Thursday, December 20, 2018

WORRYING CANNOT MAKE ONE LOOK BEAUTIFUL


      Jesus said not to worry about these things. Worrying cannot make one look beautiful. Sa katunayan, nagpapangit pa nga ang pag-aalala. Nakikita nyo ang mga lalaki na magandang mag-alaga ng kanilang may-bahay? Aba, magaganda ang kanilang maybahay – parang mga sariwang-sariwang ubas. Pero pagka ang maybahay ay mukhang pasas, ang sisihin nyo’y ang asawa. Di nyo yata inaalagaan ang puri, di nyo yata inaalagaan na magtiwala siya at huwag mag-alala kung wala ka. Kaya hayan, nagkanda tuyot-tuyot na. Pero pag inaalagaan ang tao’y gumaganda. Ang napakalakas magpapangit ay ang pag-aalala. Kaya nga sabi ng Panginoon, huwag kayong mag-alala. Kung minsan may mga tao na kahit di naman natin kilala ay sinasabi ng iba na, “Siguro’y sister or brother natin yan. Mukhang Christian kasi eh.”
       Matthew 6:31-32
         So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ For the pagan run after all these things and your heavenly Father knows that you need them.
   
      Sabi Niya, “Huwag kayong mag-alala sa mga bagay na yan dahil worrying is for godless people.” Ang pag-aalala ay di bagay sa mga anak ng Diyos. Bagay lang yan sa mga taong di kilala ang kanilang Diyos.
     Sabi Niya, “Kung anak kayo ng Diyos, di bagay sa inyo ang mag-alala.” Parang wala naman tayong Diyos. Parang wala tayong Ama sa langit. Parang wala tayong Tagapagligtas. Parang walang Banal na Espiritu na umaaliw sa ating lumbay at sumasama sa ating pag-iisa. Ang anak ng Diyos ay talagang di nag-iisa kailanman sapagkat ang Diyos ay nananahan na sa ating puso. Hindi lang sa temple sa Israel o sa mga templong gawa ng kamay kundi sa puso ng mananampalataya. Kaya’t sabi Niya, “Bakit ka mag-aalala?
 
       Alam nyo ba ang pinakamalaking redemption at rescue plan in human history ? That God became man to save us from sin. Tayo ba ang nagsabi sa Diyos, “Diyos, magkatawang tao naman Kayo. Akuin Nyo ang lahat ng aming mga kasalanan. Akuin Nyo ang lahat ng aking kakulangan. Lahat ng kaparusahang dapat kong tanggapin, pakitanggap Nyo nga. Pagkatapos, pakibigay Nyo sa akin ang Inyong kabanalan  para kami ang maging banal at Kayo ang maparusahan at kami’y maligtas. Bayaran Nyo nga ang lahat ng utang namin.”
      
      Ideya ba natin yan? Hindi. Yan ay ideya ng Diyos at kung Diyos ang nag-isip na Siya’y magkakatawang-tao para bayaran ang ating mga kasalanan, kailangan pa ba natin Siyang himukin na maging mabuti sa atin? Kailangan pa ba natin Siyang himukin na magbigay ng pagkain at ng mga kailangan natin? Kung ang Kanyang buhay ay ibinigay Niya sa atin, napakasimpleng bagay ang mga ito. Di na natin hinahangad na magkaroon pa tayo ng very sophisticated na pag-aaral. Balikan lang natin kung ano ang simple, unawain ito, namnamin at ipamuhay at napakalaking bigat ang mawawala sa ating mga dala-dalang alalahanin sa araw-araw.

Tuesday, December 4, 2018

Know Your Mission In Life


It is very interesting to note what the Lord, talking to the Father, said.

John 17:4 I have brought you glory on earth by completing the work you gave me to do.
     
 What did the Lord have to show in order to be able to say he has completed his tasks? May labindalawa siyang disciples, nagtaksil pa yung isa. A group of 70 secondary people was his next sphere of influence. The greatest number that remained with the Lord was 120. Noong ipinako siya sa krus, wala ngang taong kasama sa eksena ng crucifixion e. In-abandon siya ng mga tao. Bakit niya nasabing nakumpleto na raw nya ang trabaho nya?. Napagaling na ba nya lahat ang maysakit? Ang dami pang may ketong. Ang dami pang pilay. Gaano na karami ang nag-repent? Yung woman that was caught in adultery? Yung lalaking possessed by legions of demons? Ang dami pang hindi. Ang mga opisyal ba sa temple, nag-repent na? Ang bayan ba ng Israel ay nagbalik-loob na sa Diyos? Eh ang Jerusalem nga, hindi pa nagre-repent.
        Pero ang sabi ng Lord, “I have completed the work that you gave me to do.” Bakit? Because the Lord knew his calling. Ang calling ng Lord was not to personally convert every human being on the planet. Ang calling ng Lord was to heal every leper or deaf or sick person. Ang calling nya was to train and to teach 12 disciples, to live a sinless life and to die a sacrificial death for men. Alam nya ang calling nya. Kaya nang nagampanan na nya ito at nang mamamatay na Siya sa krus, ang sabi Niya, “It is finished.” Tapos na. You know why He can say with satisfaction that His job was completed? He knew what His job was!
         Tayo naman, baka nagawa na natin yung assigned work sa atin ay di pa rin tayo kontento. Bakit? Eh kasi hindi natin alam kung ano yung work natin eh. Kaya puro tayo hit-and-miss. Yung iba para makasigurado, dinadaan na lang sa dami. Baka sakaling maraming matumbok. Pwede na.
          Are we trying to be everybody and everything? If that is the case, we will only overspeed and we will miserably fail. Do not be presumptuous of God’s protection. The Lord is the author of natural law which we must respect. Natural law tells us that if we don’t eat, magugutom tayo. Na kapag nagpupuyat ka, aantukin ka. Na kapag hindi ka nagpapahinga, manghihina ka. Kahit pa ang ginagawa mo ay para sa ministry. Yung iba kasi, “Sa ministry naman ito, hindi na lang ako matutulog.” Eh ang Panginoon nga, dahil sa pagod sa ministry kahit na lulubog na yung barkong sinasakyan nila, hindi pa rin nagising eh. Sa sobrang pagod, nakatulog. Let’s not be presumptuous. The Lord can take care of us but it is not the Lord’s obligation to rescue us if we run outside the law of nature. Remember, God is the author of nature and so, natural law must be respected.
          Overspeeding robs us of a lot of happiness because we leave many loved ones behind. It causes us unhappiness because we miss the chance to love and be loved, to be kind and to receive kindness, to appreciate the beauty of creation. Lagi kasi tayong nagmamadali kaya hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataon to appreciate the sunrise or sunset, the blooming of a flower, yung hamog sa damuhan, yung tunog ng alon na humahampas sa breakwater.
          Do not overspeed. Maraming mga magulang ang sobra kung mag-overspeed. Gustong yumaman kaagad. Wala nang ginawa kung hindi magtrabaho nang magtrabaho nang magtrabaho. Before they knew it, ang mga anak nila ay mga 15 o 16 anyos na. Kung kalian sila mayroon nang panahon para makipag-bonding sa mga anak nila, hindi na interesado ang mga anak dahil lumipas na ang panahon. May mga iba nang pinagkakaabalahan ang mga bata. Kaya nga dapat i-enjoy ng mga magulang ang childhood ng kanilang mga anak dahil ang mga bata ay hindi magiging bata forever. If you turn your back on them by overspeeding in trying to make a living, when you return, chances are you will have juvenile delinquents in your house. Ilang lipat panahon lang, mag-aasawa na ang mga iyan. Sasama na sa iba. Ang you will never be the same again. Then you will forever pine for lost time.

