inis na inis?


              Don’t speak. Baka may masabi kang pagsisisihan mo. Quiet muna.
1.       Lumayo sa kinaiinisang tao o sitwasyon. Change channels.
2.       Don’t make any important or big decision.
3.       Pahupain ang inis. Mag-relax, mag-shower, eat something nice, do something you enjoy. Talk with someone who makes you laugh. And cooperate. Laugh.
4.       Huwag magdamay ng iba, lalo na yung walang kinalaman sa inis mo.
5.       Express your inissa isang sympathetic, understanding, supportive person.
6.       Examine yourself. Bakit ka naman nainis? Justified ban a nainis ka? Could you be partly responsible kung bakit nangyari ang kinainisan mo? If so, correct yourself. Or the situation.
7.       Try to isolate people from their actions or events na nakaiinis. Like, mainis ka sa nangyari pero hindi sa tao—kung pwede mong madala ang utak mo sa ganung maturity.
8.       Avoid maulit ang nakaiinis na bagay o pangyayari. Change the situation. If you can’t, change your attitude.
9.       Pray. Seek God’s peace—and patience. Thank God na ikaw ang nainis at hindi ikaw ang kinainisan.
 And remember your name. Hindi naman INEZ, di ba?


Wednesday, April 22, 2020

Bakit po yung pastor naming galit na galit sa internet at Facebook? Parang ang laking sin na mag-internet? Binabawalan po kami.


Ewan ko sa kanya. Siguro dahil marami naman talagang bad stuff sa internet at Facebook. Pero tulad ng totoong buhay, marami ring good. Nasa tao na kung alin ang pipiliin.


Monday, April 20, 2020

Parang ayaw ko pong umattend ng high school class reunion naming kasi sobrang malayo nap o ang narrating ng iba naming classmates habang ako ay wala namang masyadong na-accomplish. What can you say?


Reunion yun, hindi contest kaya dumalo ka. Masaya. You cannot make old friends. Sayang pag lumayo ka pa sa old friends mo. Just remain true to yourself. Huwag kang makipagpaligsahan pero huwag ka rin magpaawa o magpaaba. Many of them would be happy to see you. At malay mo, baka through them ay ma-bless ka! But no matter, be a blessing to them!

Friday, April 17, 2020

Sino po kaya ang pinakamalaking hadlang sa paglago at pagpapalaganap ng Christianity?


“Christians” who have very little of Jesus and have much of:
1.       the Pharisees
2.       sectarianism and congregationalism
3.       religious traditions not directly based on Jesus and His teachings but on the teachings of men who came after Jesus.
4.       self-righteous
5.       religious politics
.


Thursday, April 16, 2020

Paano po ba malalaman na yung taong gusto mo eh gusto ka rin?


Mararamdaman mo yun, hindi pwedeng hindi. Observe body language: palapit nang palapit sa iyo. O kaya, the other extreme: palayo nang palayo. At pag kausap ka, halos mamilipit na parang bulateng kinakagat ng langgam.


Ano po ba ang signs of emotional maturity?


Mature people:
              1.Hindi magagalitin
              2. Mas tolerant of others.
              3. Relaxed
              4.Choose their battles. Kaunti na lang giyera ang sinasalihan.
              5. More appreciative of others and things
              6. Quiet, hindi loud
              7. Accomodating
              8. Nurturing
              9. Diplomatic
              10. Spiritual


Tuesday, April 14, 2020

Bakit po may mga theologians, congregations and Bible schoold/seminaries na nagsasabing “Si ganyan, mali. Si ganun, tama. Ang ganitong theology ay faulty, ang ganun ay dangerous, etc.?


They express their OPINION but lack “to-me-ness” labeling. Yung sabihin dapat na “TO ME” or “TO US, such and such is right, so and so is wrong.” In matters of interpretation and application, wala namang single authority.
Mayroon lang maiingay at mahilig mag-impose ng opinion at “scholarship” nila on others. Yung may mga malalaking schools, churches, media at sikat, madalas mapagkamalang “THE” authority. At madalas din maniwala na authority nga sila kaya ganun na rin ang arte. Parang sila lang ang marunong.


Thursday, April 9, 2020

Paano po pag lagi kang inaaway o inaapi, dapat po bang lumaban?


Pag-aralan mo kung bakit ka inaapi. Usually, ang sobrang pagiging “mabait” ay para na ring imbitasyon sa iba na apihin ka. Weakness or meekness is sometimes taken by aggressive people as an invitation for conquest.


Tuesday, April 7, 2020

Usong-uso na naman po ang usapan tungkol sa end of the world. What’s your take on it?