Friday, November 30, 2018

Do Not Envy the Successful


Do not envy those who are successful. Kung sa palagay nyo may taong mas matagumpay kaysa sa inyo, tandaan ninyo ito: pana-panahon lang yan. Mas matagumpay siya ngayon but you don’t know about tomorrow. Kaya huwag ninyong palaging ikinukumpara ang inyong sarili sa iba. Compare yourself with yourself. Dapat umasenso ka hindi dahil mas gusto mong higitan ang iyong kapatid o pinsan o kapitbahay. Dapat na umasenso ka kaysa sa sarili mo five o ten years ago because you have only yourself to compare yourself with. Natututo tayo sa ating mga pagkakamali. That we are able to pick up the pieces when we get broken every now and then. That we become better person than we previously were. Napakahalaga niyan. We must not envy those who are successful; we must use our envy to position ourselves correctly to receive God’s favor. We must be thankful and grateful not only for our success but also for the success of others.
Do not be judgmental towards “successful” people who by your standards are not godly enough. Kung minsan sinasabi natin, “Eh bakit yan hindi naman godly, naging successful.” Anong malay natin kung ano ang laman ng puso ng isang tao? Anong malay natin kung anong namamagitan sa kanya at sa Diyos? We cannot be judges. Ang Panginoon ang siyang Hukom at gagawin Niya ang paghuhukom sa Kanyang pagbabalik. Huwag natin Siyang unahan. Walang nakakaligtas sa Kanya dahil nakikita ng Diyos ang lahat. Let us not judge other people. Sa palagay nyo ba merong isang taong hindi nakikita ng Diyos at hindi Niya alam kung anong nangyayari sa buhay niya. At kung may pinayagan ang Diyos na mangyari sa kanyang buhay na sa tingin natin ay parang hindi Niya karapat-dapat tanggapin, may karapatan ba tayong manghusga? Let us not be judges. Let God be the judge. For with the judgment we pronounce, we will also be judged. The measure we give is the measure we get.
     
 Huwag tayong maiinggit kahit kaninong taong nagmukhang matagumpay sa masamang paraan. Alam natin na may paghahatol ng Diyos diyan. At kahit yung mga taong parang ang yaman-yaman, makapangyarihan at maraming na-e-enjoy sa buhay kahit mali-mali ang pamumuhay nila, anong malay natin sa mga pagdurusa na nagaganap sa kanyang kalooban na hindi kita ng ibang tao? Anong malay natin sa mga kabigatan na kanyang dala-dala maging siya’y nakaupo sa magagandang upuan at nakahiga sa magagandang higaan? Anong malay natin kung nakakatulog siya o hindi? Ang dapat na binabantayan natin ay ang ating sarili, sapagkat nakikita ng ating Panginoon ang lahat.

Tuesday, November 20, 2018

Think Big


Think big para magkaroon ng peace. Isipin nyo kung ano yung pinakamalaki at pinakamaganda.
      1 Corinthians 2:9
     “ No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love Him.

       Wala pa daw matang nakakita, tengang nakarinig at isip na naka-imagine sa kung ano ang inihanda ng Diyos para sa mga anak Niya. Kaya’t kung anuman ang dinaraanan nating mga problema ngayon o hirap taliwas sa mga kagustuhan natin sa buhay, lampasan nyo ng tingin ang mga ito. Ang tingnan ay ang malaking bagay, ang eternity, ang kalangitan, ang inihanda ng Diyos para sa atin. Hindi ito para lang utuin at aliwin ang ating sarili at malampasan natin ang hirap. Totoo ito.
         Halimbawa, marami akong kakilala na nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Kalaki-laking mga tao, pero nagtitipid at nagtitiis sa sardinas. Pang-almusal ang kalahati at pang-tanghalian ang natitira. Kumikita naman sila ng malaki-laki. “Bakit mo natitiis ang hirap na yan?” “Kasi nagpapagawa kami ng bahay sa Camella.”
         Aba! May tinitingnan siyang malaking bagay, lumiliit tuloy ang pagtitiis nya, di ba? O bakit naman ang nanay na ito’y nagkakandahirap-hirap sa paglalaba? “Kasi malapit nang mag-graduate ang anak ko.” May tinitingnan siyang malaking bagay kaya lumiliit ang kanyang hirap.
        Pag wala tayong tinitingnan na malaking bagay, ang maliit ay lumalaki. Kaya’t ang mga mag-asawa na nagkakagalit sa mga maliliit na bagay, wala na siguro ang malaking bagay called love. Kasi pag may love na malaki, ang maliit ay napapalampas. Ngayon, oras na ang maliit na bagay ay hindi na pinapalampas, wala na ang malaki. In the absence of big things, small things become big to small minds.
        Sa size ng utak natin malalaman kung ano ang size ng bagay na pinapahalagahan natin. Heto ang dami-daming tao, hindi ka nabati kaagad, galit ka na. Ang liit-liit na bagay ay ikinagalit mo. Ang liit naman ng utak mo. May mag-asawa na nagkakagalit sa pansit—ang gusto ng isa ay bihon, ang isa naman ay canton. Ang liit, kasi wala na siguro ang malaking tinitingnan. Kawawa naman ang mga taong ganito. Wala na bang malaki silang pinapangarap, minimithi at inaasahan? Ang liit-liit na bagay tuloy ay pinagkakagalitan na.
          Madaling malaman kung lumiliit an gating utak – kapag ang maliit na bagay ay pinapalaki natin. The size of a person’s heart or brain could be measured by the size of the things that make him or her angry. Ang liit-liit na bagay, galit ka na? Kung nare-realize natin ito sa ating sarili, humihingi tayo ng tulong sa Panginoon. “Lord, ipakita Nyo sa akin ang malaking bagay.”
          We need to think big. May malaking bagay na naghihintay sa atin anuman ang hirap ngayon. Wala namang naghirap ng dalawang libong taon. Gaano na ba katagal ang paghihirap nyo? Sandali lang yan. Difficulties are only tiny dots in an otherwise long line of eternity with God. Pwedeng pagtiisan. At pwede kang ngumiti kahit mahirap kasi at least alam mo na hindi ito pang habang panahon.