End of the world or not, let us just live as God wants us to:
1.       Minimize sorrow and pain.
2.       Maximize happiness and pleasure.
3.       Do the most good. (You can find these in Ecclesiastes.)
Hindi naman natin mapipigil o mapapadali yan. We cannot stop, delay or advance it, so I would not be too conscious of it.
Kung dumating, dumating. Kung hindi, hindi. Too much interest in it only scares people. And it may also take our focus away from more practical, fruitful work. After, sabi sa Bible, no one knows the time of the end. So why bother to compute and “know” what the Book says is unknowable anyway?



Monday, April 6, 2020

Bakit nga po ba may mga mahilig mag-comment tungkol sa physical condition ng kapwa: kung payat, mataba, maitim, maputi, etc?


Choose the correct answer:
1.       Pa-close kunwari sa iyo. Pinalalabas na nababantayan nya ang nangyayari sa iyong katawan kaya quick ro remark pag parang may nagbago. Ang tunay nyang message: “See, I know. Because I watch over you. I care.” Of course, hindi yun totoo. Kasi kung caring siya, hindi siya kikibo especially sa harap ng iba.
2.       Nagpapa-impress siya na all-knowing siya. Nagpaparamdam siya na alam nyang nag-beach o nag-bleach ka, na alam nyang nagpa-rebond ka, na alam nyang nagpa-abort ka kaya ka nangangayayat o alam nyang nagpa-lipo ka.
3.       Wala lang siyang masabi kasi wala naman siyang ibang alam.
4.       Well-meaning naman kaya lang hindi niya alam na nakakainis ang ginagawa niya.
5.       He/She is a commentator from hell.


Wednesday, April 1, 2020

Ano pong dapat gawin kung ang mga churchmates nyo po ang puro feeling righteous na parang ikaw lang ng nagkakasala at sila ay hindi na?


Layuan mo. Pag talagang nag-fall ka, hindi ka tutulungan ng mga yan. Pagpipiyestahan ka nila,  i-e-expose, ipapa-discipline, ititiwalag. Sayang ang oras mo sa pakikisama sa kanila. And don’t be affected by their opinion of you. Some people never feel holy until they make others seem sinful.


Tuesday, March 31, 2020

Kasalanan po ba ang sumunod sa mga pamahiin kung nag-iisa kang mananampalataya sa pamilya?


May “pamahiin” na praktikal, mayroong harmless, may cute at may unprofitable. Kung ang pagsunod sa pamahiin ay hindi naman lumalabag sa batas ng tao at sa utos ng Diyos, wala naman akong nakikitang, “kasalanan” doon. Siyempre, yung ibang conservative religious people might think that by observing such pamahiin, you display lack of trust in God. Interpretation nila yun. Hindi ganun ang pananaw ko. Maraming tinatawag na “pamahiin” ang sa totoo lang ay nag-uugat sa kagandahang loob at kagandahang asal. (Mahabang paliwanagan)


Monday, March 30, 2020

Bakit may mga taong pag tinuturuan mo at itinutuwid ay nagagalit?


Marami kasing tao ang gusto ay yung INUUTO sila. They reward those who flatter and make them uto and punish those who tell them the truth.


Sunday, March 29, 2020

Ano para sa inyo ang positive at negative side ng isang mega-church versus community church o small church?


Advantage ng mega-church: size. It can do many things because there are many people.
Disadvantage: size. Mahirap magkaroon ng maraming close relationships kasi ang daming tao, unless gawan talaga ng paraan. Hindi naman natin napipili kung magiging mega o small church tayo; assignment yan ni Lord.


Saturday, March 28, 2020

Kung may mababago kayo sa church, ano yun?


Marami-rami yan ha!
Isa, lumalawak ang isip at pang-unawa. Huwag sobrang kitid. Para kasing may kalsada na may white line sa gitna. Maraming Christians, doon lang lumalakad sa narrow white line kasi dini-demonize nila yung malapad na daan na actually ay pwede namang lakaran kung malawak lang sana ang pang-unawa.
Kung makakilos sila, parang si satan ang creator and owner of the world kaya ang konti-konti ng natira para sa mga anak ng Diyos. Very defeatist. Very narrow. Very limiting.
Psalm 24:1 The earth is the Lord’s and everything in it…
Believers must repossess and enjoy creation.


Thursday, March 26, 2020

Pare-pareho lang naman pong Bible-based ang mga churches. So ano pong katangian o patakaran ng isang fellowship ang hahanapin nyo kung kayo ang sasali?


1.       Walang maraming bawal. Hindi yung kaliit-liitang bagay ay minamalaki.
2.       Hindi puro fear at paranoia ang itinuturo. Hindi naghahanap ng demonyo sa tasa ng sopas.
3.      Hindi palapintas ng ibang groups.
4.       Hindi napipilitan ang members na magpanggap, magbalatkayo at magkunwaring banal na banal kasi paparusahan o sisipain ang hindi banal.
5.       Hindi parang pulis na laging nagmamanman at nakabantay sa bawat kilos at galaw ng members.
6.       Malawak ang karanasan, malaki ang utak at mayaman ang edukasyon ng pamunuan.
7.       Hindi nangongopya ng kultura ng Israel o ng anupamang bayan kung hindi ipinamumuhay ang pananampalataya sa konteksto ng sariling kultura.
8.       Mapagkalinga sa lahat at hindi naka-focus sa isa lamang uri ng tao o isa lang antas ng pamumuhay/kabuhayan. In other words, a church of mixed social, educational and economic backgrounds kasi realistic ang ganung social climate. Hindi yung church na pangmayaman o pangmahirap o pangganito at ganyan lamang.
9.       Yung pwede akong maglingkod at napaglilingkuran din ako. Walang lugi.
1.   Yung magaan ang feeling. Masaya. Relaxed. Enjoy.



Wednesday, March 25, 2020

When is the right time to enter a relationship with the opposite gender?


Para hindi sobrang serious na relationship (Yung hindi pa naman gustong mag-asawa/pakasal na)
1.       When you’re not too young anymore: above 16? Better if above 18?
2.       When you are mature enough to love your partner and not just seek love from her?
Mature enough to give and not just want to receive?
Para sa super serious relationship na kasalan na ang next, maganda ang:
       1.older than 25
       2. mayroong financial means to support yourselves
       3. nagawa na ang major dreams na kailangang gastusan like pag-aaral, travel, etc.
       4. nakatulong na kahit paano sa mga magulang (bago magkaroon ng iba/bagong priority)
       5. handa nang “pakulong” sa buhay-may asawa.


Tuesday, March 24, 2020

Bakit may mga pastors na sobrang conservative at mayroon namang progressive kung iisa naman ang Bible?


Hindi naman yung Bible ang nagpapa-conservative kung hindi yung likas na ugali, education, training, background, psychological profile nung pastor o yung utos ng bishop/congregation.


Ano ang effective way para patahimikin ang nagger at bungangerang mother?


 Give her what she wants: attention or obedience This also applies to nagging wives. Kaya lang naman nagna-nag kasi hindi pinapansin o sinusunod.


Monday, March 23, 2020

Bakit kaya may taong laging swerte?


Hindi swerte ang tawag sun. Blessed siya kasi blessed ang pamamaraan nya sa buhay. Kasi yung swerte, tsamba-tsamba. Eh yung laging maganda ang nangyayari, hindi na tsamba yun. Tamang pamumuhay, pag-iisip at paggawa ang pinagmumulan nun.


Friday, March 20, 2020

Ano naman po ang top 5 accomplishments in life?


1    1.      To know your gifts and develop them to the max/point of usefulness.
2    2.       To give your best to life and to receive your best share in life.
3    3.       To love and be loved.
4    4.       To cause/give happiness and to be happy yourself.
5    5.       To enjoy God’s creation to the most and help preserve/restore it.


Tuesday, March 17, 2020

Tama ba o hindi ang pagkain ng karne tuwing Huwebes at Biyernes Santo?


Ang sabi ni Lord, it’s not important what gets into the mouth but what gets out of it. So hindi nakukuha sa mga schedule ang masama at mabuti. Lalo namang hindi nakukuha yan sa dieta. Nasa puso natin yan.


Monday, March 16, 2020

Ano ang effective na sandata ng wife laban sa husband na nambababae?


Pera. Dapat may pera ang wife. May sariling income. Para kaya nyang layasan ang husband pag gusto nya. Mahirap yung gusto mong lumayas pero hindi mo magawa kasi ni wala kang pamasahe.


May mga tao bang nakatadhanang hindi mag-asawa at maglingkod na lang sa Panginoon bilang missionary?


Marital status is a choice of the individual or an imposition of human circumstances. I don’t think God assigns who gets married and who doesn’t. Kung minsan, nagiging excuse o escape ang ganyang idea ng mga taong gustuhin man ay hindi naman talaga magkaroon ng partner o kaya pa-consuelo sa sarili. Lalo na sa mga taong gusto talagang magkaroon ng asawa. Hindi ako naniniwalang pagkakaitan sila ng Diyos dahil lang tinatawag sila sa ministry. Mas marami ngang advantage kung may partner ang missionary.