Thursday, November 15, 2018

Focus On What Is Positive and Desirable


Talaga namang may suffering e. But do not focus on the undesirable and negative prospect only pagka ang kalagayan mo ay negative. Pag masyado namang positive yung kalagayan mo, isipin mo rin yung negative para hindi ka yumabang at maging palalo at sobrang self-reliant and insensitive to the needs of others.
Philippians 4:8 Whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.
Kaya kung minsan nakaka-depress manood ng balita o magbasa ng diyaryo because in journalism, bad news is good news. May nabalitaan na ba kayo na mag-asawang hindi naghiwalay? Walang ganung news. Di ba news ang mag-asawang naghiwalay? Bad news sells. Kaya pag lagi mong focus yang ganyang mga bagay, lulungkot ka lang. Dapat pag may nakikita kang negative, maghanap ka agad ng matitingnan mong positive sa buhay. At hindi yun panlibang, hindi yun panlasing kung hindi, yun ang totoo. Napipili lang kasi natin kung ano ang tinitingnan natin. At pag nalulungkot tayo, madalas tumititig tayo sa mga nakakalungkot na bagay. Pinili natin yun tingnan. So magkaroon man ng suffering and difficulty. Look forward to deliverance, to redemption, to victory and harvest dahil yun naman talaga ang dulo noon. Halimbawa, yung asawa magsa-Saudi. “Naku, lima, sampung taon kang mawawala.” Pero ang tinitingnan nila yung maitatayo nilang bungalow, yung mapapaaral nilang mga anak kaya nalalampasan nila yung hirap. Kasi yung mata nila lumalampas sa hirap, nakakapunta doon sa ginhawa na kanilang minimithi sa buhay.
Psalm 126:5 Those who sow in tears will reap with songs of joy.
Nagtatanim ka, halos mapaiyak ka sa pagod. Di ba ang magtanim ay di biro? Pero ba’t ka ba nagtatanim? Di ba para umani? Kaya habang nagtatanim ka, para hindi ka mapaiyak, ang isipin mo, “Aani ako kasi nagtatanim ako e.” At sinasabi yan sa Bibliya: Whatever a man sows, he shall reap. Nagtitiis ka na hindi ka pumupunta sa mga gimik kasi estudyante ka. Aral ka nang aral kasi you look forward to graduation. You look forward to becoming a professional and to improving your lot in life. Yan ang paraan para ka mag-survive. Nag-aaway kayong mag-asawa ngayon, di mo gusto yung ideya ng mga nangyayari sa mga detalye ninyo but you look forward to the time na tatanda rin kayo, kayo yung magsasama. So malalampasan mo yung hirap kasi mayroon kang inaasahang ibang bagay. Magkakasakit ka, aalagaan ka nyan, ibuburol ka, iiyakan ka rin nyan so mapagtitiyagaan mo siya ngayon. Kung mahirap man siyang kasama ngayon, iniisip mo, “Hindi naman laging ganito ito e. Part lang ito ng aming growth but this will not forever.” You know why and why not? Because nothing is forever.
This too will pass. Lahat lumilipas. Kaya yung hirap, lumilipas. Yung saya din, lumilipas. Kaya pag ikaw ay nasa hirap, sasaya ka dahil lilipas din yun. Kung nasa saya ka, nagiging balanced ka dahil alam mong lilipas din yun. Napapahalagahan mo rin yung ibang mga bagay na nililimot ng iba pag sobrang masaya sila. At kung mayroon talagang dapat na gawing mahirap, don’t fast forward the difficulty. Cross the unpleasant bridge when you get there. Yun namang mga iba ang layo pa ng tulay iniisip na nila ngayon kung papaano tatawirin. Ang layo pa e, pag nandoon ka na sa tabi nung tulay at saka mo na isiping tawirin yan. Yung iba puro hirap ang iniisip. Pagka ganun, mahihirapan tayo. Hold on to dear life. Never give up. Pagka ang tao sa kalooban nya gusto pa rin nyang ilaban ito at mabuhay mangyayari yun. Kasi hindi mo kayang pigilin ang kamay ng orasan. Matatapos ang gabi. Pagsasawaan ka rin ng problema mo. Lalayasan ka rin nyan. Basta ang mahalaga pag alis nya, buhay ka pa.

Saturday, November 10, 2018

Trust, Don’t Worry


Huwag tayong sobrang mag-alala. Nade-depress tayo dahil sino-solve natin yung problema na hindi pa dumarating. Pagka nagkasakit ang nanay ko, paano ko siya ipapagamot? Saan ako kukuha ng gagastahin ko?
          Matthew 6:34 Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own.”
Huwag mo nang alalahanin yung bukas. Yung bukas nandoon  din ang Diyos at yung pangangailangan ng bukas may para bukas. Yung supply mo ngayon pang-ngayon lang. Pag pinaghati mo yang pang-ngayon at bukas, kapos ka ngayon at kapos ka uli bukas, kaya nga sabi, “Give us this day our daily bread.” Huwag mong alalahanin yung malayo dahil nandoon din ang Diyos. Pagdating noon at saka mo harapin. In other words, cross the bridge when you get there. So you won’t have to be depressed.
           Proverbs 30:8,9…give me neither poverty nor riches, but give me only my daily bread. Otherwise, I may have too much and disown you and say, ‘Who is the Lord?’ Or I may become poor and steal and so dishonor the name of my God.
Sabi nitong karunungan na ito, “Huwag nyo na po akong bigyan ng sobrang kayamanan pero huwag nyo na po akong sobrang pahirapin. Yun lang pong tama. Kasi pag sobra-sobra baka naman ako yumabang at hindi na ako magdasal, hindi na ako mangailangan. At kung kulang-kulang naman baka naman ako magnakaw. So yun lang pong tama. Tama na yun, yun lang ang kaya kong dalhin.” May mga tao na kayang magdala ng kahirapan pero hindi kayang magdala ng kayamanan. Mayroon namang mga tao na kayang magdala na hindi sila napapansin pero oras na naging sikat doon sila nasisira. Hindi nila kayang dalhin. Kaya nilang dalhin yung mababang posisyon. Bigyan mo ng mataas na posisyon, they destroy themselves and others. Kaya lumagay lang tayo kung saan tayo tama para hindi tayo ma-stress. And take things one at a time. Live one day at a time. Huwag ninyong masyadong guluhin ang inyong isip sa malayo pang mga araw. Live the day, seize the moment, celebrate life. Tomorrow will have its own blessings, tomorrow will have its own graces.
               Lamentations 3:22,23 Because of the Lord’s great love we are not consumed, for his compassions never fail. They are new every morning; great is your faithfulness.
Hindi raw nauubusan ang kabaitan ng Diyos at ang kanyang pagbibigay sa atin, sariwa araw-araw. Sasabihin ninyo, “Ito lang ang problema ko sa araw na ito. A, kaya ko ito. By God’s help, kaya ko ito.” Nahihirapan tayo pag pinagsasabay-sabay natin pati problemang malayo pa. Kaya tayo nahihirapan. Nade-depress tuloy tayo.

Saturday, November 3, 2018

Winners Do Not Talk Too Much


       Winners do not reveal everything to everyone. Hindi yung kahit nasaan sila, daldal dito, daldal doon. Ibinunyag na lahat ang mga lihim. Sinabi na ang mga hindi dapat sabihin kahit sa pananalangin at pangangako sa Diyos.
 
        Ecclesiastes 5:2 Do not be quick with your mouth. Do not be hasty in your heart to utter anything before God. God is in heaven and you are on earth, so let your words be few.

        Hindi dapat na masyadong matabil kahit sa pakikitungo sa Diyos. Iwasang masyadong marami ang sinasabi lalo na sa kapwa tao dahil marami ang napapahamak sa katabilan.

        Proverbs 20:19 A gossip betrays a confidence; so avoid a man who talks too much.

The Bible tells us to avoid a man who talks too much. If you talk too much and the Bible says you must be avoided, how can you be a winner? In order to win, you need a lot of help from people. But people help only those that they like. If you talk too much and you cannot be trusted, who will like you and therefore who will help you? It is important not to talk too much, especially if our talks burden other people. Isa sa mga kinaiinisang tao ay yung reklamador. Lagi silang may hinaing, laging may daing at laging may problema. Ano tuloy ang ginagawa ng mga tao? Iniiwasn silang kausapin. Yung iba pa nga na hindi makaunawa kung bakit sila iniiwasan, sinasabing, “Eh kasi mahirap na ako ngayon eh. Nung araw na may pera ako, gusto nila akong kausap.” Siyempre kahit nakakainis ka, kung may pera ka, napagtitiyagaan ka. Eh kung wala kang kapera-pera at nakakainis ka pa, sino ang magtitiyaga sa iyo?

         Gusto mo bang kausap yung taong tuwing dumarating sa iyo, “Ang traffic! Hindi umaandar ang motor ng tubig namin. May sakit ang aso namin. Ang maid ko tatlong linggo nang hindi pa bumabalik.” Puro problema na lang at puro masasakit sa tenga ang sinasabi. People will avoid you. And when people avoid you, you lose. Pag may nagtanong sa iyo, “Kumusta ka?”at sisimulan mo ngayong ipaliwanag ang pag-opera sa iyong bituka, pagtanggal ng tatlong inches dito at ang tinahi ka nang limang ulit, walang gustong makinig nun. Ang gusto lang kasi nilang marinig ay yung mabuti ka. Subukan mong, “May problema nga ako eh. Financial.” Naku, tatakbo agad yung kumumusta sa iyo! Kaya, do not talk too much especially about tragedy and horrible things.
 
         Pero may mga taong kahit walang kapera-pera, gusto mong lagi siyang kausap kasi nakaka-enrich. Na kapag nakausap mo, nahahawahan ka ng enthusiasm at ng sigla. Gumagaan ang iyong loob, nagkakaroon ka ng pag-asa, tumitibay ang iyong pananalig at nagkakaroon ka ng ngiti sa iyong mga labi. This is the winner.

Sunday, October 28, 2018

Do Not Be A Loser


Do not be a quitter. Walang kwenta yung nahirapan lang nang konti, umaatras agad. Hindi pwedeng napaso ka, bigla mong iluluwa at ayaw mo na. Gaya halimbawa ng pag-aasawa. Pasensya ka, nag-asawa ka eh. Pero panindigan mo yan. Hindi atras ka na lang nang atras. But we must have wisdom from God para malaman kung kailan talaga wise and godly na umatras. Alangan namang mali na nga, tuloy ka pa rin nang tuloy. That is what we need – wisdom from the Holy Spirit – to know when to give up and when to pursue. When to push and when to pull. When to be still and know that our God is God. This is very crucial.
      And one other thing, do not envy those who succeed around you. For all you know, baka kaluluwa nila yung ibinayad nila sa success nila; hindi nakakainggit yun. “Naku, mabuti pa itong classmate ko nung high school, asenso na ngayon samantalang pare-pareho lang kami nun. Kasi naman, gumawa nang masama, naging drug lord at naging corrupt. Yumaman na sila, samantalang tayo ay mahirap pa rin.” Wala kayo sa lugar pag nainggit kayo dun. Hindi nyo kinaiinggitan ang kayamanan na ang ibinayad ay kaluluwa. Hindi nyo kinakainggitan ang tao na biglang sumikat at biglang nagkaroon ng material things dahil gumawa ng mali. Hindi dapat kinakainggitan kahit kalian.
      Ano ba naman yung asenso? People can buy food but they can never buy appetite. You can buy a good bed but you can never buy sleep. At iba yung tulog ng taong ang kanyang ginagawa ay ayon sa kalooban ng Diyos. Yun ang tunay na tagumpay. What the world may call an outright failure may actually be a very righteous person. Baguhin ang isip. Sapagkat ang lahat ay nagmumula at nagtatapos sa isip.
       Kung sino man sa atin ang nagkaroon na ng mga kabiguan noon at hanggang ngayon ay may inaalagaang sama ng loob, galit sa tao, sa mundo o sa Diyos, hindi aksidenteng binabasa ninyo ito ngayon. Kausapin natin ang Diyos. “Panginoon, meron po akong mga dapat patawarin. Meron akong dapat kalimutan na. Meron akong mga sugat na gusto ko sanang gumaling na at huwag na kong maapektuhan pa. Pag naaalala ko ang mga ito, nagagalit ako at nagkakasala ako. Pero ngayon, Panginoon, ipinaliwanag ninyong ito’y talikuran ko na. Kung may mga bahagi ng ating nakaraan ang nais nating isuko na sa Diyos, mga paninisi at mga pagsisisi, ito ang tamang oras sa paanan ng atin Panginoon. Hinihingi niya ang aing mga kabigatan upang mapalitan Niya ng pagpapala. Hindi kayo makakatanggap ng pagpapala sa Diyos kung ang kamay nyo ay nakahawak sa mga pangit na nakaraan. Bitawan natin ang mga ito. Ihingi ng tawad ang ating mga kakulangan ng pagpapatawad sa ating kapwa.
        Kung sino sa inyo ang nais manalangin na magkaroon ng bagong buhay, na limutin na ang mga sakit ng kalooban at ang mga hinanakit, ang mga nagnanais na humingi ng tawad at magpatawad, nakikinig ang Diyos.

Saturday, October 20, 2018

Do Not Love Too Much


      Some people love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?
      But God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na alisin ng Panginoon dyan, huwag nyo silang mahalin nang higit pa sa pagmamahal nyo sa Diyos. Especially kung nobyo at nobya nyo pa lang. Don’t love too much. Hindi pa kayo nakakatiyak kung yan ang magiging asawa nyo, baka naibigay nyo na ang lahat-lahat. Ang nakaraan, ang kahapon, ang bukas at ngayon. Eh kung iniwan-iwan kayo?
 Deuteronomy 6:5 Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength.
        God muna. Kasi pag mahal natin ang Diyos—ang katuwiran, katotohanan at liwanag—napapabuti ang ating buhay. Pati pagmamahal natin sa tao napapalagay sa tama. Pero pag inuna nyo yung tao, kawawa naman kayo kasi lulungkot kayo sigurado. Pag sobra kang nagmamahal sa tao nang higit sa pagmamahal mo sa Diyos, humuhukay ka ng iyong sariling libingan at tumatahi ka ng sarili mong panluksa kasi lulungkot ka sigurado. Pero kung mamahalin mo ang Diyos above all, tapos mamahalin mo yung tao na nasa lugar lang, yun ang tama. People come, people go pero you have that other Number One love na hindi ka iiwan, hindi ka pababayaan at hindi ka pagtataksilan. And that is God.
        “Put a little love away” sabi ng isang kanta. Huwag masyadong ilagay o ibuhos ang iyong loob.
Magtira nang kaunti para sa sarili. Pansinin nyo ang mga Pilipina, napakahirap paibigin pero oras na nahulog na ang loob, alipinin mo, atsayin mo, pagawin mo ng thesis, okay lang. Alilain  mo, love ka pa rin. Nakawin mo yung kita niya at ibigay mo sa querida mo, love ka pa rin. Kaya lagi na lamang iiyak-iyak. Mabuting magtira ng kaunting pag-ibig sa sarili. Kasi kung hindi nyo rin iniibig ang inyong sarili, hindi rin kayo totoong kaibig-ibig. Don’t love people too much. Love them but with a godly limitation. Love God above all at magtitira sa sarili.