Ano talaga ang meaning ng “CULT”? Bakit paboritong itawag ito ng mga religious groups sa ibang hindi nila kapanalig?


Yan ang tawag ng marami sa anumang religious belief or teaching na hindi nila naiintindihan, o ayaw nilang intindihin o sa tingin nila ay mali. (Siyempre, “mali” means iba sa paniwala nila kasi, natural, sila ang tama sa tingin nila.)
The word cult is derived from the Latin word “cultus” meaning worship. It was originally used to call a group of persons that worshiped a deity. Technically, all religious groups could be called cults. Even Christianity at first when it was an unknown and unpopular religion was called a cult.
In the last several hundred years when the world was dominated by a big and powerful religion, the word “cult: has been used by this dominant religion to describe, berate, belittle, insult, stigmatize and even demonize religious groups that did not belong to/with them. In this way, many Bible-based groups were first called cults, especially when they were still small and powerless. The word was, of couse, used by big religion to scare their members and prevent them from joining the other groups which, naturally, were threats to their dominance.
Most of the time, the term is used in a self-righteous, self-promoting, disrespectful and even cruel way. The word is is usually used to judge, label, insult, mock or destroy the reputation of others, especially the religious competition, the non-conformist, the different or the new which is not yet understood. Many people who use this word are usually not qualified or educated or trained enough to pass expert and informed opinion. Most observers notice that those who are quick to use this word are usually opinionated, bigoted, biased, unloving, cruel or grossly uninformed or misinformed. Or they are very zealous for their beliefs that they are quick to demonize any idea that they do not believe in.


Friday, March 13, 2020

Mayroon ba talagang mga tao na mabigat kasama sa buhay?


Parang ganun nga nga. Madalas hindi lang siya ang factor; yun ding kasama.

Hindi sila compatible.

Dapat suriin din ang sarili kung may kontribusyon rin sa pagbigat ng samahan.


Tuesday, March 10, 2020

Ano ang best na sabihin pag galit na galit ako sa isang tao?


Wala. Be quiet.  

Baka pagsisihan mo ang sasabihin mo habang galit.


Ano ang posibleng naging buhay ni Jesus dun sa missing years nya from 12 to 30 years sa story ng Bible?


Maraming haka-haka. But since there is no record in the Bible, there could be no biblical basis to answer that. The only basis one could have are:
1.      Extrabiblical sources/other literary traditions (which are difficult to verify)
2.       Educated guess, which at best is just that: a guess.
3.       Faith that because it was not recorded, then the Bible writers did not think it necessary to write about.

He should have lived a normal person’s life which details did not have to be focused on, like life details in the movies where the script features only the highlights or definitive events.


Monday, March 9, 2020

Conservative ba si Jesus noong panahon Nya?


Never! Yung mga Pharisee, Sadducees, priests, teachers of the Law—yung mga kalaban Nya—ang conservative. If Jesus were with us today, He won’t be among the conservatives. He won’t be wearing conservative attire. Like He did then, He would be with the social and moral outcasts because He is a “friend of sinners.”


Bakit kaya may taong laging swerte?


Hindi swerte ang tawag dun. Blessed siya kasi blessed ang pamamaraan nya sa buhay. Kasi yung swerte, tsamba-tsamba. Eh yung laging maganda ang nangyayari, hindi na tsamba yun. Tamang pamumuhay, pag-iisip at paggawa ang pinagmumulan nun.


Okay lang ba na ang isang Kristiyano ay humingi ng tulong pinansyal sa PCSO, eh di ba galing yun sa lotto at sweepstakes na kung saan hindi kinalulugdan ng Panginoon?


Lahat ng mabuting bagay ay galing sa Diyos.
Kung saan-saan lang dumadaan.

Google ads:

Sunday, March 8, 2020

Okay lang ba na hatiin ang tithes? 50% sa church at 50% sa ibang Christian organizations, meaning outside ng church ko?


Nasa conviction mo yan, especially kung very worthy yung organizations and the church does not do what the organizations do.
 But why not just give special love gifts to organizations? That way, hindi magagalit ang maraming leaders na strict sa tithing.

Google ads:

Saturday, March 7, 2020

1. Ano ang magandang sagot sa “Bakit ako maniniwala sa Bibliya eh gawa lang naman din ng tao yan? 2. How do I know what is the right church for me? Is it wrong to choose a church of my preference?


Answer:
  1.    Hindi naman ine-explain ang paniniwala. Faith yun: personal decision.
  2.     Dapat pumili ng church. Yung both ways may growth: maggo-grow ka at makaka-contribute ka sa growth nung church.