Sunday, October 7, 2018

Do Not Be Too Close To People


       Be close enough, but far enough. Alam yan ng Diyos. Kaya nga pati biyenan pinaglalayo nang kaunti.
       Genesis 2:24 “A man will leave his father and mother and be united to his wife…”
In other words, huwag paghalu-haluin yan, huwag pagsama-samahin kasi magulo. Kasi familiarity breeds contempt.
       Yung sobrang closeness sa tao, especially kaibigan nyo, makes you overdependent sa kanila. Hindi na kayo makapag-library nang hindi siya kasama. Hindi na kayo makapag-mall na hindi siya kasama, para na siyang anino ninyo.
       Hindi ganyan ang design ng Diyos para sa atin. Kailangan mayroon tayong distance. Lahat ay nasa tamang timpla. Kailan nyo nalalaman that you’re already too close? Yung hindi na kayo maka-function at hindi na kayo mabuhay nang wala ang kapwa. Dahil nalilimutan nyo na nandyan pa ang Diyos. Papaano kung wala na iyon, miss na miss mo na, hirap na hirap ka na, balisang-balisa ka na, e di hindi ka na free? In other words, you are no longer a planet with your own orbit. You have become a satellite. Kung saan pumunta yung planeta, kasunod ka. Wala kang sariling mundo, wala kang sariling landas. That’s not what God wants people to be. Dapat mayroon kang sariling pagkatao.
        A person who has no self-respect is not an interesting person or is not a respectable person and therefore is not a lovable person. Kaya nakikita nyo yung mga martir habang nagpapakamartir-martir, lalong dinudusta at inaapi. Kasi ina-advertise nila na “Pwede mo akong apihin dahil martir ako. Hindi ako naninindigan and I’ll never walk out of your life kahit mo ako gawing basahan.” Yun ang mga ginagawang basahan.
        Ang tao ay nilikha sa wangis ng Diyos. Dapat lang na maging kagalang-galang. At para ka igalang ng kapwa, igalang mo muna ang iyong sarili. Pahalagahan mo muna ang iyong sarili. Do not be a slave of anyone.
        I am not telling you not to love. But do not love people more than God teaches us. I’m not telling you not to care and not to develop relationships---yes, do those! But do not be dependent on people for your happiness. You can be happy in the company of people but you should also learn to be happy on your own. Natutuwa tayo na may kasama ka sa ibang pagkakataon, pero may mga moments din na we appreciate being alone so we can gather ourselves, we can find and charter our compass and bearings and we can find serenity.
        If I were to choose just one word to describe the message of Christ, it would be freedom. Pinapalaya ang tao.  Pinapalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan, bisyo at pagnanasa.
        One of the greatest gifts of God, next to life, is freedom. Being free is man’s right; it is also man’s duty to himself. Ang tanong: Bilang Kristiyano, maliban sa Diyos, mayroon pa bang ibang bumibihag sa inyo? Who conquers you? Who imprisons you? Who oppresses you? Tayo ba’y tau-tauhan lang ang ibang tao? We should declare freedom. Set yourself free from people. Keep yourself free from people.

Thursday, September 13, 2018

Survive!


         Freedom is the central message of the cross. This freedom is not only from sin but also from meaninglessness, idleness and nothingness. Paano ba na-realize ang tunay na kahulugan ng freedom? We have to be free from those we have depended on. Hindi Malaya yung tao na sobrang dependent na kapag nawala ang isang taong malapit sa atin ay para na tayong mamamatay, na kapag nawala ang isang bagay parang hindi na tayo magus-survive.
         What do you say to yourself when you face grave problems? When people walk away from you? When people take away from you what you value, even their presence? How do you face all these?
          Gloria Gaynor popularized a song in the 70’s entitled “I Will Survive,” Mayroon tayong mensaheng maaaring makuha sa kanta nya.
      At first I was afraid I was petrified
      Kept thinkin’ I could never live without you by my side;
      But then I spent so many nights
      Thinkin’ how you did me wrong

       And I grew strong and I learned how to get along
       And now you’re back from outer space
       I just walked in to find you here with that sad look upon your face
       I should have changed that stupid look
       I should have made you leave your key
       If I’d have known for just one second you’d be back to bother me
       Go on, now go, walk out the door
        Just turn around now
       ‘Cause you’re not welcome anymore
        Weren’t you the one who tried to hurt me with goodbye
        Do you think I’d crumble
        Did you think I’d lay down and die?
       
        Oh no, not I, I will survive
         Oh as long as I know how to love
         I know I’ll stay alive;
         I’ve got all my life to live,
         I’ve got all my love to give and I’ll survive,

         I will survive, hey, hey.

            Yan ang dapat nating sinasabi, di ba? Sa mga taong ayaw tayong mahalin- I will survive! Sa mga taong ayaw maging tapat sa atin at lagi tayong iniiwan-iwanan, I will survive! Kung ayaw ba sa atin, di huwag! Hindi yung “Mamamatay ako pag nawala ka sa aking buhay.” Hindi yung pagka umalis yung mahal nyo para na kayong nawalan ng ulo, puso at buhay. Why? Because God loves us and God is on our side.
        
             Maraming nawawala sa ating buhay. Nawawala ang bahay, trabaho, alahas. Minsan nawawala ang minamahal natin sa buhay. But what do Christians say? Ano’ng sasabihin natin? I WILL SURVIVE! Nilikha ako ng Diyos. I was designed to survive. Hindi yung nawala lang ang minamahal, hindi na ako magus-survive. Nawala lamang ang pangarap ko, hindi na ako magus-survive. That’s not the spirit of a Christian. And if a secular song can say “I will survive!,” how much more can a Christian say it?

Saturday, September 8, 2018

Smile


        Another way to open up to people is to smile. Smile more often. You cannot always be happy but you can be cheerful. Do you know that there is such a thing as a ministry of comfort? We can comfort people just by smiling at them. Kaya lang sometimes we tend to be very selfish. We carry the world on our shoulders. We become obsessed sa nararamdaman nating mood. Nadadamay tuloy ang iba. Nalilimutan natin na may pananagutan din tayo na pasayahin ang ating kapwa. Binibigyan tayo ng Diyos ng mukha para ingiti sa kapwa. Makatutulong tayo para kung may mabigat man siyang nararamdaman o may problema ay maibsan. Maaari tayong magbigay ng comfort without even saying a word. Just smile.
       People who do not want to be disturbed do not smile. They are afraid that it might encourage people to come near them. Kaya inilalagay nila ang sarili sa parang isang fortress na may mga kanyon at matataas na pader. “Huwag kayong lalapit, babarilin ko kayo. Nakasara ang aking bakod, ayaw ko sa inyo. Leave me alone.” The greatest difficulty can come from people but the greatest fun and enjoyment can also come from people. The same heat that melts the wax harderns the clay. The same people who can bother us are also the same people who can help us. The same people that can bring you unhappiness sometimes are the same people that can bring you happiness.
       May kwento ng isang taong magpapakamatay. Tatalon na siya sa kung saan pero ang sabi niya, “May isang tao lang na ngumiti sa akin na makasalubong ko, hindi na ako magpapakamatay.” Buti na lang at may ngumiti kaya hindi natuloy ang kanyang pagpapakamatay. Kung kayo yung ngumiti na iyon, can you imagine what kind of ministration you were able to give that person? Pero kung kayo ang nakasalubong  nung tao at nang makita nyo, inirapan nyo pa, baka napadali ang pagtalon nya at isinama pa kayo. Kaya mahalaga yung ministry of smiling because you advertise your openness.

Thursday, August 30, 2018

WINNERS KNOW THEIR RIGHTFUL PLACE


Isa sa pinakamahalagang qualities ng isang tao ay yng paglagay niya sa lugar. Hindi siya lumalagay sa hindi niya dapat kalagyan at hindi niya inagaw ang lugar ng may lugar. Nang likhain ng Diyos ang sansinuklob, inilagay niya ang lahat ng bagay sa tamang lugar.
        
         Genesis 1:16-17 God made two great lights- the greater light to govern the day and the lesser light to govern the night. He also made the stars. God set them in the expanse of the sky to give light on the earth.
       
         In fact, the Lord set not only the stars in their places, but he set all things in their right places. Creation is a clear display of order. Ang tubig, dagat at bundok ay may mga hangganan. Even the creation of a nation has a clear set of boundary and positioning.
        
        Proverbs 28:2 When  a country is rebellious, it has many rulers; but a man of understanding and knowledge maintains order.
         
         A man of understanding and knowledge – in other words, a godly man- maintains order because God is a God of order. And what does “order” mean? It means everything is in its place. Nagiging magulo raw ang isang bansa kung marami ang naghahari, kung maraming mga tao ang pumupuwesto sa hindi naman nila lugar. Tumingin tayo sa paligid. Bakit palagi nang binabaha ang Metro Manila? Dahil tinitirhan ng mga tao sa tabing-ilog. Hindi dapat binabarahan ang tabi ng ilog para sa tag-ulan, buong luwag na makapaglalakbay at makararating sa dagat ang maraming tubig na bumababa mula sa mga bundok. Pero dahil maging ang kadulu-duluhan ng mga ilog ay tinutungtungan na ng mga poste ng mga bahay, nababarahan ang daloy ng tubig sa ilog. Maging ang mga easements na hindi dapat binabahayan ay nakakamkam na rin. Ano ngayon ang nangyayari? Pag umulan, walang mapuntahan ang tubig at nabubulok ang mga estero sa paligid natin. Alam ninyo bang binalak noong gawing parang Venice ang Maynila sa dami ng mga kanal nito? Ngayon, anong Venice? Na-panis ang plano dahil ang nangyari tinirahan ito ng mga tao, hinagisan ng basura at kinamkam ang mga ilog.
        
         Maging sa paglalagay ng bahay, dapat lang itong itirik sa tamang lugar. Tingnan ninyo ang mga kapatid nating Mangyan. Ang gagaling nilang gumawa ng bahay. Naroon sila sa gilid ng burol na hindi tinatamaan ng malalakas na hangin. Marurunong sila. Malayo sila sa disaster dahil nasa tamang lugar. Tandaan natin, kapag tayo ay nasa maling lugar, umasa kang disaster ang laging kasunod.
       
         Pag sumakay kayo sa eroplano, makikita ninyo na ang luwag-luwag ng Pilipinas. Makikita ninyong nagsiksikan ang mga tao sa bayan at maraming malalaking espasyong walang katao-tao. But because of misgovernance and bad management of the countryside, everybody flock to the city. The countryside is very rich but there are no economic opportunities. Kaya lahat dumadayo sa mga siyudad kahit na wala nang matirahan at nagsisiksikan. Hindi masikip ang Pilipinas, wala lang sa tamang lugar ang ibang tao.
       
To survive,  to thrive and to be a winner, we need our natural gifts and talent. Maraming mga magulang na sa kagustuhang ang mga anak nila ay maging inhinyero, doktor o nars kaya pinipilit ang mga anak kahit hindi yun ang talent nung bata. Kaya maganda yung lumulugar tayo sa tama.

Saturday, August 25, 2018

Yung isip nang isip ng nakaraan walang kinabukasan.


God will keep you so happy that you won’t have time to worry each day. This is such a great gift. Yun daw bini-bless ni Lord, binibigyan Niya ng napakaraming magagandang bagay para wala nang panahong mag-isip-isip pa.
         
             Ecclesiastes 5:20- He seldom reflects on the days of His life because God keeps him occupied with gladness of heart.

Hindi yung tuwing lulubog ang araw nakatingin ka sa malayo. Nagtitirintas ka samantalang ang igsi ng iyong buhok. Hinahanap mo si Crispin at Basilio. Kailangan, yung ma-bless tayo ng Lord na hindi ka na napag-isip-isip masyado kasi marami kang ginagawa. Pero kung wala ka nang ginawa kundi mag-ipon ng scrap book, mga album at tumitingin-tingin sa mga litrato mo noong naka-bell bottom ka pa, malulungkot ka lang. Tapos ang dami-dami pang kasama mo sa picture. Mga namatay na, nailibing na, malulungkot ka talaga. Dapat busy ka sa magagandang bagay nang hindi ka nagsisentimiento de asukal sa tuwina. 
Yung wala kang inisip kundi nakaraan. Alam nyo yung isip nang isip ng nakaraan yun yung wala nang kinabukasan. Kaya kailangan may ginagawa, abala tayo, nagtatrabaho, ini-enjoy natin yung trabaho. Nagsi-share tayo, tinutulungan natin ang mga api, mga kawawa-dun ka maging busy. Para pagdating ng gabi at pagod ka na, matutulog ka na. A blessed person seldom reflects on his life kasi busy siya eh. Kaya yung walang magawa, isang malaking parusa.


What is meaningful? Wisdom despite poor beginnings. The sleep of a simple laborer. The sleep of those who don't have to worry about many things. Eating, drinking, working hard and enjoying its fruits. All these are meaningful. So are God-given work, wealth, capacity to enjoy, contentment and happiness.

Thursday, August 16, 2018

Change Our Reactions To The World


    But many people, meanwhile, are not happy. Many are lonely. Kahit sa lahi natin ay may mangilan-ngilan na malulungkot. In fact, loneliness is the worst epidemic. Ang kalungkutan ay ang tunay na sakit ng napakaraming tao. 

And the way to change from being lonely to being happy is to change not the world but our reactions to it. Hindi natin kayang baguhin ang mundo. Para tayo sumaya, kailangang baguhin natin ang ating ugali. Ang masusungit ay hindi sasaya dahil laging galit. Ang laging nakahahanap ng ipipintas ay di sasaya. Kahit anong ibigay mo sa kanya’y may ipipintas at may ipipintas.
    
Bagama’t masayahin tayong tao, generally speaking, dapat din nating aminin na sa ating personal na buhay ay marami rin tayong kalungkutan. Kailangang mag-isip tayo. Ano ba ang dapat kong palitan para mas  sumaya pa ang buhay ko? Kung ako’y nakalugmok sa pusali ng kalungkutan ay makaahon naman ako at mahango. At kung hindi man ako nakalugmok sa lungkot dahil ako’y may kasiyahan, bakit hindi ko ito dagdagan kung pwede pa?
     
Romans 12:2 Be transformed by the renewing of your mind.
      
Paano nababago ang isang tao? Sa pagbabago niya sa kanyang paraan ng pag-iisip.

Kung sinasabi mo, “Pag ako’y di binabati, naiinis ako.”Eh ang daming hindi bumabati sa iyo, lalo ka tuloy naiinis. Di baguhin mo ang iyong pamamaraan ng pag-iisip. Baguhin mo ang iyong ugali kasi yan ang pinakamadaling gawin kaysa baguhin mo ang mundo. 

Di mo mabagu-bago ang traffic, di ba? Palala pa nga nang palala. Kung ganun, baguhin mo ang iyong ideya. Baguhin mo ang paraan ng iyong pagsuong sa traffic. Magdala ka ng pala at kaunting halaman at pag nakahinto ang sasakyan mo’y magtanim ka sa sidewalk. Makapagtanim ka ng ampalaya, upo, patola at may nagawa kang mabuti. 

Siguro’y ayaw mo pang lumakad ang traffic dahil hindi ka pa tapos. Gumawa ng paraan at huwag magmukmok diyan. Alangan namang habang buhay ay iyan na lang nang iyan.
Sasabihin ng mga Filipino, “Ang init!” na para namang bago nang bago. Naiba na ba ang klima sa Pilipinas? Mag-adjust ka; do something about it. Salamat kamo at tayo’y napapawisan, di na tayo magbabayad ng sauna. 

Mainam na ang tao’y pinapawisan. We should study our attitude. Makikita natin yan sa ating mga pamilya. May tiya ka na pagkasungit-sungit o may kapatid ka na kay hirap-hirap kasama. Hindi na nagbago year in, year out. Lagi na lang na may away at friction. 

Walang nababago. Alam ninyo kung bakit? Walang nagpapalit ng paraan ng pag-iisip. Hindi pa rin tayo magiging masaya habang hindi tayo nagbabago ng ating mga pamamaraan ng pag-iisip.

Monday, August 13, 2018

Unrealistic and impractical standards

       Another attitude that causes unhappiness is unrealistic, unreachable and impractical standards. Yung sobrang taas ng standards sa buhay. Yung di na kayo pwedeng kumain kung walang kubyertos. Hindi na kayo  pwedeng sumaya kung medyo mali ang ayos ng sala. Kailangan ay laging tama ang grammar. May nanliligaw na sa inyo at ang gandang lalaki pa; nang biglang nag-Ingles, eh mali, ayaw na ninyo. Kapag ang dami ninyong hinahanap sa buhay, this leads to constant disappointments.
   
      We should note that even the lofty and noble ideals of the Bible had to be made practical so these could be communicated to people. Iba siyempre ang language ng Diyos; iba ang language ng Espiritu.
 
      Romans 6:19 I am speakin in human terms because of your natural limitations

 Sabi ng nagsasalita na si Paul, "Di talaga ito ang mensahe. Di talaga ito ang words. Napakababa nito. Pero dahil kayo'y mga tao, di ninyo maaabot ang sobrang taas, ibababa ko na lang. Mabuting may maintindihan kayong kaunti kaysa wala."

        Kahit sa myths, ang mga diyos at diyosa sa Olympus ay nagbabaan sa lupa kasi di sila kuntentong nandoon lang at nag-iisa sa itaas. Halos sa lahat ng mito ng matatandang kabihasnan, ang kanilang mga diyos at diyosa ay nagbabaan sa lupa. Kaya nga dapat kang bumaba mula sa iyong tore dahil kung nandyan ka sa kataas-taasan at wala namang makaabot sa iyo, mag-iisa ka.

        Ang mahirap unawain, hawakan, tingnan at pakinggan na katotohanan ng Diyos ay bumaba rin.

        John 1:14 The Word became flesh and made His dwelling among us.

Sabi ng Diyos, "Kung di Ako kayang abutin sa langit ng mga taong ito, Ako ang mananaog. A nanaog ang Diyos sa katawan ng tinatawag nating Anak ng Diyos. Pati ang Diyos ay nag-adjust.

        Psalm 103:14 For He knows how we are formed, He remembers that we are dust.

Kaya't bakit naman di tayo ang mag-adjust sa mga tao na kung minsan ay di tayo maabot? Kung ito'y ina-apply ng Diyos sa atin, ginugunita Niya na tayo'y alabok, na tayo'y lupa, liligaya tayo kung ito din ay aalalahanin natin tungkol sa ating mga mahal sa buhay.

Nagkamali ang inyong anak o ang sinuman. Remember that they are dust. At patawarin ninyo para ang natitira pang panahon ninyo dito sa lupa ay sumaya.
 
         We need to have the same attitude God has for people. If we remember that they are dust, then we'll be able to connect with them. By remembering that people are dust, you also become good to yourself because you'll never know when you'll manifest your being dust, too. Don't burn the bridge over which you also must pass.

Kung di kayo magpapatawad, darating ang panahon na kayo ang mangangailangan ng patawad na yan. Nakasara na ang lahat ng pinto at inyong mare-realize na kayo pala ang nagkandado ng mga ito. So keep them open so you can be good to people and also to yourself.

Sunday, August 12, 2018

Nagmula sa lupa, babalik sa lupa



Kahit ka pa kumamkam nang kumamkam, yumaman nang yumaman, maging makapangyarihan, maging iyo pa ang lahat. Pag namatay ka, kapirasong lupa lang ang kailangan mo kung saan ka ilalagay. Tapos sasabihin mo. "Ito ang aking lupain." Hindi totoo yan. We never own the land. The land owns us. Try dying and then you'll know that the land really owns you! In fact buhay ka pa nagkakalupa-lupa ka na! Subukan nyong maghilud-hilod nang kaunti. Kaya malaking industriya ngayon yang mga exfoliant-exfoliant. Because we're trying very hard to defy the truth that we belong to the ground.
Huwag ka lang maligo ng isang araw, amoy-lupa ka na. Totoo! Kaya sabi niya, "Ganito lang ba ang buhay? Parang walang katuturan." Kunwari pa tayong mga kapangyarihan daw pero hindi natin mapigil ang mga ulan at mga hangin. Matagal na tayong wala sa mundo, pabalik-balik pa rin sila. The meaninglessness of life's cycles proves people's seeming insignificance.
Para kang walang katuturan. Para kang nahulog sa isang malaking-malaking barko na walang nakakita sa'yo, wala nang makakaalala na nawawala ka. May dalawa o tatlong makaalala sa'yo na baka magpasalamat pa, "Hay , nawala, salamat! Kung nalibing ka sa dagat o kung saan man, hindi ka na makikita, wala na! At kahit na yung inilibing noong araw sa magagandang mga sementeryo, three generations later bubuldozerin na, wala na. Lupa na. Sabi ni Solomon, "Ganito lang ba? Meaningless!

     Then he goes on, sa Ecclesiastes 1:12-18:
      I, the Teacher, was king over Israel in Jerusalem. I devoted myself to study and to explore by wisdom all that is done under heave. What a heavy burden God has laid on men! I have seen all the things that are done under the sun; all of them are meaningless, a chasing after the wind. What is twisted cannot be straightened; what is lacking cannot be counted. I thought to myself, "Look, I have grown and increased in wisdom more anyone who has ruled over Jerusalem before me; I have experienced much of wisdom and knowledge." Then I applied myself to the understanding of wisdom and also of madness and folly but I learned that this, too is a chasing after the wind. For with much wisdom comes much sorrow; the more knowledge, the more grief.

Ang sarap niyang basahin! So many lifetimes joined together, filtered by remembrance. Nuggets of wisdom. Gold nuggets of the years distilled by the filtration of an intelligent mind. Sabi niya, "Walang kwenta."

Ano pa ang walang kwenta? Striving against natural law. Striving against God's design. Sabi niya, yung baluktot hindi mo naman maituwid. Yung nawawala, wala talaga. Kahit anong gawin mo, wala. Kahit magpanggap kang nandiyan yan, maglagay ka ng litrato't kausapin mo, wala rin talaga yan. Sabi nga verse 15, "What is twisted cannot be straightened. What is lacking cannot be counted.

Thursday, August 9, 2018

Hold no grudges, have no regrets, discard anger from your heart. Mas maaga, mas mabuti.

 
     May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.
     Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
   
      Ephesians 4:31
      Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.

      Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.

       Philippians 3:13
       ...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.

        Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.

Tuesday, August 7, 2018

Accept and Make Peace With Yourself As Early As Possible


Mayroon tayong mga katangian, lakas at kahinaan. Mayroon tayong mga bagay sa ating mga sarili na talagang kaibig-ibig at mayroon namang sana mas kaibig-ibig pa. Pero kapag mas maaga nating baguhin yung pwedeng baguhin at tanggapin nang buong puso yung hindi pwedeng baguhin tungkol sa atin, giginhawa at mas luluwag ang ating buhay. Room for improvement is the biggest room in the world. Marami tayong pwedeng baguhin at paasensuhin sa ating pagkatao pero may bagay na ganun na talaga tayo. Tinatanggap tayo ng Diyos kaya dapat din nating tanggapin an ating sarili. May mga karunungang hindi natin siguro mama-master kasi may iba tayong master e. May mga physical attributes that will never be ours. Kapag mas tinatanggap natin ito at mas maaga nating tinatanggap ito, mas makaka-focus tayo sa mas mahalagang misyon sa ating buhay.
     
        Psalm 139:14
     
 …I praise You because of the wonderful way you created me. Everything you do is marvelous! Of this I  have no doubt.

Pinupuri ng may-akda ang Diyos dahil daw sa napakagandang paraan sa pagkakalikha sa kanya. But, of course, we know that whoever wrote this is far from perfect. Pero ang sabi niya, “Pinupuri ko Kayo (ang Diyos) sa ganda ng pagkakagawa ninyo sa akin.” Kailangan matuto tayo na kilalanin at i-appreciate yung maganda at mabuti sa atin habang inaayos natin sa tulong ng Diyos ang dapat ayusin. Pero mayroon talagang mga bagay na dapat nating tanggapin na lamang. Halimbawa, kung talagang pre-disposed ang pamilya nyo na magkaroon ng diabetes, ang laki ng chance na magkaroon ka nun. Kaysa magalit ka pa sa mga ninuno mo na hindi naman nila inimbento iyon dahil minana din nila, tanggapin mo na lang at mabuhay sa paraang pinakamaayos para hindi ka mabigyan ng maximum damage ng karamdamang yan. Mas tahimik pa ang ating buhay. Improve what can be improved and change what can be changed. In other words, as early as possible, be a friend to yourself. Be at peace with who you are and what you are.

Sunday, August 5, 2018

Kawawa Naman Ako

Saang mga bahagi ng buhay kailangang humawak tayo sa mga pangako ng Diyos? Ang mga pangako ng Diyos ay kayamanan. Kung tayo ay nagigipit, natatakot, kinakapos at nanghihina, may mga pangako ang Diyos na nagpapalakas sa atin. Hindi lang dahil pangako yun kundi dahil kilala  natin kung sino ang nangako. At ang Panginoon ay di kailanman tataliko sa Kanyang sariling mga pangako.
       Isa pang reklamo ang ating titingnan ngayon at kung ano ang sagot ng Diyos, "Kawawa naman ako." Self-pity can be very draining, deceiving and destructive.
      "Kawawa naman ako." Na-tempt na ba kayong mag-isip nyan? Minsan mananalamin kayo tapos hihikbi-hikbi kayo, mapapaiyak kayo nang konti, "Kawawa naman ako.: Lalo pag may hahagud-hagod pa sa inyo, "Kawawa ka naman talaga." Hu-hu-hu!" Napakalakas pa lalo ang ating mga hagulgol. Ano ba ang dramang bukid ng mga maraming tao kaya naaawa sa sarili?


I'm a nobody
       One of the major complaints of people is, "I'm a nobody." Anong sagot ng Diyos? "You are important."

You are important
       Mark 1:17 - "Come, follow me,"Jesus said, "and I will make you fishers of men."

    People think that it is lowly to be just fisherman but the Lord can turn fishermen into fishers of men. It is the miraculous touch of the Lord that gives us value. Kahit na dalawang maliit na isda, limang pirasong tinapay, napaparami, napapakain ang libu-libong tao, may sobra pa, oras na dumaan sa kamay ng Diyos. Basta hinawakan niya at sinurender sa Kanya. We are important. And we can still be more important than we are now. If we place ourselves in the center of God's economy and minister to people lalung-lalong namu-multiply yung ating halaga. Stop insulting God by implying the He makes insignificant people when you look at yourself and say "I am nobody." God doesn't create rubbish or a trash of nobodies.

        Ang tao ang crowning glory of God's creation. Sobrang pagpapahalaga na hiningahan Niya tayo ng Kanyang sariling espiritu. Na meron tayong tinataglay sa ating pagkatao na bahagi ng Diyos - ang Kanyang Espiritu. Kaya't imposible for people to be just nobody. Nagiging nobody tayo dahil sa ating behavior. Kung minsan naghahanap tayo ng affirmation from people who don't value us, so nagmumukha tayong walang halaga. Kung minsan sinusukat natin ang ating sarili against the standards of the world, nagmumukha tuloy tayong walang value. Tinitingnan natin ang sarili natin mula sa mga maliliit na pagtanaw sa atin ng kapwa tao lang natin kaya mukhang nawawalan tayo ng halaga. Pero kung titingnan natin kung ano tayo sa Panginoon, hindi lang tayo valuable; we are loved

Saturday, March 24, 2018

Nakakapagod Ang Buhay

      May kasabihan sa Ingles, "It never rains, but it pours." Hindi lang daw umuulan, bumubuhos pa. At ito'y karaniwang binabanggit nung mga nakaranas ng napakaraming sabay-sabay na mga dagok sa buhay. Maraming hirap, maraming pasanin, maraming mga sakit sa buhay. At maraming mga tao ang pagod na pagod na. Ang treatment nila sa kanilang buhay ay parang walang katapusang hirap. Kung tayo man yon, ano ang mensahe sa atin ng Panginoon? At kung hindi tayo, paano tayo makapagmi-minister sa mga kapwa natin na ganito ang kalagayan sa buhay? Pagod ang isip, pagod ang puso, pagod ang katawan.

I AM TOO TIRED
People complain, "I am too tired. Pagod na ako. I'm tired of work. I'm tired of burdens. I'm tired of heartaches and difficulties, of pain and sorrow, of frustrations and rejection, of want or poverty. I'm tired of sickness. Pagod na pagod na akong mahirapan, lagi na lang kinakapos."



I WILL GIVE YOU REST
But what does the Bible say? What does God say? Ang sagot niya, "I will give you rest. "Pangako yan ng Panginoon.
         Matthew 11:28-30
         Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.

        Sabi ng Panginoong Hesus, "Lumapit kayo sa akin kayong mga napapagod, kayong mga nabibigatang lubha at kayo'u aking pagpapahingahin." Sabi pa niya, "Isuot nyo ang aking pamatok." Pamatok ang tawag sa isinusuot sa batok ng mga kabayo, baka at kalabaw para hilahin nila ang anumang dapat nilang hilahin. At sa Israel uso yung pamatok na doble. Kung minsan doble, kasi dalawang baka yung magkasabay na humihila ng araro. "Isuot mo ang aking pamatok," sabi niya. In other words, Ako ang inyong magiging partner.